Climax 2
FLASHBACK
Ika-ikang naglalakad si Regine papasok sa kanyang paaralan. Hindi niya halos maigalaw ang kanyang kaliwang binti dahil sa pamamanhid nito.
"Regine! Anong nangyari sa'yo?" bulalas ni Gracia at tinulangan ang kaibigan sa pagbaba ng hagdanan mula sa entrance.
"Nalaglag ako sa bisikleta."
"Tanga naman talaga ng bisikleta na 'yan!"
"Hindi ako tanga. Sadya 'yon!"
"Gaga ka ba? Anong kalokohan 'yan?! Tumalon ka sa bisikleta? Pakiramdam mo ba action star ka o nanghuli ng palaka?!"
Nakuhang takpan ni Regine ang kanyang teynga dahil sa sobrang ingay ng kaibigan.
"Damn it Gracia! Ang ingay mo! Baka may mag sumbong na naman," malungkot ang mukha nito at nakuha nilang umupo sa covered courts ng paaralan.
"Teka? Sumbong? You mean, sinumbong ka nga ni tanda?"
"As usual, pinahiya ako ni Dad sa pamilya nila Tito Cardo at Tita Athena. Nandoon pa ang gwapo kong Fiance," halos sumayad na ang mukha ni Regine sa simento dahil sa kahihiyan na nangyari kahapon.
"Really?" Umuwi na siya? Grabe! Paano? Niligtas ka ba ni Romeo mo?"
"Oo niligtas niya ako! Kinikilig ako! Kasi kahit na pinahiya ako ni Dad. Nandoon si Ric para intindihin at pakinggan ako."
"So anong next na nangyari?"
"Edi ayon, nag bisikleta kami. Dahil gusto ko siyang hagkan nang matagal, nagpalaglag ako sa bisikleta."
Halos hindi makapaniwala si Gracia sa kalokohan ng kaibigan. Mas lalo siyang napailing at nag-iwan ng kurot sa tagiliran ni Regine.
"Ayon, ibang klase na utak nga naman ang mero'n ka."
"Hoy, kahit nabalian ako. At least binuhat ako ni Ric. Ang sweet niya, ang bango niya. Ang sarap hagkan pagkatapos kulang na lang halikan ko na siya," saad nito at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang libro.
"Oh, kailan ka niya liligawan?"
"Hindi na importante 'yon! Kasi ikakasal na rin naman kami! Tapos alam mo bang dito na sila sa Pilipinas?! Ang Attorney Ricardo David II ko ay makakasama ko na!"
"Grabe, at least may improvement. Hindi tulad dati na puro na lang kayo bakasyon nagkikita at puro Yahoo web calls."
"Gusto ko na ngang magpabuntis."
"Grabe! Huwag na muna! Mas maganda kung e-enjoy-in mo na muna ang buhay single lady after graduation!"
"Eh kasi naman ikakasal naman kami. Syempre isusuko ko na ang Bataan!"
"Gaga! Speaking of Bataan! Mag disco naman tayo, masyado na tayong manang kakaaral. Ayoko naman na mukhang walang social life kahit virgin pa tayo!"
"Hello?! Ika-ika ako, paano ako sasayaw?" sambit nito at inirapan ang kaibigan.
"Kapag gumaling ka! Takas tayo! Sayang naman kung hindi natin e-enjoy-in ang pagiging kolehiyala! Imagine, ikakasal ka na. So, dapat sulitin mo na ang pagiging Ms. Perez dahil soon to be Mrs. David na!"
"Tama!"
***
Balisa si Dave habang pinagmamasdan ang Financial status ng negosyo niyang palayan dahil sa sakuna na tumama.
"Lugi! Paano ako babawi?" wika niya at binato ang mga papeles.
Hindi payaman, kung hindi palugi ang negosyo ng mga Perez. Ang mga kapatid ni Dave na pilit nag-aagawan sa Palayan nila sa Balanga Bataan.
BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...
