Climax 13
Inabutan siya ng inumin ni Arthur habang sila'y nakaupo sa isang gilid ng kalsada. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng binata. Nakatingin lamang si Regine sa ulap. "Anong lugar 'to?"
"Rizal, my favorite place," sagot ni Arthur sa kanya.
"Bakit gising ka pa? Hindi ba't estudyante ka pa? Dapat tulog ka na," wika ni Regine.
"Nag-aaral ako kaya hindi pa ako natutulog," maikling sagot ni Arthur.
"Feeling ko spoiled son ka. Kasi napaka mamahalin ng mga sasakyan mo. Isa pa, mukha kang anak ng foreigner," sambit ni Regine at tumingin siya kay Arthur. Malayo ang agawat nila sa isa't isa. Hindi niya pinalapit si Arthur sa kanya. Dahil pakiramdam niyang uulitin niya ang kasalanan kay Ric. Hindi kumibo ang binata at nagpapahangin lamang ito. "May girlfriend ka ba? Bakit palaboy laboy ka kasama ako?" dagdag ni Regine
"Eh ikaw? Bakit hawak mo ang test papers ni Attorney David? Secretary ka ba niya o isa sa mga babae niya?" interesadong pagtatanong ni Arthur.
"Nandito ako para kalimutan siya saglit, tinanong naman ng kumag na 'to," bulong ni Regine.
"Ah, napag-utusan lang, may kaibigan kasi akong Attorney na kilala siya," pagsisinungaling niya .
"Huwag mong sabihin na siya ang lalaking hindi sumipot sa'yo?" pagtawa ni Arthur. Nilingon siya ni Regine.
"Kung nakakamatay lang ang tingin Tres, kanina ka pa bulagta!"
"Ang init ng ulo mo. Para kang na sa menopausal stage," pang-aasar nito. Lalong nag-init ang ulo ni Regine dahil totoo naman. Tumayo siya at nilapitan si Arthur.
"Akala ko ba mag-uunwind?! Bakit inaasar mo lang ako! Dapat hindi na ako sumama sa'yo!" Aniya ni Regine at naglakad.
"Gusto mo talagang magpa-rape? Kahit sinong lalaki hahatakin ka sa dilim. Lalong sa itsura mong 'yan. Bumalik ka rito at umupo," napalingon siya at tiningnan si Arthur.
"Uwi na tayo, gusto ko na talagang magpahinga. Mas lalo lang akong nalulungkot at nasasaktan," hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Napatingin lang si Arthur sa kanya at naawa siya sa itsura ng babaeng nasa harapan niya. Magulo ang buhok at namamaga pa ang mga mata nito.
"Okay, saan mo gusto?"
"Sa shop ko," maikling sagot ni Regine. Unti-unting napatingala si Regine nang lumapit ito sa kanya. Kapantay lamang niya ang bruskong dibdib ng binata.
"Don't cry. Mas mukha ka pang batang inagawan ng hotdog," nais ni Arthur na pagaanin ang pakiramdam nito kung kaya't kung ano na lamang ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi sumagot si Regine dahil wala na siyang oras makipag biruan pa. "Fine, you're serious. My bad, Regine."
Kalahating oras ang konsumo ng kanilang pag biyahe papunta sa Pottery shop ni Regine.
"Umaga na Regine, sigurado ka bang dito ka na lang?"
"Oo, okay na ako rito. Mas masarap kasama ang mga halaman ko," sagot nito at inabot ang helmet sa kanya. "Thank you, Tres. Sorry at napuyat ka pa. Mag-ingat ka pauwi," maamong sinabi ni Regine.
Awtomatikong hinawakan ni Arthur ang pisngi ni Regine. Nahiya si Regine dahil hawak ng binata ang mukha niya habang ang mga tingin nito na kaya kang tunawin.
"Aray!" Sigaw ni Regine dahil buong akala niya'y nag-aalala ito para sa kanya ngunit pinisil ni Arthur ang matabang pisngi ni Regine. "Buraot ka!" Singhal niya rito at hinampas ang braso.
"Mas bagay mong galit kesa sa malungkot," aniya ng binata pagkatapos ay nginitian siya.
"Ewan ko sa'yo! Mas mabait pa ang pamangkin mo kesa sa'yo!"

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...