Climax 42
Graduation day.
Magkasama sa loob ng sasakyan ang dalawa dahil sa Graduation Ceremony ni Arthur at bibisita si Regine sa Pottery. Hindi nakuhang maasikaso ni Arthur ang mga dokumento ni Regine dahil sa mga utos ng kanyang Ama. Subalit, ipinaasikaso naman niya ito sa kanyang kinuha na Attorney.
"Pupuntahan kita mamaya ha?" pagkukumpirma ni Regine.
"Sure! Gusto na nga kitang ipakilala kay Dad."
"Huwag na muna, alam mong hindi pa ako hiwalay sa asawa ko," aniya ni Regine. Natahimik si Arthur at sumagi sa isip niya ang nakitang dokumento ni Ric
"Kailangan kong ipa-authenticate ang marriage contract ni Ric sa San Francisco pati na ang documents nila ni Regine. Kailangan kong malaman lahat. At alam kong may kinalaman ka at ng pamilya mo sa pagkamatay ng Tatay ni Regine," bulong ni Arthur.
"Anong iniisip mo? Malalim pa yata sa bahay ni Sadako ang iniisip mo ha?"
"Nothing, just. J-just, ah." Hindi niya masabi kay Regine dahil gusto niyang siya ang makadiskubre nito.
"Ano?"
"Kailangan mong maging maalam sa batas Regine."
"Alam ko 'yun, para hindi matanga?" Pagtatanong nito.
"Yeah, hindi lahat ng Attorney pumapanig sa tama. At lalong hindi lahat ng Attorney ay sumusunod sa batas."
"So you're telling me that Ric is a Law breaker?"
"Yeah."
"Gago talaga siya! Gustong-gusto ko silang pag-untogin ng kabit niya!" Bulalas ni Regine at nakuhang mamula dahil sa sobrang galit.
"Chill, baka mapaglihian mo 'yang si Abogago."
Natawa naman si Regine sa sinabi nito. Hinatid siya ng binata hanggang sa convenience store lamang dahil ayaw din ni Regine na ihatid siya ni Arthur hanggang sa Pottery.
Nang marating ni Regine ang Pottery, halos malaglag ang kanyang panga.
"Anong nangyayari rito?!" Bulalas niya at ilang araw lang siyang nawala ay nangalahati na ang Pottery shop.
"Regine! Ngayon lang ito! Hindi ko sila mapigilan! Binili na raw ang lupa ng Pottery!" Bulalas ni Gracia. Halos magmakaawa si Gracia dahil dinidemolish na ang kanilang Shop.
"Teka! Sino bang bumili nito ha?! Na sa akin ang legal papers! Lahat ng titolo!" Saad ni Regine sa Sheriff.
"I'm sorry, ginagawa ko lang ang trabaho ko."
"Regine, hindi ba't nalipat na sa'tin ang lupang kinatitirikan nito?" tanong ni Gracia.
"Oo, si Ric ang gumawa no--" napatigil si Regine at sumagi sa isip niya ang mga sinabi ni Arthur. "Putang ina Ric!" Sigaw niya at hinablot ang susi ng kotse ni Gracia.
"Regine! Huwag mo akong iwan dito!"
Galit na nagmamaneho si Regine papunta sa Law firm ni Ric. Ngayon lang ulit siya dadalaw dito.
"Pinaglololoko mo ako Ric. Hindi dahil pinagkatiwala ko sa'yo lahat ng legal documents tatarantaduin mo ako!
Nang marating niya ang Law firm ni Ric, bahagya siya sumilip sa salamin na pintuan at naaninag ang asawa. Namilog ang mata niya dahil pamilyar ang babaeng kanyang nakita.
"Teka, hindi ba't ito ang babae sa Pottery?" Pakurap-kurap si Regine dahil hindi ganoon kaliwanag ang mga mata niya. Kinuha niya ang cellphone at pisimpleng nilitratuhan si Ric. Bigla siyang pumasok at silang tatlo ay parehong nagkagulatan.
BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomantikRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...