THE CLIMAX

2.3K 99 54
                                        

Finale

One year later, nagkaroon ng kambal na anak si Arthur at Regine. Sa wakas at natupad na ang pangarap ni Efinia na magkaroon ng babaeng apo.

Adrian, Rizza at Anthon, ang mga pangalan na araw-araw na binabanggit ni Regine at Arthur. Isang malaki at masayang pamilya. Hindi akalain ni Regine na bibigyan pa siya ng kambal na anak, lalo na't may ka-edaran na siya.

Payapang namimili si Regine sa UDT Malla na pagmamay-ari ni Efinia. Wala siyang ginawa kung hindi ipag-luto ang asawa't anak. Nakuha nang tumaba ng mukha ni Arthur, dahil araw-araw sa ginawa ng Diyos, nabaliw ito sa puto cheese na ginagawa ni Regine.

Habang si Adrian na kuhang-kuha ang kilos ng kanyang ama. Walang mas tataray sa kanyang anak na panganay. Humiwalay siya sa tatlo at namili mag-isa sa ng pagkain.

"Oh my gosh!" Bulalas niya at halos maitulak nito ang humagkan sa kanya.

"I'm sorry Regine, hindi ko gustong takutin ka. Gusto lang kitang hagkan, dahil nakita kita ulit."

Napailing si Regine at natawa dahil muli silang nagkita ni Jinx.

"Nandiyan ba ang asawa mo? Baka kasi jombagin niya ako?" aniya nito.

Mas lalong natuwa si Regine at inabot ang dalawang box ng baking powder. "Kasama ng mga anak namin, kumusta ka?" Regine asked.

"Kakauwi ko lang ng Pilipinas. Napa-aga ang uwi ko dahil kay Ric."

"Bakit? What happened to him?"

"Hindi na siya nakakulong, hindi ba sinabi sa'yo?"

"Ha? Hindi eh? Anong nangyari sa tukmol na 'yon?" giit ni Regine.

"Inilipat siya sa Mandaluyong, hindi niya nakayanan ang pagkakulong at na uwi siya sa mental hospital, pagkatapos ng anim na buwan mula noong nakulong siya. Nag tuloy-tuloy na ang pagkasira ng kanyang isipan," bakas sa mga mata ni Jinx ang lungkot habang nakatingin kay Regine.

Nagsitaasan ang balahibo ni Regine sa balitang kanyang nalaman.

"Oh, I'm sorry to hear that. Dadalwin namin siya ni Arthur," wika ni Regine.

"Napakabait mo, hindi ko alam kung bakit ka ba namin niloko. Napaka suwerte rin ng asawa mo sa'yo. Regine, salamat dahil kinakausap o pinapansin mo ako. Alam kong hindi pa ganoon katagal ang nakalipas magmula nakulong si Ric, heto at ginugulo na naman kita."

"Nah? It's okay ,gusto ko lang din ng tahimik na buhay Jinx. Ikaw bakit hindi ka mag pamilya?"

"Ric is my family, wala naman tatanggap sa'kin, kung hindi siya lang," sagot ni Jinx.

"Choose to be happy, maraming options sa mundo. Huwag kang mag-stick sa nakasanayan mo, you should explore. It's never too late to be happy, Jinx. Katulad ng pagdadamit, kung paulit-ulit mo itong sinuuoot, makukuha mong magsawa sa nakasanayan. Sumubok ka muli, 'yung bago at alam mong ikakasayang iyong puso."

Hindi napigilan ni Jinx na ma iyak dahil sa sinabi ni Regine.

"You are so kind, salamat Regine!" Muli siyang hinagkan nito at hinaplos ni Regine ang likuran nito.

"I'll go ahead, don't forget to smile!" pagpapaalam niya at ngumiti si Jinx.

"Kung ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya na ordinaryong tao lang. Hindi man ganoon kadali na kalimutan ang lahat ng ginawa nila sa'kin o sa'min. Balang araw, darating din ang pagkakataon na tatanawin ko na lang ang bangungot na 'yon, bilang isang lumang libro na nagbibigay aral sa buhay ko. Sa bawat buhay na kailangan pag-isipan na munang maigi, bago mo lunurin ang iyong puso. Isip muna at susunod ang puso."

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon