Chapter 27: Kiss you

40 2 1
                                    

Bella's POV

"Sis, okay ka lang ba talaga? Pansin ko, para kang lutang these past few days. Bothered ka pa rin ba sa chismis about sa inyo ni Liam dun sa paghahabol niya sayo sa cafeteria? Nakalimutan na nila yun." Pag-cheer up saken ni Judith.

"Hindi, sis. Okay lang ako, medyo di lang maganda pakiramdam ko." Sabi ko.

"Eto oh. Paborito mong desert, mango graham cake. Para ma-cheer up ka." Maski paborito kong graham cake, di na makapagpasaya saken.

"Sis, look. Paparating si Liam at Lianne kasama ibang org para sa meeting oh." Turo ni Judith sa isang table sa cafeteria. Sinigurado kong hindi kami makikita ni Liam.

"Meeting nila yan with our tie-up org para sa incoming events natin." Bulong ni Judith. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ang meeting nila, umalis na ang mga ksama nila at naiwan si Liam at Lianne sa table.

"Sis, pansin mo ba? Ang putla ni Liam, tapos hindi na siya palangiti. Parang walking dead sis, pero poging walking dead." Kumento ni Judith.

Napatingin ako kay Liam. Ni hindi niya kinakaen ang pagkaen sa harapan niya, nakatulala lang siya sa malayo kahit masayang nagkukuwento si Lianne. Tila napansin yata to ni Lianne at kinamusta siya nito. Nakita ko nalang na hinaplos ni Lianne ang noo ni Liam na tila tinitingnan kung may lagnat ito na marahang tinapik ni Liam papalayo.

"Bella, umamin ka nga. May nangyari ba sa inyo ni Liam? Bakit nagkaganyan yan?" seryosong tanong saken ni Judith.

"Wala..." iwas tingin kong sagot kay Judith.

"Wala? Paanong wala?" tanong niya.

"Wala lang yun. Wag mo na isipin." Sabi ko.

"Nak, girl. Kung ikaw man ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Liam, maawa ka naman sa kanya. Tingnan mo yung tao oh." Sabi ni Judith.

3rd Person POV

Pagkatapos ng klase ay nauna nang pumunta ng theatre room si Judith. Sumunod naman si Bella pero pagpasok niya, nakita niyang nakabulagta sa stage si Chad at si Judith ay gulat na nakatayo sa paanan nito. "Judith! Anong nangyari?" natarantang sabi ni Bella.

Pulang-pula ang pisngi ni Judith at siya ay napatakbo sa labas. Nilapitan ni Bella si Chad at nakahinga siya nang maluwag nang makitang may malay ito. "Chad? Chad! Okay ka lang? Anong nangyari sayo?" tanong ni Bella pero nanatiling tulala si Chad.

"Chad??" dagdag na tanong ni Bella pero hindi siya sinasagot ni Chad. Nakahawak lang ito sa labi niya.

"What's happening here? Bella?" biglang tanong ng baritonong boses sa may pintuan.

Nakita niya ang takang-taka na si Liam sa may entrance ng theatre. Napagdesisyunan niyang sundan na ang kaibigan niyang si Judith sa labas ngayong andito na si Liam para kay Chad.

"Chad, what happened? Answer me." Tanong ni Liam kay Chad.

"Sh-She kissed me." Tulalang sabi ni Chad.

Ayun nalang ang salitang nabigkas ni Chad sa pagkagulat. Naiisip niya palang na may ibang lalaking humalik kay Bella ay tila nagdilim ang paningin ni Liam. Kelangan niyang marinig mismo kay Bella na hindi totoo ang sinasabi ni Chad.

Nakita ni Bella si Judith sa may labas ng theatre room na di mapakali. "Judith, ano bang nangyari ha?" tanong niya sa kaibigan.

"Hindi ko sinasadya promise!!! Nagpepaint lang ako sa itaas ng stage habang nakaalalay si Chad sa hagdanan sa baba. Na-out of balance ako at nalaglag kay Chad... tapos..."

"Tapos ano?!" tanong ni Bella.

"Aksidente ko siyang nahalikan. Ugh!" nahihiyang sabi ni Judith.

Natawa si Bella. Hindi niya napigilan asarin ang kanyang kaibigan, "Ayan!"

Oras na niya para makabawi sa kaibigan nang iwan sa kanya ni Judith ang kissing scene rehearsal kasama si Mr. Santos.

"Nakakakilig naman yung kiss na yun, muwah muwah muwah." Asar ni Bella kay Judith sabay ngumuso para pandagdag asar.

"BELLA!" Liam called her angrily.

Nilapitan niya si Bella, hinawakan sa pulso at hinila palayo. Dinala niya si Bella sa isang emergency exit ng theatre na malapit sa dressing room. Hindi nila alam ay papalabas na sana ng dressing room si Lianne nang makita silang dalawa.

"Liam, bakit?" kinakabahang tanong ni Bella dahil ngayon niya lang nakitang galit nang ganto ni Liam.

Naglalakad ito papalapit sa dalaga habang si Bella naman ay umatras hanggang sa tumama ang likod niya sa pader. Kinulong ni Liam si Bella sa gitna ng kanyang mga kamay na nakahawak sa pader.

"Why did you do that?" seryoso niyang tanong kay Bella.

"What do you mean?" sagot naman ni Bella.

"You rejected my love, then kissed another man? Bakit Bella? Do you have any idea how badly I want to kiss you?" Liam whispered in her ear.

His voice sent shivers down her spine. Ngayon niya lang ito narinig sa binata, his voice was very seductive. she closed her eyes and breathed deeply to control herself from giving in. Liam leaned in. Magkalapit na ang kanilang mukha at nagdikit na dulo ng kanilang ilong. Bella can smell his minty breath. Liam seems like he's not thinking straight at the moment.

Liam was so mad. He wanted to kiss Bella to erase the kiss from another man, but stopped himself from doing so, because he respects Bella. Hinawakan ni Bella si Liam sa magkabilang balikat para pakalmahin ito.

"It's not what you think, Liam. I'm not the one who- LIAM!" napasigaw si Bella nang mawalan ng malay si Liam.

"Tulong!" sigaw ni Bella. Kahit nanghihina sa kanyang nakita ay lumabas si Lianne sa dressing room at tinulungan sila. "OMG, Liam! Sabi ko na dapat nagpahinga ka nalang eh." Natatarantang sabi ni Lianne. Tumawag ng medic si Lianne at isinugod nila sa Clinic si Liam.

"Sino po ang kasama ni Patient Liam Castillo?"

"Ako po!" sabay na sigaw ni Bella at Lianne.

Nagkatinginan yun dalawa habang napakamot sa ulo ang nurse nalilito kung sino ba talaga ang kasama. "Sino po huling kasama bago siya nahimatay?" tanong nito sa dalawang dalaga.

"Ako po." Sabi ni Bella.

"Alam niyo po ba kung gaano katagal nang may lagnat si Mr. Castillo?" tanong nito kay Bella.

"Hindi po eh." Malungkot niyang sagot.

"It's been three days. On off lagnat niya pero ngayon lumala. He barely sleeps and eat these past few days, I don't know why." at nakaramdam ng guilt si Bella.

"Binigyan na po namin siya ng gamut. Advise po ng Doctor na umuwi na po ang patient para magpahinga at need po ng magbabantay sa patient habang hindi pa po bumababa ang lagnat niya.

"Okay. Ako na mag-uuwi sa kanya." Mabilis na sagot ni Lianne bago siya tumingin kay Bella. "Bella, you may go now, I can take care of him."

"Lianne, there you are! We have an emergency meeting with the student council. Now na!" sabi ni Maine nang makita sila.

Lianned groaned, "Need ba talaga ako dyan?" tanong ni Lianne.

"Lianne, okay lang. Ako na mag-aalaga kay Liam." Sabi ni Bella. For the first time in few days, Bella felt happy again.

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon