Climax 48

1.3K 94 14
                                    

Climax 48

Napalingat si Arthur dahil siya'y nalaglag sa kanyang kama. Napansin niyang tahimik at tanging mga huni ng ibon lamang ang kanyang naririnig.

"Regine?" tumayo siya at hinanap ang nobya. Patingin-tingin siya sa paligid ngunit wala ito.

"Where's she?" kinabahan ito at kinuha ang cellphone.

"Hello?! Where are you?!" galit na tanong ni Arthur mula sa kabilang linya.

"Kasama ko si Gracia, I'm sorry hindi kita ginising."

"Kinabahan ako! Akala ko iniwan mo na ako."

Natawa si Regine mula sa kabilang linya dahil sa sinabi ni Arthur sa kanya. "Come on, hindi kita iiwan. Ikaw lang, sapat na. Kumain ka ha? Nagluto ako," paglalambing ni Regine.

"Hay, mamaya na. Asan ka ba? Bakit kasama mo si Gracia? Saan kayo?" sunod-sunod na tanong nito at iritable si Arthur.

"Sungit naman ni birdie. Kasama ko nga si Gracia, may nahanap na kasi siyang lupa para sa negosyo. I love you Arthur, salamat sa makina na binili mo sa'kin."

"I don't love you. Hindi mo ako ginising."

"Sus, tatampo ka pa! Big boy ka na," pagbibiro ni Regine.

"Sama ako Regine. Naiinip na ako sa bahay."

"Huwag na, d'yan ka na muna."

"Bakit mo ako tinataboy? Ayaw mo na akong kasama?"

"Ang drama mo pala. Arthur, I'll go ahead. I love you mahal ko," saad ni Regine na ubod ng tamis.Nakangiti si Regine sa kawalan at tiningnan ang wallpaper sa kanyang cellphone. Mukha ito ni Arthur at hinalikan pa niya.

"Ayan! Feeling ko tuloy balik nineteen years old na Regine ang kasama k. Halika na! Tawag ka ni Doc," giit ni Gracia.

Tumango si Regine at biglang nawala ang mga ngiti sa kanyang labi. Kinakabahan siyang pumunta sa EENT Doctors Hospital. Si Gracia lamang ang taong kanyang pinagkakatiwalaan, ayaw din niyang sabihin kay Arthur ang tungkol sa teynga niyang patuloy sa maingay sa tunog o soundwaves na tila siya'y natutulig. Kung ano-anong proseso siya sumalang, mula sa hearing test.

Nang siya'y matapos, hinihintay niya ang sasabihin ng Doctor. Napatingin siya kay Gracia na tahimik lang din.

"Ms. Regine, kinakailangan mong ilayo ang sarili mo sa maiingay na bagay. Too noisy or loud. Nagkaroon ka ba ng head impact?"

Umiling si Regine bilang sagot sa tanong ng Doctor.

"Nasampal po siya ng malakas," pagsingit ni Gracia at napatingin ang Doctor kay Regine.

"Reresetahan kita ng 'Cortisone' take it orally for 1 to 2 weeks. Babalik ka ulit dito at titingnan natin kung may improvement. Bakit hindi mo kasuhan ang nanampal sa'yo," sambit ng Doctor.

"Kinasuhan ko na. Doc I'm pregnant, makakasama po ba kay Baby?"

"I'll give you a lower dose."

"Salamat po," nginitiian niya ang Doctor at bahagyang may kaba sa kanyang dibdib.

Nang makalabas ang dalawa sa ospital, napatingin muli si Regine sa kanyang cellphone at nakita ang tawag mula kay Arthur.

"Hello baby bird."

"Where are you?" Bungad nito.

"Ah, kasama ko pa si Gracia."

"I said, where are you?" ramdam ni Regine ang pagiging iritable ni Arthur mula sa kabilang linya.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon