Climax 51

1.3K 93 7
                                    

Climax 51

Hawak ni Regine ang big cart dahil siya'y namimili ng pagkain para sa kanila ni Arthur. Hindi ka halata ang kanyang pagdadalang tao, bukod sa napakaliit ng kanyang katawan. Napatingin siya sa mga dairy products at kumuha siya ng isang galon na ube ice cream.

"Hay ang sarap nito," sambit niya. Hindi niya kasama si Arthur dahil nag-apply ito ng trabaho sa ibang kumpanya. Lalong sasusunod na araw na ang Hearing para sa kaso ni Ric.

"Kapal din ng mukha mong kabit ka!"

Napatigil si Regine at nilingon ang tumulak sa kanya. Awtomatikong nagsi-akyatan ang dugo sa ulo ni Regine dahil nakita niya si Jinx.

"Oh! Bakla ikaw pala 'yan," sigaw ni Regine at ayaw niyang urungan si Jinx.

"Bakla nga ako kaya papatulan kita!" aniya nito.

Akmang sabunutan ni Jinx si Regine ngunit may isang ginang na humarang at tinulak si Jinx.

"Huwag kang manggulo rito! Salot ka, Maraming bakla na mababait at hindi tulad mong ugaling basahan! You get out of my mall!" Sigaw ng ginang.

"Sa'yong- sa'yo na ang mall mo matandang hukluban!" Sigaw ni Jinx at ang iba'y parang nanunuod ng teleserye.

"Are you okay Hija? Sakto ba ang dating ko?" tanong nito.

"O-okay lang po. Ma'am salamat po, kaya ko naman din po siyang labanan," tugon niya. Pinagmasdan ni Regine ang mga mata nito at para bang namumukhaan niya ang matanda. "May kamukha po kayo," giit sinabi ni Regine at hinawakan niya bigla ang mukha nito.

"Maganda kasi ako, Hija. Halika na dadalhin kita sa mall clinic, baka naapektuhan ang anak mo."

"Halata po ba?" sambit ni Regine.

Biglang napaisip ang ginang at ngumiti. "Oo halata naman? Pero parang busog ka lang. Halika na,"

Natuwa si Regine dahil parang Nanay niya ito, pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya. "Namimili pa po ako Madam."

"Ako na ang bahala sa pamimili mo," pangungulit nito. Para bang magkasundo sila nito at sobrang gaan ng loob ni Regine sa ginang.

Nang marating nila ang mall clinic, agad siyang inabutan nito ng pagkain.

"Nako, busog pa po ako."

"Dalhin mo na lang sa bahay. Para makain din ni Tres," dire-diretso nitong sinabi.

"Kilala niyo po si Arthur?" nagulantang si Regine dahil sa sinabi ng Ginang.

Natulala ang ginang at nilingon siya. "Ha? Sino 'yon? Halika kumain ka," agad na sinagot nito.

Nagmamasid lamang si Regine habang siya'y kumakain. Hindi mawala sa paningin niya ang ilong nito na kapareha ng kay Arthur. "Ako po pala si Regine Perez," inilahad niya ang kamay.

"Efifania Lav- Lopez." pakikipagkamay nito sa kanya.

"Parang nakita ko na po talaga ang mukha niyo. Isa pa po, hawig ng mga mata at ilong niyo ang boyfriend ko," hindi pa rin mawala kay Regine na mamangha habang nakatutok lamang ang paningin niya sa matanda.

"E 'di gwapo ang boyfriend mo?"

"Opo! Gusto niyo pong ipakilala ko kayo sa future asawa ko? Ipagmamalaki ko pong pinagtanggol niyo ako sa bwisit na tukmol 'yon," pagtawa ni Regine.

"Sure, gustong-gusto ko siyang makita."

******

Pawisan at halos itapon na ni Arthur ang resume niya sa kalsada. Hindi niya magawang makapasok sa mga kompanyang nakapaligid.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon