Bella's POV
"Bella, can we talk?" tanong saken ni Liam pagkatapos ng organization meeting namin.
"Org-related ba?" tanong ko.
"Ahh...hindi eh." Napakamot sa ulong sabi ni Liam.
"Sorry Liam, pero wala akong oras eh." Sabi ko sabay nagmadaling umalis.
Hinawakan ni Liam ang pulso ko at pinigilan akong umalis. "Please, Bella. Sobrang importante lang." sabi nito.
I looked at this face. His eyes were pleading. It's been a week since nangyari yung sa rehearsal at iniwasan ko na siya maigi. Dire-diretso lang ako maglakadpero nararamdaman kong hindi tumitigil sa pagsunod si Liam habang nakikiusap na kausapin ko siya.
"Sorry Liam, pero wala tayong dapat pag-usapan." Sabi ko habang naglalakad, palagpas sa cafeteria ng University.
"Bella, please! Kausapin mo naman ako oh. Please." Malakas na sabi ni Liam, his voice full of desperation.
Naramdaman kong natigilan yung mga tao sa cafeteria. Lahat sila ay gulat na napatingin samin ni Liam. Maski ang mga tropa ni Trixie ay nandun, at halos malaglag ang kanilang panga sa sahig sa pagkagulat.
"OMG si Liam ba yun? Ba't siya naghahabol sa chaka na yan? Masyado siyang guwapo para dyan." Narinig kong bulungan ng ibang tao sa cafeteria. I rolled my eyes at them.
"Bella, pakiusap. Kahit saglit lang. Please." Sabi ni Liam.
"Fine. Pero wag dito." Sabi ko at naglakad papuntang university garden, tahimik namang nakasunod si Liam.
Naisip ko naring tapusin ang lahat ng koneksyon ko kay Liam. Habang maaga pa, habang hindi pa nagiging kumplikado ang mga bagay, tatapusin ko na. Ayoko masaktan. I won't let him hurt me. Again.
Hinrap ko siya nang makarating kami sa garden. "Ano gusto mong pag-usapan?" I coldly asked him.
"It's been a week since we last talked." Sabi niya.
"So?" tanong ko.
Nagulat si Liam sa tono ko. Isang linggo, isang linggo niya ko sinubuksan kausapin pero lagi ko siyang iniiwasan. "Uhmm I-I..." Hindi na naituloy pa ni Liam ang sasabihin niya nang inilabas ko ang puting panyo na may nakaburdang L.
"This is yours, right?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Yes Bella, I-"
"Eto, kunin mo na. I don't need this anymore. Stop sending me notes sa locker ko. Stop making me feel special tapos ganun din pala sa iba. Tigilan mo na ko, Liam. Wala naman tong mararating. Stop confusing my feelings. From now on, Senior nalang kita. Nothing more." Sabi ko sabay talikod.
It took a lot of courage for me to walk away. I never imagined how hard it was to walk away from the person that you want to be with.
"GUSTO KITA, BELLA!" Sigaw ni Liam. "Ikaw ang gusto ko, wala nang iba. I didn't mean to confuse your feelings, but my feelings for you are sincere. Ikaw ang gusto kong makasama. Ni minsan, walang iba, ikaw lang." Sabi pa niya.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mata ko nang mapalingon ako kay Liam. Hindi ako makapaniwala, na itong lalaking to, na laman ng isip ko, na nakapagparamdam saken ng ganito ay ipinagsisigawang gusto niya ko. Tumakbo si Liam papunta saken at hinawakan ang kamay ko.
Sa tangkad ni Liam ay hanggang dibdib niya lang ako, nahihiya akong tingalain siya kaya nakayuko lang akong umiiyak. Liam knelt to face me.
"Bella, sa totoo lang. Mahal kita. Matatanggap mo ba ang pagmamahal ko para sayo?" Nakaluhod na tanong saken ni Liam, nakatitig siya sa mata ko. Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Liam.
"Liam, I'm sorry." Naiiyak kong sabi at dun na tuluyang pumatak ang mga luha ni Liam.
"Bella, please. Hindi ko hinihiling na suklian mo ang pagmamahal ko, kahit hayaan mo lang akong mahalin ka. Tanggapin mo lang ang pagmamahal na ibibigay ko sayo." Pagmamakaawa ni Liam.
Hawak pa din ni Liam ang kamay ko, hindi ko napigilang haplusin ang pisngi ni Liam para tanggalin ang mga luha sa mukha niya, nang dahan-dahan niyang dinampian ng halik ang palad ko.
"Pano si Lianne?" tanong ko.
"Kaibigan ko siya, Bella." Paliwanag niya.
"Pero mahal ka niya at ayokong makasakit ng tao. Ayoko ring magmahal. Ayoko masaktan. Gusto ko muna mag-focus sa sarili ko. Ngayon ko palang nahahanap ang sarili ko, Liam. Ayoko ring tanggalin sayo ang oportunidad na maging President ng org next year. Ayoko maging unfair." Sabi ko.
"Bella, nararamdaman mo rin ba tong nararamdaman ko? Kasi kung parehas tayo, ipaglalaban ko tayo. Papanindigan ko kung anong meron tayo, kahit anong sakripisyo kaya kong gawin." Sabi ni Liam.
"Sabihin mo lang, Bella. Please. Sa loob ng isang linggo na iniiwasan mo ko, na-realize kong ikaw ang pinakaimportante. Sa tingin mo ba hindi ko pinigilan tong nararamdaman ko? I tried Bella, but I failed. I failed so many times. Kaya please, payagan mo kong ligawan ka, payagan mo kong alagaan ka, payagan mo kong mahalin ka." He's now sobbing while confessing his love for me.
I feel so happy but confused at the same time. Yes, I like him. But love? I don't know. I've never been in love before kaya di ako familiar sa pakiramdam ng pagmamahal, intimately. I like him, pero inisip ko kung ano ang magiging impact nito sa mga pangarap ko, sa puso ko, sa pag-aaral ko at sa pamilya ko. Is it worth the risk?
"Liam, tumayo ka na dyan please?" sabi ko sa kanya. I can't believe what I'm seeing right now, the great Liam Castillo, nakaluhod sa harapan ko, umiiyak.
"Liam, makinig ka saken ha? I'm too afraid to risk. What if maging tayo tapos hindi mag-work out? San tayo pupulutin? I can't disappoint my dad. Pano pag nalaman sa org? You can't be President anymore, naisip mo ba yon? Eh ako? Anong iisipin saken ng iba nating ka-org? Pano nalang yung passion ko magtahi kung maoovershadow ng issue natin sa org? My mom risked everything to support me in my dreams. Paano si Lianne? Oo, friends kayo, pero Liam mahal ka niya. Pag itutuloy niyo friendship niyo, naisip mo ba mararamdaman ko knowing that you're friends with someone who's madly in love with you? Kaya ba natin maging selfish para dito?" sabi ko.
"I'm sorry, Liam but no." sabi ko.
"Bella, please wag naman ganito." Sabi niya.
"Hindi pa nga tayo, puro ganito na agad. Puro sacrifices, gusto ko yung pagmamahal na hindi pinipilit." sabi ko.
"Hindi yun pinipilit Bella kundi pinaglalaban. Mahal kita kaya ipaglalaban kita." Sabi ni Liam.
"NO, LIAM. Please wag mo na ipilit. Hindi pwede." Mariin kong sabi kay Liam.
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at tumakbo na palayo. Iniwan kong mag-isa si Liam at umiiyak sa garden, kung saan kami unang nagkakilala.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye (COMPLETED)
RomanceOn her path to self-discovery, introvert Bella Fontanilla doesn't know her purpose in life. But one thing's for sure, she likes Fashion Design despite majoring in Business Ad. Until one day, she found herself auditioning for the Theatrical Arts Orga...