Climax 56
Halos maluha si Efinia nang marinig niya ang speech ni Regine, tinamaan siya lalo na sa kahalagahan ng bawat isa sa isang tahanan. Mula sa Ama na siyang pumoprotekta sa tahanan, Ina na siyang bumabalot ng pagmamahal sa tahan at anak na siyang nagbibigay saya sa tahanan, dahil ito ang bunga ng pag-ibig.
Walang kamalay-malay si Regine na nanood si Jinx sa kanyang pagkapanalo. Luha na patuloy sa pag-agos ang dumaloy sa mukha nito.
"And this is the melancholic life of being a transwoman. I can give a genuine love, but I can't give birth. Hindi ko kailanman magagawa ang gawain ng isang tunay na babae. Kaya ko nga na ma-satisfy ang kaligayahan ng isang lalaki, pero hindi ko sila kayang bigyan ng anak," malungkot nitong napagisip-isip.
Ilang sandali at nakita niyang naglalakad sila Regine at bigla niya itong nilapitan.
"Get off fucker!" Bulalas ni Arthur.
"Arthur, huwag," halos dagukan na ni Arthur si Jinx mabuti at alisto si Regine.
"I'm sorry Arthur, gusto ko lang siyang makausap. Hindi ko siya sasaktan at guguluhin. Just give us a five minutes talk," pakikiusap ni Jinx.
"Halika mag-usap tayo," mabait na pakikitungo ni Regine dito.
"No! Baka saktan ka nitong tukmol na ito!" Galit na sinabi ni Arthur.
"May problema ba, Bro?" aniya ni Austine at kinindatan bigla si Jinx.
"Wala Austine, kayo muna ang bahala kay Arthur, kakausapin ko si Jinx," humalik si Regine sa labi ni Arthur bilang garantisado na hindi siya aawayin ni Jinx.
Lumayo ang dalawa at halos humaba na ang leeg ni Arthur kakasulyap kay Regine at Jinx. Nagulat si Regine dahil bigla itong lumuhod sa harapan niya.
"Hey! Tumayo ka nga," napatingin si Regine sa paligid at nahihiya sa ginawa ni Jinx.
"I'm sorry, hindi ko hihingin agad ang kapatawaran mo. Ginawa ko ito bilang pagpapaumanhin sa lahat ng panloloko namin ni Ric. Niloko ka namin, dapat kasama ako sa kulungan pero inako niya lahat," humagulgol sa pag-iyak si Jinx at hinagkan ang binti niya.
"Batas na ang huhusga sa kanya at Diyos na ang huhusga sa'yo. Labindalawang taon niyo akong niloko, pinagnakawan at winalanghiya. Kuntento na ako na pinagbabayaran na ni Ric ang lahat ng ginawa niya sa'kin. Kahit nagpakatanga ako sa kanya ng labindalawang taon. Jinx, mahal ko si Ric. He's my childhood sweetheart, lahat alam niya sa'kin. From my strengths and weaknesses, pero hindi ko akalain na ang taong pinagkakatiwalaan ko ng isang daang porsyento, ay ang taong manloloko sa'kin. Masakit sa part namin dalawa, dahil may kasalanan ang magulang namin. But it doesn't mean na kailangan pumatay, ngayon na tumulad siya Ama niya.
Both of you killed my heart, pinutulan niyo ako ng pakpak. Binilanggo niyo ako sa lahat ng panloloko. Pero masaya akong nakaluhod ka sa'kin ngayon. Kasi, nagdurusa ka, pinagsisihan mo ang ginawa mo. At malakas ang loob mo na magpakatotoo sa bawat sulok ng pagkakamali niyo. Balang araw mapapatawad din kita," wika ni Regine at bumitiw sa kamay nito.
"Thank you Regine, thank you sa tunay mong pagmamahal at pag-aaruga kay Ric."
Lumapit si Arthur at hinatak ang kamay ni Regine. "Your time is done!" Nakataas ang kilay ni Arthur at inirapan si Jinx. Hinablot niya ang kamay ni Regine at hinapit ang beywang.
"Don't cry my tweety bird, maganda at winner ka. You should be happy! Sigurado akong proud ang Mama at Papa mo sa'yo."
Walang pagsasalita at halik lamang ang iginanti ni Regine sa kanya.
BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...