Climax 22

1.4K 91 23
                                    

Climax 22

"Can't take my eyes off you. All I want is a hot sex with you. With your virgin body, pero habang tumatagal hindi lang ito ang hinahanap ko sa'yo. I want you, and I think I love you, Regine."

Dinala ni Arthur si Regine sa rooftop habang patingin-tingin at hinahanap ang kaibigan na si Gracia. Naglaho ito na parang bula. Ngayon na nasa rooftop sila, maraming tao ang nandito.

"Bakit maraming tao?" tanong ni Regine. Hindi niya mahagilap ang mukha ng binata dahil nakasumbrero ito.

"Every friday may fireworks."

"Really? So lahat sila naghihintay? Sayang si Gracia, para sana makita rin niya. Ang daming magkakaibigan dito."

"Hindi magkakaibigan ang mga 'yan. They are all lovers, Regine," humarap ito sa kanya at nakita niyang hinubad ng binata ang jacket pagkatapos ipinatong sa kanya.

"Bakit nandito ang mga lovers?"

"From old wives tales, kasabay ng fireworks. Both of you should seal the love with a kiss."

Napatingin si Regine kay Arthur at ngayon lang niya napagtanto kung bakit siya dinala ng binata rito. Hindi makatingin ng diretso si Arthur. Halatang kinakaban ang binata at bahagyang dumistansya kay Regine.

"I'm serious about this, I love her. Kahit alam kong komplikado kung paano kami nagsimula. Alam kong mali, pero sa tuwing kasama ko siya. Pakiramdam ko'y tama ang lahat. Ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi kailanman pagkakamali. Sana ako na lang ako asawa mo. How I wish, I could tell you how much I love you. I really do, Regine."

Walang patumpik-tumpik kung magsalita si Arthur. Pero ngayon na nabigyan ng preno ang kanyang dila. Nag-ingay ang mga tao sa paligid at nagbibilang, bilang isang count down sa fireworks display.

"This is weird, we are not couple. Hindi kami dapat nandito. Ibig bang sabihin nito kaya niya ako dinala dahil mahal niya ako? O gusto lang? Mahirap magpakalito sa mga salitang love at like," bulong ni Rgeine.

Papalapit nang papalapit ang pagbibilang para sa countdown hannggang sa lumibot ang mga mata ni Regine. Hindi siya nagkakamali na mahagip ng kanyang paningin ang asawa na si Ric kasama ang natatakpan na babae sa gilid nito. Hindi gano'n kaliwanag ang kanyang mata kung kaya't hindi niya nakita kung sinong babae ang kasama ng asawa.

"Ric."

Tila kumirot ang puso niya at halos harap-harapan niyang makita na masaya ang asawa kasama ang ibang babae. "You wasted my life, my time and my fucking loyalty."

"Three, two, one!" Sigaw ng mga tao. Nilingon ni Regine si Arthur at hinatak ang kuwelyo nito. "She kissed me," bulong ni Arthur sa sarili. Nagbunyi ang binata habang walang tigil ang paghahalikan nilang dalawa ni Regine kasabay ang pagliwanag ng ulap dahil sa mga firewords.

"Regine," malamlam ang mga mata nito at pinagmamasdan lang siya. Hindi napigilan ni Regine na lumuha. Biglang umiling at tumakbo si Regine kaa agad siyang hinabol ni Arthur.

Napatakbo ito at hinabol siya ni Arthur. "Reg!" Hinablot niya ang braso nito at hinarap sa kanya. Walang ginawa si Regine kung hindi umiyak.

"I wanna go home. Please, take me away!" Paghagulgol nito.

Napalunok si Arthur at hindi maganda ang kanyang nararamdaman. Napayuko siya at muling tiningnan si Regine. "I'll wait for you," tanging sambit ni Arthur bago siya buhatin. Pilit iniintindi ni Arthur ang bawat pag-iyak ni Regine sa loob ng sasakyan. Ngayon na dadalhin niya ito pabalik ng Tagaytay. Ayaw niyang makakita ng babaeng umiiyak, lalo na't si Regine pa ang umiiyak. Hindi niya magawang hawakan ang babae dahil pakiramdam niya'y mapapaso siya sa balat nito.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon