Climax 49

1.2K 89 13
                                    

Climax 49

Nagkalat ang papeles, banga na basag at ilang gamit sa sahig ng bahay nila Regine at Ric. Nandito ngayon si Ric dahil kinakailangan na niyang hakutin ang ilang gamit.

"Putang ina! I can’t believe this! Naisahan ako ng isang bata! I was fooled by my stupid wife! Hindi ako makaganti! Natuklasan na niya ang kasal ko kay Jinx! How about my license? My clean name. I will kill your uncle! I will kill him! All of them!" Parang baliw na biglang tumawa si Ric.

"Dad, igaganti kita. And you started the fire, Arthur Lavigne. Kung alam ko lang ikaw ang kalaguyo ni Regine, hindi kita pinanalo," aniya nito. 

Natatakot siya sa magiging resulta sa first hearing. Patong-patong ang ikinaso ni Regine sa kanya. Alam niyang matibay pa sa abobe ang ebidensya na hawak ni Regine. "Hindi ako ang hihimas sa malamig na rehas," kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Jinx.

"Patayin mo na ang paa ni Darwin Perez. Now!" utos niya sa kanyang kalaguyo na si Jinx.

******

Nakanguso si Regine habang siya'y naghihintay kay Arthur. Kanina niya pa ito nililingon  sa loob ng isang restaurant.

"Asan ka na ba?"

Ang ipinaalam lang nito ay may bibilhin, ngunit hindi pa rin ito bumabalik. Patingin-tingin siya sa paligid, hanggang sa pumukaw sa atensyon niya si Smith. Namilog ang mga mata ni Regine dahil umupo ito sa harapan niya.

"How much Regine?" walang patumpik-tumpik ang matanda at ito ang bungad sa kanya.

"You cannot buy me, Sir Smith," magalang na pag sagot niya. Nagulat siyang sumenyas ito sa isang lalaki at inilabas nito ang tseke.

"How much Regine. Come on, name your price with that child. Anak nga ba ni Arthur?" muling mapang-asar na tanong nito.

"Excuse me?"

"Name your price," pag-ulit ni Smith.

"I love your son! Kahit ilang beses niyo po akong pagtangkaan na bayaran. Hindi kailanman mapapalitan ng pera ang pagmamahal ko kay Arthur. Anak namin 'to at hindi basta na lang mabibili. May pera rin ako Mr. Smith."

"Really? Pera? You are running out of money Regine, hindi ba't nakuhang limasin ni Ric lahat ng ari-arian mo? Kaya sumisiksik ka sa anak kong CEO? Ganyan ka ba ka desperada dahil bakla ang napang-asawa mo?" pagtawa ni Smith.

"Lahat 'yon peke. Hintayin niyo lang po ang kaso."

"You can't win Regine. Lahat ng dokumento ni Ric ay totoo. Hindi ko alam, pero 'tangang' babae na pala ang gusto ng anak ko? Twelve years of being a fooled wife? A stupid? Dahil ba sa pagmamahal? Tingnan mo at saan ka pinulot?"

"Mahal ko si Arthur, kahit maliitin mo ako. I will not break his heart Mr. Smith," matapang na pag agot ni Regine.

"Really? Papakainin ka ba ng pagmamahal? Bubusugin ba ng I love you ang tiyan niyong tatlo?" Pagtawa nito. Kunot ang noo ni Regine at tumayo na si Mr. Smith. "Think twice Regine before it's too late. Isip ang gamitin mo, hindi ang puso. Kawawa naman ang bata sa tiyan mo."

"Back off, Dad!" Bulalas ni Arthur. Napatingin si Smith sa kanyang anak at ngumisi.

"Back off? Baka sasusunod na magkita tayo lumuhod ka na at hingin lahat ng pamana mo sa'kin, Tres."

"Hindi na ako babalik sa'yo, Dad. Kung patuloy mong gagambalain ang pamilya ko," galit na sinabi ni Arthur at hinawakan ang kamay ni Regine.

"May alam ka na pala sa pamilya? I'm not informed my dear son! Alam ko kasi, pagbibilang ng babae, motor at kotse lang ang gusto mo," pagtawa ni Smith.

"I'm not a kid anymore, Dad. Let's go Regine," hinatak niya ang kamay nito at tinalikuran ang matanda. Sa pag-alis ng dalawa, kuyom ang kamao ni  Smith sa sobrang galit. "Babalik ka Arthur, sisiguraduhin kong magmamakaawa ka at babalik sa puder ko."

Sakay ng kotse ang dalawa at kitang-kita ni Regine ang galit ni Arthur. Pulang-pula ang mukha, lalo na ang teynga nito. Habang ang dalawang kamay nito'y mahigpit na nakahawak sa manibela.

"Sinaktan ka ba niya?"

"Hindi, ano ka ba naman," saad ni Regine at pilit na ngumiti.

"No, I mean by his fucking sharp tongue?!"

"Huwag mong murahin ang Tatay mo."

"Come on! Alam kong minaliit ka niya. Kilala ko ang Tatay ko. Para sa negosyo kayang-kaya niyang bilhin ang isang tao! Hindi lang ito ang unang beses. He did this to Kuya Austine!" 

"Kay Austine? How?" 

"Basta." 

"Huwag ka nang magalit, hindi naman tayo magbe-break. Mahal kita Arthur, ikaw lang ang birdie ko okay?" 

"Really? But your smile is not genuine. Pilit lang," napairap si Regine at yumuko. Unti-unting nagtubig ang mga mata niya. Napareno si Arthur at nilingon si Regine.

"Hey," hinawakan ni Arthur ang ulo niya at mukha pagkatapos ay hinarap sa kanya. 

"Mahal lang naman kita. Masaya ako sa'yo. Akala kong si Ric lang ang magiging hadlang, akala kong kapag nagkababy tayo. Hindi magiging hadlang sa Papa mo ang lahat. Akala ko matutuwa siya dahil magkaka-apo siya."

"He's different. Kaya nga lumaki sa ibang bansa si Archer, noong nasa Canada pa ako, pag-uwi ko nandoon si Archer. Aalis, babalik ganoon ang buhay nila ni Kuya. Hayaan mo si Dad, hindi naman tayo papatinag sa plano niya. Ano pa ang sinabi niya? Alam kong may sinabi pa siya." 

"Manghuhula ka ba? Bakit parang nandoon ka kanina?" 

"Ano nga." iritableng boses ni Arthur.

"Hindi siya naniniwala na anak mo ito. Hindi naman ako kung kani-kanino kumakama. Ikaw nga ang naka-virgin sa'kin eh," aniya ni Regine. 

Galit na napabuntong-hininga si Arthur. "Sumosobra na siya, mula't sapul sumusunod ako sa utos niya. Hindi ako tulad nila Kuya na suwail. Damn it, kung pwede ko lang bawiin ang mga sinabi niya sa’yo. I'm sorry Regine."

Hindi kumibo si Regine dahil hindi niya narinig ang sinabi ni Arthur. Pakiramdam niya'y apektado ang kabilang teynga sa tuwing nararamdaman niya ang tila pag-ring ng bell sa kanyang teynga. Bahagya niyang hinawakan ang teynga at hindi nagpahalata kay Arthur. Ayaw niyang sabihin na may nararamdaman siyang ganito, dahil siguradong makakatikhim ng kadiliman si Ric kay Arthur. Kilala niyang mainitin ang ulo ni Arthur kaya hangga’t maaari ito ay kanyang itinatago. 

Nang marating nila ang bahay sa Tagaytay, nagulantang si Regine at Arthur dahil nandito si Austine, Archer at isang babae.

"Bro," bati ni Arthur sa kanyang Kuya. Tumango lang ito at mukhang wala sa timpla ang kapatid. Hindi rin nito pinansin si Regine. "Buti at natagpuan mo kami? Who is she?" 

"Nevermind about her."

Kunot si Arthur at pilit inaaala kung saan niya nakita ang babaeng ito.  

"We have a big problem, Arthur."

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon