Climax 40
Maagang nagising si Arthur upang puntahan ang bahay na kanyang binili sa Tagaytay. Malayo ito sa bahay ng Kuya niya, at ito ang alam niyang lugar na tahimik. Siguradong magiging payapa ang buhay nila rito. Lalong malapit ito sa mga naghahalaman, siguradong magugustuhan ito ni Regine.
Isang bungalow house and lot ang kanyang nabili. Iba ang nagagawa ng pera, mabilis lang niya itong nakuha. Tiningnan niya ang relo at nakitang alas nueve na ng umaga. Muli siyang bumalik sa sasakyan, napag-isip-isip niyang bumili ng pasalubong para kay Regine. Nang makarating siya sa bahay, naabutan niyang gising si Regine at nakaayos na ito.
"Saan ka pupunta?" Pagtatanong nito.
"Kailangan kong maghanap ng magaling na Attorney. Kailan kong asikasuhin ang annulment namin ni Ric. Lalong kailangan kong malaman kung sino ang mga taong pumasok sa bahay kagabe," saad niya.
"Give me the papers," seryosong sinabi ni Arthur at ibinaba ang pagkain na dala.
"What? Hindi mo na kailangan gawin 'yan. Problema ko na ito," sagot ni Regine at kinalkal ang dala ni Arthur.
"Come on, Regine. This is our problem now," asar na sinagot ni Arthur.
"Puto cheese1!" sigaw niya at napangiti si Arthur. Tila nawala ang galit at pagkakaseryoso sa mukha nito.
"I love you Regine."
Napatingin si Regine sa kanya at humalik ito kay Arthur. "I love you too! Pero next time gusto ko nang hotdog," sagot ni Regine. Napatigin siya sa kamay ni Arthur na sumenyas at itinuro ang ibabang parte nito.
"'Yan! Puro ka kalokohan! Hindi naman ako mabubusog d'yan," saad ni Regine.
"Busog ka na, hindi ba't buntis ka?" lumapit si Arthur at hinagkan ang nobya. "Sumama ka ngayon, may sorpresa ako," pagdagdag niya habang nakayakap kay Regine.
"Ano naman?"
"Ibigay mo muna ang lahat ng documents para sa annulment niyo ni Ric. Ipapakita ko at sasabihin sa'yo ang sorpresa."
"Hala? Bakit may kapalit! Ako na lang kasi ang mag-aasikaso. Gusto kong labanan si Ric. Tarantado siya! Labindalawang taon niya akong niloloko, hayop," asik ni Regine habang kumakain ng puto cheese.
"Wow! I love it! Ayos ka pa lang magmura Regine!" pagtawa nito.
"Baliw, ano kasi ang sorpresa mo?" muling siyang humirit sa nobyo nito.
"Asan ang documents," nakuhang manggigil ni Arthur sa kanya at kinurot ang pisngi niya.
"Ito na! Pakiusap ko sa'yo na huwag magpahuli."
"Okay. Copy my Queen," aniya.
Tumayo si Regine at kinuha lahat ng documents na nakuha sa bahay nila ni Ric. "Thank you! Halika na, dalhin mo na ang puto mo," parang bata na excited si Arthur at hinatak ang maleta ni Regine.
"Bakit kasama 'yan?"
Napatigil si Arthur at nag-isip ng dahilan. "Ah! Kasi si Kuya darating na rito. Halika na, sumama ka na lang. Ang dami mong tanong tweety bird," iritableng sinabi nito.
"Napaka sungit mo talaga, Arthur! Napaka bossy pa! Hindi mo naman ako pinapasuweldo? May bonus ba ha?" asar na sinabi ni Regine at hindi pa rin ito tumitigil kakasalita habang nasa loob ng sasakyan.
"Grabe ang daldal mo," Nangamot ng ulo si Arthur habang siya'y nagmamaneho.
"Eh ano nga kasi? Anong bonus ko? Ano ang sorpresa mo! Dali na, sabihin mo na," pangungulit at muling kumain si Regine. Halos tumalsik ang pira-pirasong puto cheese mula sa bibig niya papunta kay Arthur.
![](https://img.wattpad.com/cover/235833653-288-k21674.jpg)
BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomansRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...