Chapter 55: I need you now

27 2 0
                                    

Liam's POV

"Hello po, Kuya Liam!" masayang bati saken ni Isabella nang makasalubong ko siya sa ospital.

"Hi Bella!" sabi ko sa kanya sabay kinarga siya.

"Kuya Liam, uuwi na kami ni Daddy today. Ang saya-saya ko makakaen na kami sa Jollibee. Sabi ni mommy pag umokay daw si daddy today, bibilhan niya daw ako ng Chickenjoy!" sabi niya.

"Wow! That's so nice. Pwede ba makikagat sa Chickenjoy si Kuya Liam?" Masayang tanong ko sa kanya.

"Hhhmmmm..." Napaisip pa siya, "sige po, pero one bite lang. Favorite ko yun eh!" masigla niyang sabi.

Natawa ko sa sinabi niya. Sobrang masiglang bata ni Isabella at napalapit na siya saken. Malungkot akong uuwi na siya pero at least magiging okay na ang tatay niya. Masaya kong buhat si Bella hanggang sa makarating kami sa nanay niya na nakaupo sa pasilyo ng ospital.

"Mommy? Tayo ka na dyan. Uuwi na tayo, mag-Jabee na tayo." Sabi ni Isabella.

"Anak, play ka muna dun." Sabi nito.

"Hi Ma'am. I heard you're finally going home." Sabi ko.

"Sana nga po." Sabi nito sabay biglang napaiyak. "Pero sa totoo po niyan, isa pong construction worker ang asawa ko. Nagkaron po ng aksidente sa site nila at napuruhan po ang asawa ko. Hindi naman po covered lahat ng kumpanya ang medical bills kasi sobrang laki po. Di rin po sigurado kung makakauwi pa po ang tatay niya sa amin." Iyak nito saken.

I felt extremely sorry for her, I felt the pain that she's going through.

"Wag ho kayo mag-alala, ililigtas po namin siya. I'll also cover the remaining hospital bills of your husband." Sabi ko.

This is the reason why I became a Doctor. This is my purpose. I now have the power to pursue my true calling, to provide medical attention to those who can't afford it.

Nag-request akong mag-assist sa operasyon ng tatay ni Bella. May kasama pa kong ibang Junior Intern para mag-observe. I want to make sure that she'll go home with her daddy. Nang nasa operating room na kami, nakita ko ang malubhang kalagayan ng pasyente. Mataas ang mortality rate nito.

Kalmado kong inihanda ang mga kakailanganin ng surgeon. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang mago-operate.

"You guys are here to watch my every move closely. Make sure to take note of the procedure." Sabi nito.

Nagsimula na siyang magpaliwanag ng lagay ng pasyente at tama ako, mataas ang mortality rate nito o ang porsyento nitong bawian ng buhay habang isinasagawa ang operasyon. Once we're all set, nagoperate na siya sa pasyente. Sa una ay kalmado niyang pinapakita samin ang ginagawa niya, pero nagbago ang lahat pagkalipas ng ilang minuto.

"Code blue. Pass me the defibrillators, now!" Nataranta ang buong operating room nang biglang magkaron ng komplikasyon sa pasyente at tumigil ang pagtibok ng puso nito. I stood there dumbfounded as I watch our surgeon revive the father of Isabella. 

Halos maubusan ako ng lakas nang makitang wala nang buhay ang tatay ni Bella at sinusubukan i-revive ng surgeon. "Time of death: 5:42" announce niya.

Nakaupo ako sa labas ng morge at naghihintay. "Kuya Liam, are you okay? Wag ka na sad. Share nalang tayo oh! Two bites ka na sa Jollibee ko." Nakangiting sabi ni Isabella.

"Diyos ko!!! Ano ba tong delubyong to! Mahal ko, bumangon ka dyan pakiusap!!!" sigaw ng nanay ni Bella.

Hindi ko alam kung san ako nakakuha ng lakas ng loob para harapin ang ina ni Isabella. "I'm sorry. Nagkaron po ng complication habang isinasagawa ang procedure." Sabi ko. This is so fucking painful.

"Pakibalik po ng asawa ko, pakiusap. Hindi ko po kakayanin!!! Diyos ko!! Paano na kami ni Bella ngayon??"

Hinila ni Bella ang lab coat ko, "Kuya Liam, anong nangyari kay Papa? Bakit di po siya gumigising?"

Paano ko ipapaliwanag kay Isabella na wala na ang tatay niya? "Wala na siya, Bella. Nagpahinga na siya." Sabi ko.

"Anong wala na siya?" tanong niya. She's even too young to understand the concept of death.

Nang lapitan ni Bella ang katawan ng Papa niya, pinilit niya itong gisingin. "Papa, gising ka na dyan Papa. Magja-Jollibee pa tayo, diba?" sabi niya sa tatay niya. I can't bear to watch this scene.

Kitang-kita ko na unti-unting nagsisink in kay Isabella na hindi na gigising ang Papa niya. "Papa, okay lang kahit wag na tayo mag-Jollibee. Uwi nalang tayo, Pa. Hindi na rin ako magpapasaway. Di na ko magpapabili ng Barbie sa tindahan. Gumising ka lang Papa.." Sabi nito at tuluyan nang umiyak. Seeing a young girl crying for the death of her Dad crushed my heart. 

Hindi ko na kinaya ang pinapanuod ko at lumabas na ko ng morge. Tumakbo ako palabas ng ospital nang makasalubong ko si Lianne.

"Bumalik ako. Kawawa naman si Nick walang magbabantay." Sabi nito saken pero nagulat siya nang makita ang mukha ko.

"Oh my Gosh, Liam! What happened?" nag-aalala niyang tanong.

Hinang-hina ako at napaupo sa upuang malapit samin. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mata ko.

"Ssshhhhh...Okay lang yan. Sige, okay lang naman umiyak eh. Ilabas mo lang." sabi niya at inakbayan ako.

Napasandal ako sa balikat niya at hinayaang tumulo ang luha ko. I need my Bella, now. I need her so bad.  

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon