Climax 53
Halos maging track and field ang kahaban ng Mall dahil sa pagkaripas ng takbo ni Arthur.
"Sir ano pong pakay niyo?" tanong ng guwardiya sa kanya.
"Asawa ko nand'yan!" Sigaw niya at nagulat ang mga taong nandito. Narating niya ang Mall clinic at halos dumagundong ang clinic dahil sa bigla niyang pagbukas. Nakita niya na nakaupo si Regine at may hawak na lollipop.
"Are you okay?"
"Sir, okay na po siya. Kumirot lang ito dahil sa sobrang stress. Maging maingat na lang po kayo at huwag basta iwanan ang asawa," giit ng isang Nurse.
"O-okay na ako," kibo ni Regine. Dahan-dahan lang naglalakad ang dalawa at hindi binibitiwan ang kamay ni Regine.
"Bakit kumikirot ang tiyan mo?"
"Nastress lang."
Tahimik lang si Regine at ayaw niyang sabihin kay Arthur ang nangyari. Siguradong iinit pa sa bulkan Pinatubo ang ulo nito.
"I will check the CCTV footage."
"Si Jinx kasi!" Bulalas ni Regine at nangamot ng ulo.
"Fucking gay?!" Sigaw ni Arthur.
"Hayaan mo na, okay lang naman ako," sambit ni Regine. Tumigil si Arthur sa paglalakad at binitawan ang kamay niya.
"Palagi kang ganyan, inaabuso ka na, hinayaan mo pa."
"Eh, kasi may kaso na rin naman. Nakaganti naman ako at natabingi ang retokada niyang ilong," aniya ni Regine at natawa. Ngunit hindi tumawa si Arthur. "Huwag ka na kasing magalit. Okay naman kami ni baby. Makapit ang anak natin!"
Kinabukasan, naagang nakarating si Regine kasama si Attorney sa Regional Trial Court. Nanlalamig ang buong katawan ni Regine dahil sa sobrang kaba. Gustong-gusto na niyang matapos ang kaso at pinapanalangin din niyang isang hearing lang ang maganap. Habang siya'y naghihintay, nakita niya si Ric na papalapit kung saan siya nakapuwesto. Umupo ito banda sa harapan nila at pinagmasdan lamang si Regine. Para bang hindi kumukurap si Ric, pakiramdam ni Regine ay matutunaw na siya sa mga nakakamatay nitong pagtitig.
"Those are the eyes I once obsessed with. But all of this has been just a lie. You wrapped me out in delusion. With sweet smiles on your lips and eyes, I was mistaken and blinded by your fake love."
Napayuko si Regine at hindi niya maiwasan na malungkot. Ang labindalawang taon na sinayang niya, mula sa taon na binilang, emosyon at pagkakataon ay nauwi sa abo.
"It's hard to believe. Even if you are married, you are already living under one roof. There are still secrets to be revealed. I thought that everything we shared was genuine love, but it was just a lie, a dirty lie."
Pilit na pinigilan ni Regine ang mga luha. Galit siya sa puntong nagpakatanga at hinayaan niyang paikutin siya ng isang lalaki na ginawa niyang mundo.
"Are you okay Regine?" tanong ni Attorney Beth.
"Yeah, laban lang. Makakamit ko rin ang hustisya," aniya at napatingin sa clerk.
Tinawag ang pangalan nila at ito na ang simula ng laban.
'PEOPLE OF THE PHILIPPINES VS. RICARDO DAVID II'
Nagsimulang tumayo ang mga tao sa loob husgado at sinimulan ang pambansang awit pagkatapos ay nagdasal.
"This court is now in session."
Tinawag ang witness na si Regine kasama ang clerk. Taas noo at diretso siyang nakatingin. Pakiramdam niya'y umiikot ang tiyan dahil sa sobrang kaba. Itinaas niya kanang kamay, habang ang kabila na nakapatong sa bibliya.

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...