Climax 29
Tahimik ang lahat at nakikinig sila kay Austine. Nasa gitna ito at patuloy na lumilikha ng musika gamit ang saxophone, nagtataka rin si Smith at 'Careless Whisper' ang tinutugtog ng anak niya. Habang walang humpay sa pagsulyap si Arthur kay Regine. Nasa kabilang table ito katabi ng kanyang asawa. Paminsan ay nagtatama ang mga mata nila, parehong nag-uusap at para bang nasisiliban.
"Regine," bulong ni Ric sa kanyang asawa.
Nakita ito ni Arthur at kuyom ang kanyang kamao. Hindi niya maiwasan na magselos.
"Do you like her?" Nagulat si Arthur dahil sa biglang bulong ng Kuya niyang si Aiden.
"What? Who?"
"That woman, wearing a silk long gown," aniya ni Aiden.
Napabuntong hininga siya at tumango. Alam niyang hindi siya makakapag sinungaling sa kanyang Kuya.
"Ika-anim na utos mula sa sampung utos ng Panginoon, Arthur," muling bulong nito sa kanyang kapatid. Hindi kumibo si Arthur at yumuko.
"I need to go, I have an important call from a client," giit ni Ric kay Regine. Hindi na umalma si Regine dahil wala na rin bago.
"Okay, you take car," pilit na pagngiti ni Regine.
"I'm sorry babe, babawi ako. Sobrang importante lang nito, pag-uwi ko, i-ce-celebrate natin ang birthday mo," pambawi ni Ric.
"It's okay, ano ka ba. Naiintindihan ko. Mag ingat ka, kaya ko naman umuwi."
"Thank you Regine. I love you."
"Love you too."
Tila labas sa ilong ang kanyang sagot. Humalik si Ric sa kanya at nakita ito ni Arthur. Mas lalong nagalit ang binata. Hindi na siya muling tumingin kay Regine dahil nag-iinit lang ang ulo niya sa dalawa.
Ilang minuto pa ang nakalipas, tumayo si Regine at naglakad palabas ng bahay ng mga Lavigne.
"Why am I here? I don't belong here. Mga high class lang ang tao rito. I may look high class, I'm nothing but a whore. Walang utang na loob, kung hindi ako kinupkop ng magulang mo Ric, baka saan na ako pinulot. Wala na ang mga pamana ni Dad. Lahat inagaw, lahat nawala. Hindi ko ginamit ang utak ko kaya heto't kasapi na ako sa mga mababang klase ng babae. Kumakabit, nanlalaki. Hindi ko alam kung tama ba ito, dahil ba si Ric ganito sa'kin? Dapat gayahin o gantihan ko siya?" napansin na lang niya na nasa labas na siya at patuloy pa rin na naglalakad.
Hinagkan niya ang sarili at pinunasan ang luha. "Mukha akong kawawa, bakit hanggang ngayon namamalimos ako ng pagmamahal? Bakit hanggang ngayon naghihingi ako ng atensyon? Mula noon, walang pagmamahal sa magulang, kailan ko lang naramdaman kay Dad sa araw mismo ng pagkawala niya. Tapos ngayon, ang pinapangarap kong pamilya ay ganito? Ni hindi ko matawag na pamilya ang relasyon namin ni Ric. Ang hirap mamalimos, ang hirap hanapin ang sarili. Ngayon naman na may nakita ako, nasa maling pamamaraan at sitwasyon pa," naupo si Regine sa kalsada habang umiiyak.
"Oh my gosh!" Sigaw niya dahil sa biglang hablot ng braso niya. Hinatak siya ni Arthur at basta na lamang sinakay sa kotse. "Saan tayo pupunta?"
"Archer said, birthday mo ngayon. Then, let's celebrate the most important day of your life," sambit nito habang nakatingin pa rin sa kalsada.
"Arthur, bakit ka umalis doon!? Hahanapin ka nila, anong sasabihin ng Tatay mo? Paano kung magalit na naman 'yon sa'yo?!"
"Galit na siya."
"Bumalik ka roon!"
"I mean my man, my second head below. Galit na galit na," tinuro ni Arthur ang ibabang parte at tumawa.

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
Roman d'amourRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...