Climax 19

1.5K 104 17
                                    

Climax 19

Napanganga si Regine nang makuha niyang makapasok sa bahay nito. Natulala siya sa mga paintings na nakapalibot sa loob ng bahay.

"Wow! May art gallery ka pala ng mga babaeng nakama mo? Ganito na pala sila karami!" Bulalas ni Regine.

Hinarap siya ng binata at mula ulo hanggang paa na tinitigan. "You really like birds, Regine. Tweety Bird, Angry Bird and Arthur's Bird," sambit niya. Habang tumatawang nakatingin sa kanya. "And now, manok naman ang gusto mo? Pamilya ng mga ibon talaga ang hanap mo. Akala kong hotdogs at ube ice cream lang."

Napako sa kinatatayuan si Regine dahil sa sobrang kahihiyan. Nangingalabot siya sa pagiging vulgar ng binata.

"Ipaayos mo kaya 'yang preno sa dila mo!" Bulalas niya at padabog na lumapit sa Microwave.

"Kapag nilagyan ko ng preno, mababawasan ang mga bagay na magpaparamdam sa'yo ng langit."

"Demonyito!"

"Kumain na tayo, baka gusto mong unahin kitang kainin," seryosong sinabi nito sa kanya kaya napaatras si Regine. Tahimik lamang silang kumakain, lalo na si Arthur at seryosong ngumunguya.

"Malalim pa yata sa balon ni Sadako ang iniisip nito," bulong ni Regine sa sarili niya.

"Uwi mo ako pagkatapos nating kumain," pangungulit ni Regine. Umiling si Arthur at tumingin sa manok na kinakain. "Stay here. No touch, just stay here," sibi ni Arthur upang makumbinse si Regine.

"Arthur, alam mo bang binabagabag ako ng konsensya ko? Kahit na nararamdaman ng puso kong may ibang babae ang asawa ko, hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya. Hindi ko kayang gawin ang ginagawa niya sa'kin," pagtatapat niya sa binata na nakaharap.

"Bakit kailangan mong maging martyr sa lalaking hindi ka pinapahalagahan? Dahil lang sa papel kaya ayaw mo siyang bitiwan? Like what you've said, twelve years kang hindi ginalaw. O baka, he's not into you talaga."

"A-ayoko pa rin siyang lokohin. Hindi nga tama ang ginagawa natin, ilang taon na kaming kasal at matagal na ang pinagsamahan namin."

"Pinagsamahan? Sana pala hindi kayo nagpakasal kung pinagsamahan lang ang pinahahalagahan. Aanhin mo ang tagal ng pinagsamahan niyo kung wala namang pag-ibig? Aanhin mo ang ilang taon na binibilang mo sa tuwing anniversary, kung hindi kayo isang pamilya? That's not a family Regine, lumilitaw lang na live in kayo without sex."

Tila nasampal sa katotohanan si Regine, napayuko siya ay binitawan ang kubyertos.

"I love him. Pero, ang daming 'pero'? Bakit, ang daming 'bakit'? Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Gusto ko siyang paniwalaan, wala naman akong ebidensya. Pero nararamdaman kong meron iba sa ang mga mata at kilos niya," hindi napigilan ni Regine na umiyak at tinakpan ang mukha niya.

"Don't cry, tweety," nagulat si Regine dahil sa sinabi ng binata. Napatingin siya rito at ngumiti.

"Anong tweety? Sira ulo ka nga!" Pinunasan ni Regine ang luha. "Akin na 'yang kanin at manok. Isa lang naman ang sa'yo! Laki ng bahay walang pagkain. Naturingang CEO wala namang pagkain," pangungutya nito.

"Not anymore na nga. Sa'yo na 'yan, alam ko namang kulang pa sa'yo," saad nito at pinagmasdan lang siyang kumain.

Makalipas ang isang oras, naghihintay lang si Regine sa sala at nakita ang mga photo albums sa ilalim ng lamesa.

"Wow, Mommy nila 'to? Ang ganda naman niya. Bakit dalawa lang, wala si Arthur dito," muli niyang hinanap ang litrato ni Arthur ngunit wala ni isa ang lumitaw. "Ah, ito. Buntis siya rito. Baka itong mokong ang nasa loob."
"Wear this, amoy manok ka. Ayokong may katabi na amoy manok," initsa sa kanya ang isang pirasong t-shirt.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon