Climax 17
Naabutan ni Regine si Ric na nag-aalmusal at nanunuod ng TV.
"Bakit hindi mo naman ako ginising?" tanong niya at humalik sa asawa.
"Masarap ang tulog mo. Tsaka hindi mo naman kailangan pumasok sa trabaho dahil ikaw ang may-ari."
"Kahit na," pag nguso ni Regine at kumagat sa tinapay. Napatingin si Regine sa TV at halos mabulunan siya sa tinapay na kanyang sinubo.
"Hey are you okay?!" Kabado si Ric dahil kung umubo si Regine ay mukha na itong malalagutan ng hininga.
"Y-yes I'm fine," sagot niya habang nakatingin sa TV. "CEO pala 'yan?" muling pagsasalita ni Regine sa kanyang asawa.
"Ah yeah, pinagpiyestahan siya ng media ngayon. He's Arthur Lavigne o mas kilala bilang Tres. Soon to be CEO sa isa sa mga negosyo nila sa Lavigne Group of Companies," aniya ng asawa niya.
"Oh bakit kilala mo siya?"
"Estudyante ko 'yan Regine."
"Ah oo nga pala," bulong niya sa sarili at tumango.
"Besides, kaibigan ko ang Tatay niya," muling nasamid si Regine sa sinabi ni Ric.
"May plema ka ba? Gusto mo ng gamot? Calamansi juice?"
"Hindi I'm okay. May lahak lang siguro," pagdadahilan niya. "Ano pang alam mo sa kanya Ric?" dagdag ni Regine
"Everyone calls him the walking STD at school. Dahil sa pagiging babaero niya," paglalahad ni Ric.
Nalaglag ang tinapay na nasa loob ng bibig ni Regine. Sumagi sa isip niya kung paano niya isubo ng buo ang alaga ni Arthur.
"Am I infected?" bulong niya sa sarili at biglang namawis si Regine. "A-anong kaso niyan?" muling tanong ni Regine.
"Tambak, marami. Magaling ang Attorney ni Camaia. Wrong move ang mga Lavigne dahil si Mabelle ang kinuha nilang Attorney," pagkukuwento nito.
"Bakit? Anong meron sa babaeng 'yon?"
"Ganda- ganda lang sa court 'yon. Pakiramdam niya modelo siya," pagtawa nito at umiling. "I gotta go Reg. Take care!" Pagpapaalam ni Ric at humalik naman ito sa kanya.
"S-sige ingat!"
Hindi mapalagay si Regine dahil sa sobrang kaba niya.
"Magpapatest ba ako? Baka may STD na ako. Yuck! Arthur kadiri ka!" Bulong niya sa sarili at tumakbo upang makaligo na.
Pawisan nang marating ni Regine ang Pottery. Naabutan niya si Gracia na nakikipag-usap sa mga customers. Habang siya na nag-aabang sa telepono. Gusto niyang komprontahin si Arthur tungkol sa bansag sa kanya na walking STD at kinakabahan siya para sa sarili.
"Ano ba ang sintomas no'n?" sinabunutan niya ang sarili at inuntog na rin ang ulo sa pader.
"Okay ka lang?" Kunot noo na tanong ni Gracia dahil kanina pa tulala si Regine.
"Tumawag ba si Archer?"
"Kanina, bago ka dumating."
"Anong sinabi niya?"
"Sinabi lang niya, mukhang hindi ka na raw muna niya makikita. Kasi ang Tito niy ay---" napatigil si Gracia.
"Ano?" Pagputol ni Regine sa pagsasalita ni Gracia.
"Naalala ko na bigatin si twenty-one!" Sigaw ni Gracia.
"Eh ano?! Wala akong paki, may pera rin ako. I don't need his money!"

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...