Climax 1
FLASHBACK
Mahaba ang palda ang lumalaylay sa bawat dinadaanan. Bawat pagtakbo ay may kaakibat na mga matang nakatingin sa kanya.
"Ang ganda talaga niya," bulong ng isang binata na halos malaglag na ang panga sa kakatingin sa kanya.
"Kaso, hindi niya tayo papansinin dahil iba ang gusto niya," pagsingit ng isa pang binata.
Isang dalaga na hindi mukhang makabasag ng pinggan.
"Gracia!" bulalas nito at napatingin ang kanyang tinawag."Grabe, ang layo ng itsura mo sa boses mo! Para kang bakla na tambay sa kanto!" pasigaw na tugon.
"Eh ano bang magagawa ko kung pangkanto ang tono ng boses ko?"
"Oo nga pala, kailan kayo magkikita nila Tito Cardo at Tita Athena?"
"Hindi ko pa alam, Gracia. Gustong-gusto ko na rin pumunta sa bahay nila. Matagal din ang dalawang taon na naghintay ako sa pagbabalik nila," aniya ng dalaga at minabuting umupo sa loob ng silid aralan.
Nakuha niyang inilabas ang paborito niyang libro ang Romeo and Juliet. Ang librong kahit milyong beses na niyang basahin, ay hindi niya kailanman pagsasawaan.
"Palagi na lang ba 'yan ang babasahin mo?" sambit ni Gracia at ibinaba ang libro ng kaibigan upang siya ang pagtuunan ng pansin.
"Gracia, alam mo naman na crush ko itong si Romeo. Pakiramdam ko kasi siya si Ricardo!" kinikilig na sinabi ni Regine. Pulang-pula ang mukha niya at isinubsob ang mukha sa librong binabasa.
"Gaga! Kahit kailan at napaka landi mo. Maharot ka pa sa bulateng na asinan."
"Gustong-gusto ko na kasing ikasal sa kanya. Imagine, ilang taon na niya akong hinihintay para lang mag-isang dibdib na kami!"
Halos malukot na niya ang libro dahil sa sobra-sobrang emosyon.
"Hay, napakaswerte mo. Isang gwapo, matipuno at may magandang pamilya pa ang lalaking mapapangasawa mo. Kaso, ang tanong?" pabitin na sinabi ni Gracia. Lumapit ang mukha ng dalaga at mukhang interesado sa sasabihin ni Gracia.
"Niligawan ka na ba niya?"
"Kailangan pa ba no'n? Eh mahal naman namin ang isa't-isa. Isa pa, buong pamilya ko at pamilya niya ay gustong-gusto kaming dalawa!"
"Hay nako Regine Perez! Magpaligaw ka na muna! Iba pa rin iyong hinaharanahan ka niya, isinasayaw ka niya, sinusulatan at nagnanakaw ng halik!" bulalas ni Gracia. Natigilan ang dalawang dalaga nang marinig ang isang malakas na kalabog
"Ms. Fuentes and Perez! Get out of my class now!"
Walang kamalay-malay ang dalawang dalaga na nandito na ang guro nila.
"Nako, paano ka magugsustohan ni Ricardo. Tingnan mong pinalabas ka ni Professor," pang-uuyam ni Gracia at tinatawanan ang kaibigan.
"Magugustohan niya ako, isa pa't matalino naman ako. Nagkataon lang na masyadong hopeless romantic."
Sa kabila ng kanyang ngiti ay may nagbabadyang nerbyos. Kilala sila sa buong eskuwelahan, lalong-lalo na't ang Tatay niyang dating guro sa paaralan ng Fords University. Isang matalino ang kanyang Ama sa larangan ng Matematika. Ngunit hindi ito namana ni Regine.
"Ang kinakatakot ko, Business Math Teacher natin siya. Lalong kilala niya si Papa," kabado niyang sinabi at kinagat ang librong hawak-hawak niya.
"Good luck sa pag-uwi mo mamaya."
BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomantikRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...