Climax 52

1.3K 88 11
                                        

Climax 52

Galit ang nararamdaman ni Regine habang siya'y nakatingin sa Tiyuhin niyang nasa kabaong. Binigyan niya ng maayos na himlayaan dahil kahit papaano'y naging mabuti ito noong siya'y bata pa. Ito na lamang ang kanyang inisip. Nagdusa na rin ito ng ilang taon. Hindi nakadalo ang asawa at anak nito dahil sa ayaw din nilang makita si Darwin. Kinamuhian si Darwin ng pamilya dahil inaakala nilang siya ang pumatay sa kanilang kapatid.

"Nasabi mo na ba sa mga Tita mo ang lahat?" tanong ni Gracia at inabutan ng tubig si Regine.

"Ayaw naman nila akong paniwalaan. Kaya pag-uwi ko ng Bataan, gusto kong hawak ko na ang lahat ng dokumentong magpapatunay na hindi pinatay ni Tito si Dad."

"Mabuti iyon, bukas na ba ang libing niya?"

"Yes, para makapag pahinga na siya ng husto," kuyom ang mga kamao ni Regine habang siya'y lumuluha. Hindi niya magawang magalit sa kanyang Ama.

"Sir Arthur," sambit ni Yap at lumapit sa sasakyan ni Arthur.

"Hindi lang namatay sa pagkakabugbog si Darwin. Nilagutan siya ng leeg, ito ang resulta ng otopsiya."

"Then, Ric was the culprit?"

"Maybe, malinis po ang pagkakagawa. Walang inmates ang nakapansin sa pagkamatay niya. Hindi rin natin masasabi na si Ric ang dahilan, dahil baka may mga kaaway din si Darwin sa loob ng kulungan."

"Hindi ba't clean ang record niya?"

"Yeah, pero hindi natin pwedeng pagbintangan si Ric at kasuhan dahil wala tayong konkretong ebidensya."

"The how about Regine's sudden hearing loss? Alam kong sinaktan niya si Regine."

"Kasama na rin po iyon sa Violence Against Women."

"Gusto kong mabulok sa bilangguan si Ric," aniya ni Arthur.

Sa pagbaba nila ng sasakyan, naabutan ni Arthur na nakaupo si Gracia sa labas ng chapel. Tinabihan niya ito at nagtaka si Gracia.

"Kailan nagsimula ang hearing loss ni Regine?"

"Ha?"

"Answer it."

"Ah-eh---" Nilingon siya ni Arthur at sinimangutan kaya biglang nagsalita si Gracia. "Noong nalaman ni Ric na may karelasyon si Regine."

"Ah, naalala ko na. Hindi ko siya naipaglaban dahil naduwag ako. I want to break his fucking skull to death. Ginawa niyang kasangkapan si Regine sa paghihiganti niya? Bakit hindi niya mismo kinompronta ang Tatay ni Regine noong buhay pa? Bakit si Regine pa ang napagdiskitahan niya? Tanginang gayshit."

"Chill! Ikaw ang mahal ni Regine. Hindi mo na kailangan magalit kay Ric. Hintayin mo ang batas ang siyang humusga sa kanya. Kung ikaw ang hahawak sa batas, ikaw ang mapapahamak. Fist of all, hindi ikaw ang ginawan niya ng masama. Second, hindi ka naman batas. Batas nga may due process, ikaw pa na wala."

"Thanks. Mainitin lang talaga ang ulo ko."

"Kaya nga nabuntis si Regine."

"How about you? Bakit hindi ka mag-asawa?"

"Ayoko na, wala naman maayos na lalaki."

"Me?!" Bulalas ni Arthur.

"Buhat bangko ka rin no?"

"Okay, irereto kita kay Yap. Pareho lang kayong na disgrasya."

"Ha? What do you mean disgrasya?"

"Nadisgrasya, hit and run. Pagkatapos mahalin iniwan. Pareho kayong may anak ni Yap. Siya naman iniputan sa ulo," giit ni Arthur.

"Talaga? Sige ireto mo!"

"Huwag mong tuturuan si Regine ng ganyan ha?"

"Hoy, malastod din 'yan si Regine noong college kami! Ikaw ang huwag loko-loko, lalo na't bata ka pa."

"I will take care of your bestfriend. Gusto ko na nga siyang pakasalan. Gusto ko pang tumatlo kaming anak, o hanggang lima," seryosong sinabi nito.

"Wow! Sipag mo ha! Hindi bali at bata ka pa. Sulitin mo na si Regine baka maabutan pa ng menopause ang pinapangarap mong limang chikiting!"

"Oo, baka gusto mo sampu pa ang anak namin. Pwede namn."

"Anong sampu?" Napatingin ang dalawa nang si Regine ang sumingit.

"Hey sexy," bungad ni Arthur at inayos ang sumbrero niya.

" 'Yung mukha mo makikita," suway ni Regine.

"So what? Asawa mo nga bulgaran."

"Huwag mo ipakita ang mukha mo, baka magpakamatay sila para sa'yo, " biro ni Regine.

Kinabukasan, bumalik sa Regine sa mall upang bilhan ng regalo si Arthur. Wala pa siyang naibibigay magmula nag-propose ang lalaki sa kanya. Pumunta siya sa men's wear at nakita ang corporate attire.

"Kaya pala pumunta ako noon dahil bibilhan ko ang lalaking mahal ko. Hindi si Ric kung hindi si Arthur. Pero hindi corporate attire ang ibibili ko sa'yo," natawa si Regine at dinampot ang brief.

"Kailangan may kandado ang brief mo, baka kapapanganak ko lang, buntisin mo na naman ako. Extra large ba si Arthur?" pumikit siya at inimagine ang nobyo. "Shit! Ano bang pumasok sa utak ko?" binitiwan niya ito at pakiramdam niya'y mapapa-aga ang panganganak niya.

"Naughty Regine. Malaki ang puwet ni Arthur pati--pa-- Damn, nevermind!" Kumuha siya ng alam niyang sasakto kay Arthur. Sa kanyang paglingon, napangiwi si Regine sa bigat at sakit ng sampal. Napahawak siya sa pisngi at nakita si Jinx.

"Kapal ng mukha mong kasuhan si Ric! Ang Tatay mo ang manloloko!" aniya ni Jinx at akmang sasampalin niya pa si Regine. Ngunit gamit ang isang kahon ng brief na ibibigay niya kay Arthur ang siyang ginamit na pansampal dito. Nagkatinginan ang mga tao at mukhang nag-panic ang mga empleyado.

"Fuck my nose!" Sigaw ni Jinx at napansin ni Regine na bumaliko ang ilong ni Jinx.

"Gaga ka! Kapal ng mukha mo malandi!" Sigaw ni Jinx at hinatak ang buhok ni Regine.

"Ouch! Ano ba!" Tili ni Regine. Hindi niya alam kung paano maalis ang mabigat na kamay ni Jinx sa buhok niya, kung kaya't pinuntirya niya ang dibdib nito. Pinisil ni Regine ang pekeng dibdib ni Jinx at napaatras si Jinx. Napahawak si Regine sa kanyang sinapupunan at nakaramdam ng kirot.

"Help!" Sigaw ni Regine. Halos mabitiwan niya ang bag dahil sa sobrang kirot.

"Hulihin niyo 'yung babae!" Sigaw ng isang babaeng promodiser at tinulungan si Regine. Hinawakan ng dalawang guwardiya si Jinx.

"Let me go!!" Bulalas niya.

Sinakloklohan si Regine at pinaupo sa wheelchair. Mabilis na dinala siya sa Mall clinic. Napatingin siya sa cellphone at nakitang tumatawag si Arthur.

"Art--thur," hindi niya mapigilan ang pag-iyak dahil sa sobrang sakit ng tiyan niya.

"What happened?"

Pakiramdam ni Regine na narinig niya sa personal si Arthur.

"Please, come here. Nandito ako sa Mall clinic."

"What Mall?! Anong nangyari?!"

"UDT Mall. Please now na!" 

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon