Climax 32
Patingin-tingin si Arthur sa loob ng Elite's Bar. Lumagpas na siya sa oras na pinag-usapan nila ni Ric. Kalaunan, natagpuan niya ito at may katabing babae.
"Attorney."
Halatang nagulat si Ric at tumayo ang babaeng katabi nito. Pinagmasdan ni Arthur ang babae bilang lalaki, literal na mabubusog si Attorney Ric dito.
"Who is she? She's damn gorgeous!" Pabirong sinabi ni Arthur at tumabi kay Ric.
"Naki-upo lang naman," he answered.
"Umupo ba sa binti mo? Damn it, minsan gusto ko talagang maging Attorney. Habulin talaga ng babae," wika ni Arthur at uminom ng alak.
"Why don't you try Arthur? Bata ka pa siguradong maraming clients ang magkakandarapa sa'yo. Matalino na at lahing Lavigne pa," giit ni Ric.
"Susubukan ko sana. But my Dad doesn't like."
Kung ano-ano pa ang pinaguusapan nilang dalawa. Madalas sa babae ang binubuksang topic ni Arthur. Hinuhuli niya ang Attorney, lalo na't halos ng alak ay kanyang inorder para kay Ric.
Ilang sandali, pinagmamasdan niya ito at mapungay na ang mga mata. Halatang hindi mataas ang tolerance ni Ric pagdating sa alak. Dagdag pa ang amoy ng sigarilyo ni Arthur. Kulang na lang at pausukan na niya si Ric.
"Masarap maging Attorney, Arthur. Although busy sa trabaho, lahat naman lumalapit sa'yo. Kumbaga malakas ang iyong dating. Sa tanda kong ito, mga bata pa ang lumalapit sa'kin," pagmamayabang ni Ric at halatang lasing. Nagtagis ang panga ni Arthur at nakuhang mag-init sa sinabi nito.
"Oh really? May babae ka ba? Minsan lang 'yon, kapag lumapit. Grab the chance!" Parang demonyong binubulungan ni Arthur at pilit na tumawa.
"I have. Magaling, and masasatisfy ka talaga," pagtawa nito at halos mabasag na ang hawak na baso sa sobrang kalasingan.
"Really Attorney? Fuck you for cheating Regine. But thank you too dahil na sa akin ang asawa mo," bulong niya sa sarili at ngumisi.
"My wife?" Biglang sambit nito at pumikit habang umiiling.
"What's with your wife?"
"She's boring. I don't feel sexually aroused with her. For me, she's like a sixteen year old virgin."
"Really? Why? Your wife is gorgeous!" Saad ni Arthur.
Umiling ito at tiningnan siya. Nagulat si Arthur nang hinawakan ni Ric ang binti niya.
"I don't really love her."
Nakahawak pa rin ito sa binti niya at hinihimas. Halatang wala na sa sarili si Attorney Ric at nakukuha na niyang ibunyag ang sikreto tungkol sa nararamdaman kay Regine.
"Bakit hindi mo hiwalayan kung ayaw mo," hindi mapigilan ni Arthur na mag seryoso.
"I'm not yet done with her. She will---asdbejs---" hindi na natindihan ni Arthur ang sinasabi nito at nakuhang lumaylay ang ulo ni Ric.
"Kung hindi lang kita Attorney, iniwan na kita rito," inakbayan at inalalayan niya ito. Nakuha niyang ipamaneho sa kakilala niyang bouncer si Attorney at ipadala muna sa isang motel. Iniwan na niya ito at sumakay sa kanyang kotse.
"I know you hurt her. At putang ina, wala akong magawa. Hindi kita maipagtanggol, Regine," gustong-gusto na niyang angkinin si Regine, ngunit napakaraming balakid sa kanilang sinimulang relasyon.
Patingin-tingin sa pintuan si Regine dahil sa hinihintay niyang dumating si Arthur. Bumalik ulit siya sa lamesa at muling binasa ang Affidavit ng Tiyuhin niyang nakulong. Hinanap niya pa ang karugtong nito dahil ang second page ay nakahiwalay. Sa kanyang pag halungkat, nakita rin niya ang karugtong na pahina.

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...