Climax 15

1.6K 92 11
                                    

Climax 15

Napabalikwas mula sa kinahihigaan si Regine. Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang ibabang parte at tiningnan niya agad ang oras sa cellphone.

"Alas kwatro na," nagmadali siyang bumangon at kinuha ang

jacket. Nagtatakbo siya papasok sa kanyang kotse at hinihingal na sumandal. Nakakaramdam pa rin siya ng pagkakahilo at sakit ng ulo.

"Dinamitan niya ba ako?" napainom siya ng tubig at naalala niya ang kanyang ginawa. "H-hindi na ako nalalayo kay Ric. I'm a cheater too," bumuhos muli ang luha niya hanggang sa makatulog sa loob ng kanyang sasakyan.

Ilang oras ng nakababad sa bathtub ang binata, pikit ang mga mata nito at nag-iisip. Umalingawngaw sa teynga at kanyang utak ang mga ungol ni Regine. "I did the same thing. I slept with a married woman. Huwag ka nang uulit Arthur," kinakausap niya ang sarili at napabuntong-hininga.

Sa muling pagpikit niya, muling sumagi sa isip niya ang mukha nito.

"Arthur! I'm close! Don't stop."

Napabangon siya sa bathtub at niliguan ang katawan. Init na init ang binata kung kaya't pati panligo niya binigyan na niya ng yelo.

"She's goddamn gorgeous. I love how she touches herself. The way she moves above me. The way she screams my name. Bakit ba siya niloko ng asawa niya? Damn, kung asawa ko siya. Hindi ko hahayaan na twelve years siyang nagdusa bilang virgin. I will make her pregnant before our marriage. Wait, so they don't have kids? Hindi pa siya nanganak, obviously virgin,"

Napabuntong hininga ang binata at lumabas ng banyo. Papikit-pikit dahil wala pa siyang tulog. Muli siyang napatingin sa orasan at nakitang alas sais na ng umaga. "Ang tagal ko pa lang tulala sa tub."

"Dress properly! We need to talk!" Nagulat ang binata dahil sa biglang sulpot ng kanyang Ama. Nagtaka siya dahil hindi naman pumapasok ng hanggang kwarto si Smith.

Nanibago siya dahil hindi ganito sumigaw ang kanyang Ama. Nagmadali siyang lumabas ng kwarto at nakasalubong si Archer.

"Tito Arthur! Can we go to Regine?" salubong ni Archer sa kanya.

"Not anymore!" Mariin na sinagot ni Arthur sa bata. Nakuhang sumibi ni Archer at halos mukhang iiyak dahil sa takot. "Oh sorry! Don't cry nabigla lang si Tito! Sige pupuntahan natin siya," pilit niyang pinapalubag ang loob ni Archer.

"Fuck ano ba ang gagawin ko? Kakasabi ko lang na ayoko na siyang makita. I don't want to be her paramour!"

"Good morning, Dad!" Pagbati niya.

"Explain!" Binato sa kanya ang tatlong papel. Namilog ang mga mata ni Arthur sa kanyang nabasa.

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Justice

Office of the City Prosecutor

CAMAIA RICHARDS (Compliant)

VS

ARTHUR LAVIGNE (Respondent)

Trespassing Case (First Case)

Malicious Mischief Case (Second Case)

Violence against Women and Children (Third Case)

"You hurt your Fiance! Galit na galit ang magulang niya sa'kin! They pulled out their investments! What happened to you, Arthur? Sinira mo ang tiwala ko!" Sigaw nito sa kanya.

"Dad, she cheated on me! Huling-huli kong nakikipag-sex siya sa ibang lalaki! She's craving for sex with that guy! Natural nagdilim ang paningin ko! I-punched his face and slapped Camaia!" Galit na sagot nito. Nakatikhim ng sampal ang binata mula sa kanyang ama.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon