Climax 26
Nakuhang sunduin ni Ric si Regine sa bahay nila Gracia, ngayon na hindi nagpahawak si Regine at kusang naligo mag-isa. Nanatili pa rin si Regine sa loob ng banyo habang nakatitig sa salamin.
"Tama, I need time and space with Arthur. Susubukan ko kung totoo ba itong nararamdaman ko sa kanya habang tinatyaga ko ang gago kong asawa," bulong niya at nagdamit.
"Here," nagulat si Regine dahil sa inabot na paperbag ni Ric.
"A-ano 'to?"
"Invitation from Mr. Smith Lavigne. A dinner in their house tomorrow. Hindi ko alam kung magargo at matindi ang security ng bahay nila. Kaya kahit simpleng dinner date o kahit anong event kailangan ang invitation," saad ni Ric.
Napalunok naman si Regine at hindi mapalagay. "Hindi ako pwede,
may lakad kami ni Gracia," sagot niya at inilapag sa lamesa ang ibinigay ng asawa.
"Pupunta ka, asawa kita. Besides, ngayon ka lang din makikilala ni Mr. Smith," aniya ni Ric. "And, please tone down your blonde hair. Pakiramdam ko, hindi ikaw ang asawa ko. Sorry but it looks so cheap," diretsong dinagdag na sinabi ni Ric at humiga na ito sa kama.
Napangisi si Regine at umiling. Dinampot niya ang paperbag at nakita ang dress na binili ni Ric.
"Ano ako babae noong 1910? Anong palagay niya sa'kin? Manang? Damn, tapos na ako sa ganitong buhay! Paati pananamit ko'y nakadikta sa'yo," she whispered and looked at herself in the mirror. "I will not wear this. Makikita mo ang Regine na tinapon mo na lang ng basta-basta," palaban niyang sinabi sa sarili pagkatapos ay humiga sa tabi ng asawa.
"I'm sleeping with my mortal enemy," nilingon niya si Ric bago tuluyang pumikit.
******
Balisa at panay tingin sa cellphone si Arthur, ni isang text at call ay wala siyang narereceive kay Regine. Nakuha na niyang tawagan ang babae ngunit wala pa in sagot.
"Damn it, nagkabalikan na ba sila ng asawa niya? What if they fucked? She's a virgin. She's mine," sinabunutan ni Arthur ang sarili dahil halos mabaliw na siya sa hindi pagpaparamdam ni Regine sa kanya.
"Tito! Welcome home po!" Sambit ni Archer at hinagkan siya nito. Nakuhang makabalik ng bahay si Arthur dahil sa abiso ng Ama. Malakas ang loob ni Smith na mananalo at mababasura lang ang ikinaso laban kay Arthur.
"I miss you so, so much," sagot niya dito.
"I miss Regine too. Sabi ni Dad hindi ko na siya pwedeng makita," wika nito.
"What? Pwede naman, ako ang bahala," pagngiti ni Arthur. Alam niyang makikita pa niya si Regine dahil sa pamangkin.
"Dad!" Pagtawag niya sa Ama na halos kadarating lang. "Thank you po," nahihiyang sinabi ni Arthur sa kanyang Ama.
"You're welcome son. Please, huwag ka ng gumawa ng kalokohan dahil tuluyan kitang papalayasin sa bahay ko. Makukuha ko nang mamatay at ni isa sa inyo ay wala akong mapapagmanahan," wika ni Smith.
"Dad, I'm sorry. I promise, wala na po akong kasalanan na gagawin. Wala na rin akong sabit na gagawin," hinagkan siya nito at tinapik ang balikat.
"By the way, where's Kuya Austine?" tanong ni Arthur.
"Ginawang Manila ang Los Angeles, pabalik-balik siya at hindi ko na maintindihan ang Kuya mo. Kaya pati anak niya nagugulo na ang buhay," galit ang tono ng boses ni Smith.
"Nasaan po ba ang Nanay ni Archer?"
"Ask your brother," tanging sambit ng Ama at naglakad papaakyat. "Before I forgot! Son, invited bukas sila Attorney Ricardo para sa special event," umawang ang ngiti ni Smith sa kanyang mga labi.

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...