Climax 3

2.3K 112 10
                                    

Climax 3

FLASHBACK

"Anong oras ang klase mo?"

"Ha? Oo nga pala!" biglang na pa tayo si Regine at naramdaman niya ang biglang kirot ng tagiliran niya.

"Are you okay? Huwag ka na kayang pumasok." 

"Hindi pwede, exam ko ngayon kay tanda!" Pagmamadaling sinabi nito at kinuha na lang ng basta ang toothbrush ni Ric. "Pahiram ha! Sorry, ma-le-late na talaga ako! I love you Ric!" Sambit ni Regine at hinalikan ang nobyo sa pisngi pagkatapos ay nagmadaling lumabas ng bahay. Natunganga si Ric habang hindi makuha ng utak niya ang sinabi ni Regine sa kanya. 

"She said, I love you?"

Sa pagmamadali ni Regine. Hindi na niya nakuhang maligo at magpalit ng damit papasok sa eskwelahan. Pag tapak niya sa pintuan, napatingin ang mga kaklase niya at mukhang hindi maipinta ang mga mukha. Lalong-lalo na ang Professor niya sa kanya. 

"Why are you late?" singhal nito. 

"Sorry po. Nahirapan lang po ako na bumangon dahil sa pilay ko," pagdadahilan niya at lumapit sa guro. 

Isang upuan ang pagitan niya kay Gracia,  nagkatinginan sila ng kanyang kaibigan na halos lumabas na ang mga mata nito dahil sa sobrang tutok sa papel.

"Gracia," mahinang pagtawag niya. 

"Mahirap!" pabulong na sinabi ni Gracia pero ramdam ni Regine ang tensyon.

Nanlaki ang mga mata ni Regine nang makita ang exam nila. 

"Gago talaga 'to! Bakit pinaka hirap-hirap niya ang exam!? Nakakabobo naman!" 

Tila kinakausap niya ang sarili habang hindi niya alam kung saan parte ng utak niya hahanapin ang kasagutan sa mahirap na pagsusulit. Ilang sandali, biglang sumagi sa isip niya ang sinabi niya kay Ric. 

"Oh shit!I said, I love him?! Hindi ba't dapat sa kasal na 'yon? Okaya kapag nag-make love kami? Bakit ko ba sinabi! Hay nako, Ric. Sorry talaga kagabi," pagmo-monologue niya. 

Halos paglaruan na lang niya ang multiple choice sa Business Math Final Examination. Kinakabahan siya dahil hindi siya sigurado na maipapasa niya ang ganitong kahirap na examination. Matapos ang ilang oras, nagmamadaling lumabas ng silid aralan si Regine upang puntahan ang nobyo. 

"Hoy! Regine Perez! Bakit ka ba nagmamadali?" paghabol ni Gracia sa kanya. 

          "Gigimik tayo diba? Siguro naman okay na 'yang tagiliran mo?"

"Hindi pwede, kailangan ako ni Ric ngayon," bakas ang pangangamba sa tono ng kanyang pananalita. 

"Anong pala ang nangyari  kagabi at hindi ka natuloy? Alam mo bang napuyat ako kakahintay sa'yo at sobrang kabado?”

"Na snatch ang cellphone ko, hinabol ni Ric kaya nadaplisan siya ng kutsilyo," paglalahad ni Regine.

"Oh my gosh! Na saan na siya? Alam ba ng parents niyo?" 

"Hindi, ayaw niyang ipasabi. Alam mo naman na ako ang rason kung bakit siya halos masaksak. Nahihiya ako dahil sa katangahan ko," napayuko si Regine dahil hindi niya alam kung paano babawi sa kanyang nobyo.

Sa patuloy na pag-uusap ng dalawang magkaibigan. Walang kamalay-malay si Regine na narinig ng pinsan niya ang pinag-uusapan nila. 

"Oh paano, mauuna na ako," Regine uttered and left a kiss on Gracia's cheek. 

"Sige, alagaan mo siya ha!"

***

Nakuhang umuwi ni Regine sa bahay nila upang magpalit lamang ng damit. 

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon