Climax 23

1.4K 101 22
                                    



Climax 23

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Climax 23

Maagang bumangon si Regine dahil hindi naman siya nakatulog. Kinalkal niya ang pagkain sa fridge at nakuha niyang ipagluto si Arthur ng agahan.

"Peace offering? Mapapalitan ba ng luto ko ang galit at sakit? Anong gagawin ko pag-uwi? Kokomprontahin ko na ba si Ric? Tama, kailangan ko itong gawin," sambit ni Regine at uminom ng kape para lumakas ang loob.

"What are you doing?" saad ni Arthur.

Nabigla siyang nakaayos na ito at ready to go. "Pinagluluto ka nang agahan. Pangit umalis ng hindi nag-almusal."

"Hindi ko makakain 'yan. I have an important meeting. Isasabay na kita para makauwi ka na. Let's go."

Napabuntong-hininga si Regine at tinago na lang sa fridge ang pagkain. Sinoot lamang niya ang coat ni Arthur at kumuha ng notepad pagkatapos ay dinikit sa harapan ng refrigerator.

Tahimik ang paligid sa loob ng kotse, walang imik ang bawat isa. Ang musika na lamang sa loob ang nagsisilbing buhay sa hangin na unti-unting namamatay. "Peste naman bakit ganyan pa ang sounds sa FM!" Bulong ni Regine at tumagilid upang hindi maaninag ng peripheral vision niya si Arthur.

Ilang sandali at narating na nila ang convenience store. "Dito na kita ibababa, malelate na ako sa meeting."

Okay lang Arthur, salamat sa paghatid. Thank you ulits," sagot ni Regine.

Sa pagbaba ni Regine, hindi niya maintindihan ang sarili dahil sa biglang pagbagsak ng luha. "Regine magtigil ka nga. Tama lang 'yon, iwas komplikasyon. Ayokong madamay si Arthur sa problema ko. Huwag kang dadagdag sa problema niya. May kaso siya, may problema siya sa pamilya. He needs a break. We need to end this stupid relationship."

Nakabalik na ng bahay si Regine at nakitang nandito ang asawa. Hinagkan siya nito at hinalikan sa labi. "Where have you been?"

"Nakitulog kayla Gracia. Buti umuwi ka? Akala ko wala ka nang balak umuwi eh," asar na sagot ni Regine at diretsong naglalakad papasok ng kwarto.

"Kaninong coat 'yan?"

Napalunok si Regine at biglang kinabahan. "Sa Boyfriend ni Gracia, nag party kami sa bahay nila. Pinahiram sa'kin."

"Are you mad at me? Huwag mo sabihing naghihinala ka na naman?"

"May rason ba para paghinalaan kita, Ric?"

"Pagod ako sa trabaho, please huwag mo nang dagdagan pa."

"Oh? Dagdag? 'Yan ba ang sagot ng huwarang asawa sa maybahay niya? Parang ang layo ng sagot mo sa tanong ko. May iniiwasan ka bang dapat sagutin?" Hindi maiwasan ni Regine na magpameywang at sumandal sa pader.

"Nambabae ako? Come on Regine! Busy ako sa trabaho, hindi basta- basta ang pagiging Attorney. Hindi basta-basta ang trabaho ko, hindi kita katulad na patingin-tingin at nagbabantay lang sa Pottery."

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon