Climax 7
THE PRESENT
Hawak ni Regine ang kalahating sako ng clay at inilapag ito sa tabi ng throwing machine upang makagawa ng paso pati mga ceramic ware. Sa ilang taon na nakalipas, ang pinapangarap niyang Pottery Shop ay natupad na. Ngunit ang pamilyang kanyang inaasam ay hindi pa rin natutupad o dinidinggin ng Diyos.
"It's been twelve years since Ric and I got married. Until now, I still don't call our relationship as a 'family'. Paano mo ba masasabing pamilya, kung kami lang dalawa pagkatapos ng labindalawang taon. Yes, we still don't have kids. Nanatili akong tahimik at hindi nagrereklamo. Ito ang gusto niya, gusto lang niya ng companion. Ayaw niya yatang magkaanak. weird right?" kinakausap niya ang halaman na kaharap ngayon.
"Nakuha ng mamatay nila Mama Athena at Papa Cardo, hindi nila nasilayan ang magka-apo si Ric o kaming dalawa. Buti pa kayong mga halaman ko nagpaparami, nanganganak kumbaga, ako kailan kaya? Hindi naman nagkulang si Ric, lahat ng kailangan ko binibigay niya. Ni minsan hindi dumapo ang kamay niya sa'kin. But the problem is, bitin na bitin pa rin ako."
Ganito ang buhay ni Regine, sa tuwing masama ang kanyang loob o may hinanakit, halaman ang kanyang kinakausap.
"Hoy! Kausap mo na naman ang halaman mo!" Sigaw ni Gracia at nilapagan siya ng black coffee.
"Kasi naman 'tong asawa ko. Masyadong matayog ang pangarap. Fifty two na siya, ni hindi man lang niya trip na buntisin ako?!"
Sumalampak lang si Regine sa may batuhang parte malapit sa mga bulaklak niya.
"Tanga ka kasi, pakiramdam ko may ibang babae talaga ang asawa mo! Imagine, since kinasal kayo, ni hindi man lang kayo nag-sex! Ano ba? Galaw-galaw girl! Makukuha nang mapanis ng ovaries mo hindi pa sila nagme-meet ng sperm cells ni Ric!"
"Hindi nga ako kinukutuban, magmula noon na nakita ko siyang may kasamang babae sa office. Hindi na naulit 'yon," despensa ni Regine para kay Ric.
"Ano bang malay mo? Magaling magtago 'yang asawa mo. Napaka professional! O sadyang bulag ka lang. Akitin mo kaya," sambit ni Gracia at nasamid si Regine.
"Alam mong hindi na ako ganoon. Graduate na ako, ayoko namang ipilit at ihain ang sarili ko. Lalong ayaw ni Ric ang na ganoon ako. Kaya nga ito at malaki ang adjustment ang ginawa ko, dahil ayoko naman na mapahiya sa mga nakakakilala kay Ric, pagkatapos ang napang-asawa niya ay party whore," inirapan niya si Gracia pagkatapos ay pinunggos ang buhok.
"Ayan! Kaya hindi ka niya makuhang hawakan kasi napaka lamya mo! Eh ano kung mag-party, at eh ano kung magdadamit ng sexy? Oh kahit ako ang lalaki hindi ako mag-iinit kung asawa ko'y ganyang tulad mo. Napaka lamya," pang-uuyam nito sa kaibigan
"Iniwan ka rin naman. Kahit ang ganda mo rin, kahit magaling ka sa kama," mahinahon na sinagot ni Regine si Gracia.
Nawala ang ngiti ni Gracia at na pa inom ng kape.
"Oo nga pala, kahit napaka galing ko nang mag-blowjob. Naghanap pa ng ibang babae na gagawa sa kanya no'n,"
"Okay lang 'yan, at least may anak kayo. Eh ako? Wala.
"Masyadong matayog ang pangarap ni Ric, selfish siya. Pinakasalan ka pa niya kung hindi naman pala niya gustong mag kapamilya with you, duh!" Singhal ni Gracia sa kanya.
BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...
