Climax 27

1.3K 94 10
                                        

Climax 27

"Good morning bakla! Happy birthday!" Bati ni Gracia at hinagkan si Regine.

"Salamat Gracia! Ano na naman itong regalo mo? Ninenerbyos na ako ha?!"

"Lipstick 'yan," mahinang sinabi ni Gracia. Nagulat si Regine dahil may baterya ang lipstick.

"Gaga! Hindi ito lipstick! Sira ulo ka talaga! Anong gagawin ko d'yan! Sira ulo ka talaga," pagsesermon ni Regine at hinampas sa kaibigan ang kahon.

"Gamitin mo kapag ikaw lang mag-isa," sobra-sobra ang pagtawa nito at halos lumabas na ang ngalangala ng kaibigan.

"Magtigil ka! Dito na muna ako, hindi ako makagalaw ng maayos sa bahay namin ni Ric. Alam mo Gracia, nawiwirdohan na ako sa kanya."

"Bakit naman?"

"Napaka sweet niya, isa pa't binilhan pa ako ng damit, kaso gusto niya na Maria Clara ako."

"Alam na alam mong nagloloko si Mister, pabigla-bigla siyang sweet sa'yo? May malaking sikretong tinatago 'yang asawa mo," sambit ni Gracia.

Ilang sandali at inilabas niya ang mga dokumento na nakuha niya sa gamit ni Ric.

"Oh, ano naman 'yan? Balak mo bang mag invite ng daga sa bahay ko? Ang daming papel ha?" saad ni Gracia.

"Naghahanap ako ng ebidensya, malay ko bang cliente pala ang kabit niya. What if kung nandito rin. Pakiramdam ko hinuhuli rin ako ni Ric. Matalino ang asawa ko, pero mas tatalinuhan ko," wika ni Regine.

Sa kanyang paghahanap, halos nakita niya ang properties ng kanyang Ama. Ang ilan ay hindi niya alam at may pangalan din siya rito.

"Si Dad, may pamana pa sa'kin?" She whispered while reading the Land Titles.

Pumukaw sa atensyon niya ang Counter Affidavit ng Tiyuhin na si Darwin Perez. Ngayon lamang niya nabasa ang statement nito tungkol sa pagkamatay ng kanyang Ama na si Dave. Kunot ang noo ni Regine dahil sa mga binabasa nito. "Anong kinalaman ni Papa Cardo rito? Bakit tinuturo siyang kasama sa kaso?" Muli niyang hinalungkat ang pangalawang statement nito ngunit, wala na siyang makita. "Asan na ang karugtong!" Bulalas niya at gusto niyang malaman ang kasagutan.

Republic of the Philippines (NPS-III-01-19L-12345-1234 Manila Philippines)

Counter Affidavit

I, Darwin Perez, of legal age, Filipino and resident of Bataan under oath, depose and say:

1. That I strongly deny the false accusations made by the complainant as the allegations are all false and distortions of the truth;

2. That the said filing is an offshoot of the criminal case against Dave Perez and Regine Perez for Criminal Case No 23456 to 23457 against Dave Perez and Regine Perez, pending before the Regional Trial Court Manila Philippines.

Naguguluhan siya sa mga kanyang nababasa, lalong nagkalat ang mga xerox copy ng mga Land Title na nakapangalan sa kanya.

"Bakit may Deed of sale rito sa pangalan ko at magulang ni Ric? Ano pa ba ang kailangan kong malaman? Bakit itinuro ni Tito si Papa Cardo? Napaka walang puso talaga ni Tito. Pati ang mga taong tumulong sa akin ay gagawan niya ng issue," wika niya at nakita ang Special Power of Attorney para kay Ricardo at Athena.

Sa pagkawala ng kanyang Ama, sila ang tumayong guardian upang dumalo sa hearing tungkol sa kaso ni Dave.

"Regine! Halika na, mag party tayo!" Pag-aaya ng kaibigan.

"Hindi ako pwede."

"Why? Birthday mo ngayon girl! Wala ka bang balak lumibot, magsaya? Galaw-galaw naman d'yan!"

"Isa pa 'yan na problema ko Gracia, pupunta kami ngayon ni Ric sa bahay nila Arthur," paglalahad niya.

"What the hell? Don't tell me, alam na niya!?" Bulalas nito.

"Hindi, parehong walang alam. Pati si Arthur, wala naman siyang alam na asawa ko si Ric. Hindi pa kasi ako nakakakuha ng tsempo na sabihin sa kanya. Kinakabahan ako," mangiyak-ngiyak niyang giit kay Gracia.

"Dadamitan kita, pasabog pala ang birthday mo!" Masayang sinabi ni Gracia.

"Gracia naman! Sira ulo ka talaga!"

"Magbalik alindog ka naman Regine, tuloy-tuloyin mo na at huwag patae-tae! Kagwapo ng nahuhumaling sa'yo," sambit ni Gracia at pinisil pa ang puwitan ng kaibigan.

Ilang oras na naghahanap ng masusuot si Gracia para kay Regine, ayaw niyang magmukhang manang ang kaibigan nito. Kung kaya't lahat ng revealing dress niya ay kanyang in-offer sa kaibigan.

******

"Kuya!" Sigaw ni Arthur dahil sa sobrang ingay ni Austine sa kanilang sala. Napatigil ito at nakatingin si Archer sa kanya.

"Napaka iritable mo naman! Kanina ka pa!" Binitawan ni Austine ang Saxophone at nakapamewang. "Kulang ka ba sa dilig, to get mad?"

"Bakit po didiligan si Tito? Hindi naman po siya bulaklak?" sumingit si Archer.

"Hindi bale, may point ka doon anak. Bakit ba ang init ng ulo mo? May event tayo mamaya dapat gwapong-gwapo!"

Nangamot lang ng ulo si Arthur at tinalikuran siya. Maraming tao sa paligid ng bahay nila, mula sa pagkain, lights, and sounds ay hinahanda. Hindi rin niya maintindihan ang sarili dahil nagagalit at wala siya sa tamang timpla.

"Why should I get mad!? I will be the CEO! Babalik lahat ng mana ko sa'kin! Damn, Regine!" Sigaw nito at binato ang coat. Hanggang ngayon na nagseselos siya dahil sa kanyang narinig kagabi. Kahit alam niyang wala siyang karapatan na magalit, hindi niya maiwasan dahil sa nararamdaman kay Regine. Napalingon siya sa pintuan at narinig na naman niyang mag Saxophone ang kanyang Kuya Austine. Binagsak niya ang sarili sa kama at nag buntong-hininga.

"Arthur!"

Biglang siyang napatayo dahil sa ilang sigaw ni Austine. Tamad pa sa pagong ang paglalakad nito habang papalapit sa pintuan.

"Kuya Aiden is back!" Sigaw ni Austine.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon