Climax 28

1.5K 92 23
                                        

Climax 28

"Brother!" Hinagkan ni Arthur ang kanilang Kuya na si Aiden.

"Damn! Mukha kang kagalang-galang! Nag-uwi ka ba ng babae?" tanong ni Austine dito.

"Hindi pwedeng mag-uwi ng babae at mambabae. Ikaw Austine magtino ka, tumulad ka kay Arthur," pagsesermon ng Kuya nila.

"What? Hindi na ako matino," pagmamalaki ni Arthur at tumawa.

"Patawarin ka ng Panginoon," saad ni Aiden at nag-sign of the cross.

"Kuya nakakakilabot ka naman? Bakit ganyan ka manalita?"

Natigil ang tatlong magkaakapatid nang makita nila si Archer na

lumapit sa kanila. "Hello po! Ako po si Archer."

"Yes I know you pamangkin! Kagwapo ng anak mo Austine, gusto mo bang maging sakristan Archer?" aniya ni Aiden.

"Kuya, anong kabalastugan 'yan? Huwag mong i-recruit si Archer! Magkakalat pa siya ng gandang lalaking lahi natin!" Asik ni Austine.

Hawak ni Arthur ang kanyang tiyan habang walang humpay sa pagtawa.

"Hay, bakit ba kayo nagkaganyan? Si Dad nasaan ba? Matagal kaming hindi nagkita," asar na sinabi ni Aiden.

"Tang ina, masasapak ka ni Dad. Ilang taon kang nawala sa mundong ibabaw!" Sigaw ni Austine.

"Wala ka bang pasalubong sa'min?" sabat ni Arthur.

"Ah oo, buti naalala mo Arthur," tumalikod ito at kinuha ang tatlong box sa maleta.

"Ito," inabot ni Aiden ang tatlong kahon at nagmadaling binuksan ng tatlong kaharap ang regalo.

"What the fuck is this?" Sigaw ni Austine at halos mabitawan ang kanyang hawak.

"Kuya anong gagawin namin sa rosaryo?" kibit balikat na tanong ni Arthur.

"I like it po Tito Aiden! Thank you po!" Masayang sinabi ni Archer at binuhat siya ni Aiden.

"Anything for you pamangkin! At kayong dalawa, kailangan niyong mag dusa sa lahat ng kasalanan niyo. You guys committed a mortal sin. Kailangan niyong manghingi ng awa sa Diyos. Magbalik loob kayo, linisin niyo ang kaluluwa niyo hanggat nandito pa kayo sa lupa," pangangaral nito.

"Are you a Priest?!" Bulalas ni Arthur at nagkatinginan sila ni Austine.

"Not yet boys, pero papunta na ako roon."

"May mga sexy ba sa simbahan?" Humirit ulit si Austine.

"Patawarin ka ng panginoon! Huwag na huwag kang mambastos ng mga tao sa simbahan. Hay, bakit ba kayo nagkaganyan?"

"Uno!"

Napatingin silang apat nang makita si Smith Ibinaba ni Aiden si Archer at hinagkan si Smith.

"You look presentable son! Maraming salamat at umuwi ka para sa iyong kapatid," masayang gunita ni Smith.

"Dad, ganito kami sa seminaryo," diretsong sagot ni Aiden. Halos malaglag ang panga ni Smith sa kanyang narinig.

"What? Seryoso ka na ba talaga, anak?"

"Dad, look at his gift," ibinalandra ni Arthur ang rosaryo na regalo ni Aiden.

"Pahalagahan niyo 'yan dahil inilimos ko sa milagrosong simbahan ng Apo 'yan," saad ni Aiden.

"Son, we need to talk." Seryosong sinabi ni Smith at nauna nang maglakad. Napailing ang matanda at hindi niya alam kung masisiyahan ba siya sa tatlong anak.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon