Climax 33
Ilang doorbell ang narinig ni Regine kaya siya'y nagising. Nakuha niyang matulog sa sala at hindi inistorbo si Arthur. Kinukusot niya pa ang kanyang mga mata nang tumapat sa bintana at bahagyang sumilip.
"What the hell?" nanlaki ang mga mata ni Regine nang makita si Smith. Nagtatakbo siya at kinabog ang pintuan ni Arthur.
"Arthur! Si Sir Smith!" Pangungulit niya. Binuksan ni Arthur ang pintuan at hinablot siya papasok.
"Magtatago ako!" Sambit ni Regine.
Hindi kumibo ang binata at sinaraduhan siya ng pinto.
"Austine!" Sigaw ni Smith. "Bakit ka nandito? Akala kong si Austine ang nakatira dito?" dagdag ni Smith.
"Ah--" hindi natuloy ang pagsasalita Arthur nang lumitaw si Archer.
"Lolo!" Yumakap ang bata kay Smith.
"Hay! Bakit ba kayo nandito? Hinahap ko ang Tatay mo. Pabigla-biglang nawawala. Halika na at umuwi na tayo," aniya ni Smith.
"Mauna na kayo ni Archer, Dad, may lalakarin pa ako sa school," wika ni Arthur.
Napaghalatan siya ng Ama at tumaas ang kilay. Kinabig niya ang anak at dumiretso sa kwarto. Mukhang nagmamadali at may tinatago si Arthur kaya siya'y nagbaka sakaling may tinatago ang anak.
Nagulat si Regine at halos matabunan na siya ng gamit sa loob ng cabinet. Kinakabahan at halos hindi na siya makahinga sa sobrang takot na mahuli.
"Damn, huwag mong buksan Sir!" Bulong nito at nakikita niya ang shadow sa siwang na papalapit sa kanya.
"Dad nag inspeksyon ka ba?" saad ni Arthur at hindi niya naitabi ang bag at damit ni Regine.
"Kanino 'to?" Halos tumigil ang puso ni Arthur nang makita ang lipstick sa tabi ng table.
"Bakla ka ba anak?!" Pagalit na pagtatanong nito.
"What the heck! I'm not!" Bulalas ni Arthur sa kanyang Ama at halos tumaas ang prisyon niya.
Gustong-gusto nang tumawa ni Regine dahil sa naririnig na pagtatanong ni Mr. Smith sa kanyang anak.
"Come on! Bakit may lipstick ka rito?"
"Dad ano ka ba, Dad? Bibigyan pa kita ng isang dosenang apo," galit na tugon nito.
"Kidding son! Nambabae ka ba? Siguraduhin mo lang huwag na huwag kang bubuntis!" Galit na sinabi nito at tinapik ang balikat niya. Nagtaka naman si Regine at parang ayos pa kay Smith na mambabae ang kanyang anak.
"Of course Dad!"
Mukhang na satisfied ang matanda at lumabas na ng bahay.
"Umuwi ka na at kailangan niyong magkita ni Nica. Kailangan mo ng ikasal! I want a grandson again! Nang matigil na rin ang paglandi mo sa iba't ibang babae!" Aniya ni Smith. Napatango na lang si Arthur at buong akala niyang mahuhuli sila ni Regine.
Muli siyang tumakbo papasok ng kwarto at nakita niya si Regine na nag-aayos ng gamit.
"Where are you going? Are you okay? Ang putla mo?"
"I'm okay Arthur, kailangan ko lang bumalik sa Pottery may client at gusto akong makausap," sagot ni Regine at ngumiti.
"Are you mad? I'm sorry, gustong-gusto naman kitang ipakilala kay Dad," wika ni Arthur sa kanya at sinusundan ang bawat kilos ni Regine.
"Nako, okay lang naiintindihan ko naman. Pareho naman tayong nagtatago na parang pugante. Aalis na ko Arthur," paalam ni Regine at tumingkayad upang halikan ang labi nito.

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...