Chapter 28: I don't wanna miss a thing

40 2 3
                                    

Bella's POV

"Aahh grabe! Ang bigat talaga ni Liam." Angal ni Chad habang inaalalayan namin si Liam paakyat ng apartment niya.

Nagpasama ako sa kanya maghatid kay Liam sa apartment nito. Nakapikit padin si Liam at nakaakbay ang magkabilang balikat nito samin ni Chad. Buti nalang nasa second floor lang ang apartment ni Liam.

Sa wakas at nakaabot na kami sa unit at inenter ni Chad ang passcode sa pintuan nito, "Siya nga pala, kami lang ni Lianne nakakaalam ng password ni Liam. Birthday ng Mama niya ang password, ito oh." Sabi ni Chad sabay pakita saken.

Pagkapasok namin sa apartment ni Liam ay bumungad saken ang amoy ng pabango nito. Tumingin ako sa paligid. Studio type ang apartment niya pero naka-interior design ang lugar. Halata mong may kaya din ang pamilya ni Liam. Black and white monochromatic ang design, lalaking-lalaki. Malinis ang lugar niya at ang mga lab coat niya ay maayos na naka-hang sa isang rack. Habang pinapahiga ni Chad si Liam sa kama ay naglibot-libot ako sa paligid.

Sa study desk niya, nakita ko ang mga makakapal na libro na inaaral niya at sa tabi nito ay may photo frame. Isa itong group photo ng mga Doctor na may kasamang bata.

"Chad, sino itong mga to?" tanong ko.

"Family picture niya yan. Ito si Tito Lucas, Cardiothoracic Surgeon, Papa ni Liam. Ito naman si Tita Lilliana, OB-Gyne at mama ni Liam at itong isa pang babaeng naka-puting coat din ay ate niya, Si Ate Janine, Resident Doctor ng Internal Medicine. It literally runs in their blood." Sabi ni Chad habang tinuturo niya ang bawat tao sa larawan.

"By the way, I need to go now. Hahabol ako sa meeting. Ikaw na muna bahala kay Liam ha? Maya-maya siguro okay na yan, pwede ka na umuwi. Bye!" Paalam ni Chad sabay alis.

Nilapitan ko si Liam at hinawakan sa noo para i-check ang temperature nito. Nagbabaga ito sa init. Pawis na pawis din siya. Kumuha ako ng basang tuwalya at bilagay sa noo niya.

"Ikaw talaga. Naturingan kang magiging Doktor pero hindi mo maalagaan sarili mo." Sabi ko sa kanya. Isang oras na ang lumipas pero hindi parin bumababa ang lagnat niya.

"Liam, kelangan kitang punasan ha? Mabilis lang to promise." Sabi ko. Pumikit ako at sabay hinubad ang t-shirt niya. Sinimulan ko na siyang punasan nang hindi dumidilat.

'Wow, ngayon ka pa naconscious eh nakita mo siyang naka-trunks lang.' my inner thoughts commented.

Biglang hinawakan ako ni Liam sa magkabilang kamay at pumaibabaw saken sa kama. For Pete's sake, he's topless! Unti-unti niyang pinilit imulat ang mata niya. It seems like his vision is still blurry from the high fever.

"Sino ka?" mahina niyang sabi.

"L-Liam si Bella to." Akala ko magugulat siya pero ako ang nagulat nang makitang tumawa siya.

"Nananaginip nanaman ba ako? Kung ganon..." sabi ni Liam sabay yinakap akong parang bata, kung makadagan akala mo hindi siya mabigat. "Ayoko nang magising."

Sinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko and I can't help but think how nice it felt. Maybe a bit overwhelming as well. I can feel Liam breathing against my neck. My body can't move as if it wants to stay like this forever. Snap out of it, girl! Wag pokmaru. I pushed Liam off me and jumped out of bed. Girl, focus ha? Andito ka bilang tagapag-alaga.

I snapped out of my thoughts when Liam's phone started ringing. It was his mom. Thank God pinakilala saken ni Chad ang pamilya niya like 10 minutes ago. I answered the phone for him.

"Hello po."

"Hello? May I ask who's this and do you have my son's phone?" tanong ng malambing na boses sa kabilang linya.

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon