Climax 21
"Halika na! Mabilis lang magpa-salon!" Hinatak ni Gracia si Regine.
"Ayoko nang mag kulay!" Suway nito.
"Halika na mabilis lang isang oras lang 'yon!"
Narating nila ang salon ng kaibigan ni Gracia. Basta na lang siyang sinalang at kung ano-ano ang ginawa sa buhok niya.
"Dapat magpaganda ka. Kahit nangangaliwa ang asawa mo. Huwag mong hahayaan na bumaba ang self-esteem mo bilang babae," sambit ni Gracia.
"Libre ba itong pasalon mo?" Aniya ni Regine.
"Hay ano ba Regine! Napaka mo, alam mo bang sa kaibuturan pa ng buto ko hinugot ang sinabi ko sa'yo!" Bulalas ni Gracia.
Tumango at sumunod na lang si Regine sa kagustuhan ng kaibigan niyang ipayos ang sarili mula ulo hanggang paa. Sa ilang oras na nakalipas at nakabalik na sila sa Rg Pottery Shop. Nagbabanat ng likoran si Regine dahil sa ngalay na inabot sa loob ng salon.
"Ma'am Regine! Nandito po ang client natin!" Sambit ng trabahador niya. Parang may isang malaking tandang pananong sa kanyang isipan dahil sa sinabi ng kanyang empleyado. Wala rin siyang natatandaan na may kliyente na bibisita
"Regine!" Bulalas ni Archer at hinagkan siya ng bata. "I miss you so much! You are so beautiful!"
Lumebel si Regine sa bata pagkatapos hinalikan din niya ang pisngi nito. "Nakakagigil ka! I miss you!"
"Ang ganda mo po!" Muling inulit ni Archer at pinaghahalikan ang pinsgi niya.
"Hello, so you must be Regine? By the way, I'm Austine Lavigne."
"Nice to meet you Sir."
Mahigpit na hinawakan ni Austine ang kamay ni Regine habang si Arthur na nagpanggap na umubo upang bitiwan ang kamay ni Regine
Biglang napatingin si Regine kay Arthur at kitang-kita niya ang nanlilisik nitong mga mata. "A-ah! She's Gracia, my friend and co-owner."
"Pleasure to meet you beautiful woman," bati ni Austine at humalik sa kamay ni Gracia.
"Hey, Kuya," suway ni Arthur.
"What? You must be a gentleman! Magaganda ang mga designs ng mga banga lalo ang mga babaeng ito. Ikaw ba ang designer?" tanong ni Austine kay Regine.
"Y-yes Sir. May napili po ba kayo, baka gusto niyong bumili."
"Sure! I'll buy! Pwede niyo ba akong samahan ladies?"
"S-sure!" Tugon ni Regine at mabilis na humakbang upang umiwas kay Arthur.
"Do I look like a ghost Archer?" tanong ni Arthur kay Archer. Naiwan silang mag tiyuhin sa labas.
"Hindi po,bakit?"
"Nevermind, let's go."
Ni hindi man lang ako pinansin? Nakita lang niya si Kuya," bulong nit Arthur habang naglalakad na magkasalubong ang kilay.
Gustong-gusto nang batukan ni Arthur ang Kuya niya dahil panay ang pagpapacute nito kay Regine. Alam niyang inaasar siya nito. Kanina niya pa gustong itali si Regine dahil sa sobrang revealing ng suot nitong blouse. Napaka linaw at kitang-kita na ang tube nito na panloob.
"Huwag kang masyadong magalit," bulong ni Gracia kay Arthur. Napatingin ang binata sa kanya at mukhang nagtataka.
"Mukha kang Angry Bird, Arthur. Chill ka lang, masyado kang obvious," sambit ni Gracia at tinawanan ang binata.

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomantikRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...