Climax 8

2K 122 20
                                    

Climax 8

            Ala una ng madaling araw at pumunta si Regine sa pottery shop. Ayaw niyang manatili sa loob ng bahay nila ni Ric. Lungkot lamang ang nararamdaman ng kanyang puso. 

           "Mabuti pa ang halaman ko. Never akong iniwan. Hindi ko alam kung paano kita huhulihin, Ric. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula? Susundan ba kita para malaman ko kung ano ba talaga ang pinagbibigyang oras  kesa sa'kin?" sambit niya at nagsimulang umiyak. 

            Tumayo siya at bumalik sa kotse. Nais niyang bumili ng ilang bote ng alak habang siya'y gumagawa ng paso. Narating niya ang isang 24 hours convenience store, bitbit niya ang limang can ng beer dahil wala siyang makita na Black Label sa store. Inip na inip ang itsura ni Regine dahil sa tagal ng pila.

           "Kuya, matagal pa ba 'yan?" iritableng tanong ni Regine. 

             "Sorry po Ma'am nag-offline po kasi ang POS namin," sagot ng binatilyo sa kanya.

             "Ito na, magbabayad na ako. Hindi naman fake 'yan," saad ni Regine at naglapag ng limandaang piso sa cashier counter  pagkatapos ay umalis. 

             Napabuntong hininga siya bago niya tapakan ang gas.  "Oh? Hindi ba 'yon ang lalaking tumulong sa'kin kanina?" 

Tinutukan niya ang lalaking nakaupo sa labas ng convenience store. Hindi niya makalimutan ang motor nitong Harley Davidson. 

             "Lasinggero rin," bulong niya at minabuti nang magmaneho.

            Nang marating niya ang pottery shop, inilatag at inayos niya ang lamesa. Dito siya umupo habang umiinom. Kung ano-anong din romantic movies ang pinapanood niya.

           "Ito na lang talaga ang nagpapakilig sa'kin. Kailangan ko nang mag-isip kung anong dapat kong gawin," giit ni Regine at humiga sa lamesa. Malamok man at bahagyang mainit, nakuha pa din niyang makatulog.

         Kinabukasan, bunganga ni Gracia ang nagpagising sa kanya.

         "Ano ka ba?! Bakit ka natutulog d'yan? Daig mo pa ang homeless! Ano 'to bakit may alak? Hindi ka nag-aaya!" Aniya ni Gracia at dinampot ang bote. Buong akala niyang nag-alala ang kaibigan ngunit mas inatupag pa nito ang pag-aaya sa kanya ng inuman. 

         "He left," bulong ni Regine at basta na lang pinunggol ang buhok niya. 

         "Naghiwalay na kayo?" 

     "Hindi ko alam kung makikipaghiwalay na ako. Wala naman akong valid reason, wala naman akong alam na kabit niya! Ni hindi naman siya nagkukulang sa'kin. 'Yun lang pagdating sa-sa-, alam mo na," nahihiyang sambit ni Regine.       

          "Pagdating niya, komprontahin mo na. Minsan Regine, hindi naman lagi ang rason ng paghihiwalay ay dahil nangaliwa si Mister o si Misis. Minsan talaga alam mo 'yon, wala ng spark or impotent? Kumbaga, na fall out of love ka na lang. Kayo, sa kaso niyo. Maiintindihan ko kayo. Isa pa wala kayong mga supling," paglalahad ni Gracia. 

     Napahilamos si Regine gamit ang kanyang palad. "Pag-iisipan ko Gracia, pakiramdam ko kasi kung makikipaghiwalay ako sa kanya. Wala akong utang na loob sa magulang niya." 

          "Utang na loob Regine! Kumusta ka naman? Lagi ka na lang bang maga-adjust sa matayog na walang hanggang pangarap ni Ricardo David II? Hindi healthy, hindi tamang isa lang ang nagmamaniobra sa isang relasyon. Lalong hanggang ngayon, tinatago mo pa rin ang tunay na magpapasaya sa'yo," aniya ni Gracia at tinapik ang balikat niya. 

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon