3rd Person POV
"Wait, baka naman sabihin mo unfair ako. Na di ko man lang pinakinggan ang side mo. Sige, tell me honestly, is there something going on between you and Liam outside the organization that I should know? Tanong ni Maine kay Bella.
Malakas ang kutob ni Maine na may namamatigan kay Liam at Bella. If Bella admits that there is something going on between the two of them, she will not like what will happen next, so she's internally hoping that what she suspects is not true.
"You don't have to ask her that, Maine." Biglang pumasok sa kuwarto si Lianne at nagulat ang dalawa sa nakita.
Ang dating kulot na buhok nito na abot-beywang ay hanggang dibdib nalang at nakatuwid na. Ang sopistikadang suot ni Lianne ay napalitan ng plain white shirt, boyfriend jeans at white sneakers.
"I don't think she's the one in this picture." Sabi ni Lianne sabay pakita ng picture kay Maine. And here's my evidence. Inilabas ni Lianne ang checkered pink na panyo na galing sa kanyang bulsa. Parehas ang buhok ng babae sa picture sa bagong buhok ni Lianne, maski ang suot na damit nito.
"I-Ibig sabihin, ikaw ang kasama ni Liam?" gulat na tanong Maine.
"May iba pa bang nakakasama lagi ni Liam sa kotse niya?" Patawang sagot ni Lianne.
"Now, you may go to our rehearsal room. I think I owe Bella an apology for getting her dragged into this issue." Sabi ni Lianne kay Maine. Mabilis na umalis si Maine sa kuwarto at naiwan si Lianne at Bella sa kuwarto.
"Thank you." Nahihiyang sabi ni Bella.
"There's no need to thank me, Dear. I'm not doing this for you. I'm doing this for myself. I know you won't have the guts to admit such issue, especially with the consequence that you and Liam might face, so why not just snatch limelight away from you?" sabi ni Lianne.
"Whatever your intentions were, it saved me and Liam. So, thank you." Sabi ni Bella.
"Accepting your gratitude would mean that I accept your relationship with him. I'm not done fighting Bella. I didn't wait for three long years just to end like this." Lianne had to control herself. She could not break down now, not in front of her. "Now, you can either admit the truth and risk losing everything or keep your mouth shut and let me handle the situation my way. You wouldn't be so selfish now, right Bella?"
Lianne's words were hitting Bella hard. She was scared. She wanted to back out. Nanliligaw pa nga lang si Liam, grabe na ang hirap. The spotlight, consequences, and backlash. Hindi niya gusto ang lahat ng yun. Si Bella lang siya na nangangarap magdesign ng mga damit. Hindi siya kasing perpekto ni Lianne para maging confident humarap sa mga tao, para matanggap ng nakapaligid kay Liam.
Walang sinabi si Bella hanggang pagalis ni Lianne. Lumipas ang oras hanggang sa meeting ng org. Nagtipon-tipon silasa stage bago magsimula ang meeting. Pagpasok ni Liam ng rehearsal room ay agad niyang hinanap si Bella. Nasasabik na siya makita ito kahit magkasama sila kaninang umaga. Nang makita niya si Bella, ngunit hindi siya tinapunan ng tingin nito.
"Okay guys, before we start our rehearsal, let's have a short meeting. I know lahat kayo nag-iisip isip sa issue na kinakaharap ng isa nating kasama. Pakiusap ko lang na wag na sana natin palakihin ang issue at may kanya-kanya tayong personal na buhay."
Nagtaas ng kamay ang isang Senior Executive Board, "Lianne, question lang."
"Yes?"
"I just like to know kung ikaw ba yung kasama ni Liam sa picture?" tanong nito.
Napatawa si Lianne. "Ano sa tingin mo?" Nakangiti niyang sagot sa nagtatanong na EB.
"Salamat sa paghatid saken kanina ha?" malambing netong sabi kay Liam.
Nagulat si Liam sa sinabi ni Lianne at lubos siyang nagtataka sa ginagawa ni Lianne gayong alam naman nila ang totoo. Itatanggi na sana ni Liam pero nakita niya ang nagsusumamong titig sa kanya ni Bella na tila ba nakikiusap na wag na ituloy ang sasabihin nito.
"Woah! Ibig sabihin natuloy na ang pinakahihintay na panliligaw ni Liam kay Lianne? Congratulations!! Palakpakan naman natin sila guys!" Masayang bati ni Chad.
Napuno ng palakpakan ang rehearsal room at masayang bati ng mga ka-org nila. Ang laki ng ngiti ni Lianne habang pinapasalamatan niya ang mga ka-org nila na lumalapit sa kanya para icongratulate sila. Si Liam lang ang mukhang hindi masaya sa nangyayari. Nakatitig lang siya kay Bella na mukhang gusto ring tumakas sa sitwasyon na ito.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Wala talagang ibang babagay kay Liam kundi si Lianne, sobrang perfect nila together." Kumento ng isa nilang ka-organisasyon.
Wala nang ibang nagawa si Bella kundi ang makipalakpak at magpanggap na natutuwa sa narinig na balita. Ang totoo, ang bigat ng pakiramdam niya
"So gano katagal mo balak paghintayin ni Liam ha, Lianne?" biro ni Chad.
"Pinaghintay siya ni Liam nang three years kaya paghintayin mo din, Lianne!" biro ng isang EB.
"Naghintay na nga ng tatlong taon, maghihintayan pa ulit. Sagutin mo na ayieeee!" Napuno ng pangangatiyaw ang buong kuwarto.
"Kayo talaga, nahihiya tuloy ako." Sabi ni Lianne sabay kapit sa braso ni Liam.
Liam flinched at her touch. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng kaibigan. Hindi niya mapigilang magalit kay Lianne. Bella, just gave him a chance tapos eto gagawin niya?
"Guys, please excuse us for a minute." Sabi ni Liam at hinila si Lianne palabas.
"Huy Liam, hinay-hinay lang. Di ka pa sinasagot niyan." Alaska sa kanila ni Chad habang naglalakad sila palayo. Nakarating ang dalawa sa labas ng rehearsal room.
"What the hell do you think you're doing, Lianne?" galit na sabi ni Liam.
"What do you think?" Sagot ni Lianne na puno ng hinanakit.
"Stop playing games with me, Lianne. Answer me." Puno ng pagpipigil na sabi ni Liam.
"I'm saving you! Alam mo ba kung anong mangyayari pag nalaman ng lahat na si Bella ang nililigawan mo? Your chance of being President next year will be gone, for good."
"At sino nagsabing I'm planning to run for Presidency next year?" pahayag ni Liam na kinagulat ni Lianne.
"What? Please tell me you're kidding." Hindi makapaniwala si Lianne sa naririnig niya.
"I'm not. Like you, this is going to be my last year here in this organization." Sagot niya.
"Why??" Malungkot na tanong ng dalaga.
"I want to focus on my studies next year and on Bella." Sabi ni Liam.
"Bella?" Lianne scoffed, "That girl again?! Ano bang nakita mo sa kanya, ha? Lahat ng meron siya, kaya ko ding ibigay, kaya kong higitan. Just tell me, Liam! Ako nalang ang piliin mo. Hindi ka magsisisi."
Lianne felt so desperate that moment. She can feel Liam slipping away from her.
"Stop this, Lianne. Please." Pagmamakaawa sa kanya ni Liam.
"No! If you choose Bella over me, I'm gonna have her kicked out of this organization. Don't try me, Liam. You know the rules; Executive Board can't date trainees." Pagbabanta ni Lianne.
"Go ahead, Lianne. But before you do that, keep in mind na nililigawan ko palang si Bella so if words spread out, people will know that I'm the one who wants this relationship. She doesn't even want to date me in the first place because I'm her Senior. So sino sa tingin mo ang matatanggal ha? Sige, sabihin mo, I'm not afraid to sacrifice my position for Bella." Mariing sambit ni Liam kay Lianne.
"Also, no need to make me choose between you or Bella. You were never an option for me in the first place. I love you as a friend. Now if you don't want to lose that, know your place." Dagdag ni Liam tsaka siya naglakad palayo, iniwan sa dilim si Lianne.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye (COMPLETED)
RomanceOn her path to self-discovery, introvert Bella Fontanilla doesn't know her purpose in life. But one thing's for sure, she likes Fashion Design despite majoring in Business Ad. Until one day, she found herself auditioning for the Theatrical Arts Orga...