Chapter 24-Love me for what I am

43 3 3
                                    

3rd Person POV

"Where the hell is the Princess?!" Singhal ni Mr. Santos sa buong Theatre Arts Group.

"I'm sure she's on her way, Mr. Santos." Sabi ni Lianne.

"How sure are you, Miss Clarke? Have you contacted her?" mataray na tanong ni Mr. Santos.

"Wait eto na po! Nagtext na po si Judith!" sigaw ni Beatrice habang tumatakbo.

Everyone breathed a sigh of relief. "Ano sabi?" tanong ni Lianne.

"Hindi daw po siya makakapunta, may sakit daw po siya, pinauwi siya ng University Doctor. Pero may substitute daw po siya." Sabi ni Beatrice.

"Sino daw ang substitute?" tanong ni Lianne.

"Si Bella daw po. Parehas daw po sila ng size tsaka kabisado na daw po ni Bella yung lines."

Napatingin lahat kay Bella sa sinabi ni Beatrice. "What?! Ako?" gulat na sabi ni Bella.

"Then, what the hell are we waiting for? Dalhin niyo na yan sa dressing room para mabihisan!" sigaw ni Mr. Santos. "Tapos na ba yung ibang artist the dressing room? Palabasin niyo na dito at unahin yung scenes na wala siya. Make it brief since damit naman focus dito."

Hindi na nakatanggi si Bella nang dalhin siya ni Lianne sa dressing room. "Sorry Bella, but you have to do this. We cannot disappoint Mr. Santos. Don't worry I'll guide you." Sabi ni Lianne. Gulong-gulo si Bella pero wala siyang choice kundi sumunod.

'Augghh Judith talaga, sabi ko sayo wag lumaklak ng madaming softdrinks ughhh.' Sabi niya sa isip niya. Paspasan siyang inayusan ni Lianne. Ang mahabang buhok ni Bella ay kinulot at tinitirintas sa bandang itaas sabay sinuotan ito ng tiara.

"Hubad."

"Wait what?!"

"You'll need to take off your clothes to wear this, right?" natatawang sabi ni Lianne.

"Ako nalang po magsusuot." Nahihiyang sabi ni Bella.

"You'll need assistance in wearing this." Sabi ni Lianne at inilabas ang corset.

"Aaahh okay po." Sabi ni Bella sabay nahihiyang hinubad ang kanyang suot at tanging underwear nalang ang natira sa kanya.

'Wow, ang ganda ng katawan niya.' Naisip ni Lianne. She's wearing a matching white undies that made her look pure.

Hindi napigilan ni Lianne na ikumpara ang kanyang katawan kay Bella. Kung sa kulay ang pag-uusapan, mas maputi siya kay Bella, pero sa kurba ng katawan ay panalo si Bella.

'She's so sexy underneath those clothes. It's like a hidden gem. Ito ba ang nagustuhan ni Liam sa kanya?' Tanong ni Lianne sa isip niya. She suddenly felt her insecurity crawling in. 'Focus, Lianne!'

"Wear this dress as underwear." Sabi ni Lianne.

Nakilala agad ni Bella ang puting bestida, ito yung ginawa niya nung "The Possession", hindi naiwasan ni Bella ang mapangiti.

"This is your first dress, right? Your dress is indeed versatile. We can use it for more plays to come. Good job." Nakangiting sabi ni Lianne. "Now, talikod ka saken and breathe in... hard."

Hindi pa napo-process ni Bella kung bakit kelangan niyang huminga nang malalim nang bigla niyang maramdaman ang paghigpit sa kanyang baywang. Sinuotan na pala siya ng corset ni Lianne. Madami pang sinuot sa kanya at para talagang nasa medieval period siya.

"Now for the dress." Sabi ni Lianne at lumapit sa mannequin na may suot ng engrandeng damit ng prinsesa.

Napatitig si Bella sa damit. Ito ang tinrabaho nila nang ilang linggo. Ni minsan hindi niya naisip na masusuot niya ito. Tiningnan ni Bella ang sarili sa salamin.

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon