Bella's POV
"Sis, nakita mo na ba result ng midterm exams?" malungkot na saad ni Judith habang nasa cafeteria sila.
"Hays... Oo nga eh, nakakalungkot." Bella pouted.
"Teka, bat ka malungkot eh pumasa ka naman?" nagtatakang tanong ni Judith.
"Eh kasi, pinag-aralan ko to maigi. Baka di masatisfy si Dad sa grades ko... Haaay." Sabi ni Bella habang kumakaen sa cafeteria.
"Oh, Miss Beautiful, wag ka nang malungkot." Biglang sulpot ni Lucas. "Mas maganda ka pag nakangiti." Sabi ni Lucas sabay pa-cute kay Bella.
"Lucas let's go." Matiim na sabi ni Liam sa kaibigan.
"Bye muna girls, see you around!!" kindat ni Lucas sabay umupo sila sa kabilang mesa.
Pansin na pansin ang table nila Liam sa cafeteria. Bukod sa puro nakaputi ang mga ito, kapansin-pansin ang kaguwapuhan ni Liam at Lucas.
"Sis, tingnan mo table nila Liam. Si Ate girl naga-abot ng regalo kay Liam." Sabi ni Judith sa kaibigan.
Tumingin si Bella kung saan naka turo si Judith at pinanood ang isang babae na naglakas loob na lumapit sa table ng kanilang senior, "Hi Liam, please try this desert that I baked for you." sambit ng babae.
"No, thank you." Nakangiting sabi ni Liam.
"Please Liam, try mo lang." biglang iwan ng babae sa regalo niya sabay alis kaya hindi na nasauli ni Liam.
"Grabe mabenta talaga sa Chicks tong si Liam, bat kaya walang jowa? Di naman siya bading, noh?" sabi ni Judith nang biglang nabulunan si Bella.
"Ano ka ba naman sis, kita mong lalaki siya eh." Sagot ni Bella.
"Lakas mang-reject eh, ano pala nangyari sa regalo mo? Tinanggap ba?"
"Oo." Ani ni Bella.
"Wait, panong tanggap? Like napilitang tanggap, kasual na tinanggap, natuwang tinanggap?" naeexcite na tanong ni Judith. Naalala ni Bella ang ngiti ni Liam nang tinanggap neto ang regalo niya.
"Hala siya, bakit ka namumula Bella? Kinikilig ka ano? AYIIEEEEEE." Sabi ni Judith. "Ssshhh wag ka ngang maingay, maipapahamak mo nanaman ako." Sabi ni Bella habang namumula.
Sa kabilang table, napansin ni Lucas ang asaran ng magkaibigan. Ngumiti siya at siniko si Liam na nakikinig sa katropa nilang nagrereklamo sa nakuhang niyang score sa midterms. "Pre, tingnan mo si Bella sa kabilang table, kinikilig na pagkatapos ko lapitan." Inobserbahan niya ang reaksyon ni Liam.
"Naks! Iba talaga si Lucas bro, baka idagdag mo sa koleksyon mo yan ah?" sabi ng isa nilang tropa.
"No, pare. I don't think Bella is someone who you could play with, right bro Liam?" pang-aasar nito.
"Yeah, but could you please stay away from her? Looks like wala ka namang plano seryosohin." Naiiritang sagot neto.
BINGO! Matagal nang may duda si Lucas kay Liam. Kilala niya ang kaibigan niya, hindi ito basta-basta nagkakaroon ng pakialam sa mga babae. Women fell at his feet and he never gave a damn. But now, he seemed so concern for this girl that Lucas thought it was interesting.
"Bakit? Gusto mo ba siya?" prangkang tanong ni Lucas, napatiim ng bagang si Liam. "Just tell me, Liam. Para maka-give way ako sayo. You can have her if you want."
Sa totoo lang, wala siyang gusto sa dalaga pero alam niya ang kaibigan niya, meron. Liam doesn't even realize it yet kasi hindi siya marunong sa ganitong bagay. Kaya siya na nagpo-provoke sa kaibigan. Kelangan lang ng konting tulak ni Liam Castillo.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye (COMPLETED)
RomanceOn her path to self-discovery, introvert Bella Fontanilla doesn't know her purpose in life. But one thing's for sure, she likes Fashion Design despite majoring in Business Ad. Until one day, she found herself auditioning for the Theatrical Arts Orga...