Climax 54

1.3K 98 7
                                    

Climax 54

Lumipas ang ilang buwan at halatang-halata na ang tiyan ni Regine. Payapa at tahimik ang buhay nilang dalawa. Naging magkasama sa negosyo si Arthur at Regine sa Pottery. No corporate attire, no leather shoes, and no expensive things. Tanging simpleng pantalon at t-shirt lang ang palaging suot ni Arthur. He's now learning how to live in a simple way. Mula sa bisyo niyang alak, bar hopping, bed friends, expensive cars and motors. Tila ang utak ng isang happy go lucky na binata ay naging soon to be a father.

Tanging nasa utak lang niya ay kung paano tipirin ang nakuhang pera sa kanyang Ama. Lahat ng ito'y pinagkatiwala niya kay Regine. Puro tungkol sa magiging pamilya nila ni Regine ang kanyang iniisip. Pinaghahandaan niya ang kasal at panganganak nito. Gusto man makihati ni Regine, ngunit tumanggi si Arthur.

"I'm the man, I will take the responsibility. Magmumukha akong walang bayag kung makikihati ako sa'yo," taas noo nitong sinabi at natawa naman si Regine.

Nakuhang kunin ni Regine ang cacts plant at inabot kay Arthur. "Gift ko," sambit ni Regine.

"Ulit? Mukha na ba akong cactus?"

"Eh kasi, dapat brief ang regalo ko sa'yo. 'Yung may kadena at padlock," saad ni Regine habang tumatawa.

"Pagluto mo na lang ako. Mas gusto ko iyon. Huwag ka nang gumastos."

"Wow! Baka maging milyonaryo na ako!"

"Ayaw mo iyon? Para may ibang branch ang RG pottery."

Sa ilang araw na lumilipas, paunti-unting natutunan ni Arthur ang buhay ni Regine. Mula sa pagtatanim at paggawa ng ceramic. Naging tahimik ang buhay nila sa kamay ni Smith. Hindi siya kinakumusta ng kanyang ama. Lalong hindi na pinagpipilitan ni Arthur na lumapit dito.

"Kailan mo balak kausapin ang Daddy mo?"

"Huwag na muna ngayon, masaya ako Regine. Siguradong masisira ang araw ko kapag diniktahan na naman niya ako."

"Pero kakausapin mo pa rin siya ha? Tatay mo pa rin 'yon. Hindi ka mabubuo kung wala siya," napatingin si Regine at Arthur sa dumarating, si Gracia at Yap. "What's the meaning of this?" dagdag ni Regine.

"Nireto ko. I'm the sexy cupid," pag singit ni Arthur at tinapik ni Yap ang balikat niya.

"Ginayuma niya ako," simpleng sagot ni Yap.

"Wow, Mister chinito?!" Kinurot ni Gracia si Yap at nagtawanan lamang ang dalawa.

"Paano ba 'yan, Regine? Ikaw ang magrerepresenta sa RG Pottery sa International Ceramic Festival. Kumusta na ang iyong project?" tanong ni Yap.

Sumenyas si Regine na sundan siya, sumunod naman ang tatlo at ipinakita ang proyekto niyang isasali sa patimpalak.

"May winner's speech ka na ba?" batid ni Arthur.

"Wow? Agad-agad? E tingnan mong mangyayari pa lang ito next week! Kinakabahan nga ako! Pero sana manalo!" Bulalas ni Regine.

"Claim it Regine, alam kong kaya mo. Tingnan mong one of a kind ang design mo. Sigurado akong may malalim na ibig sabihin 'yan," aniya ni Gracia at kinindatan siya nito.

Ilang sandali, naiwan ang si Arthur at Regine sa loob ng stock room dahil tinutulungan din niya ito sa pagbubuhat.

"You should take a rest. Baka biglang lumabas si baby ng wala sa tamang kabuwanan," giit ni Arthur, pagkatapos ay kinuha ang hawak niyang paso.

"Napaka maalaga naman ng future mister ko. Mukhang mauunahan mo pa ang mga Kuya mong mag-asawa," kinurot ni Regine ang kanyang pisngi pagkatapos ay nag-iwan ng matamis na halik.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon