Climax 20

1.7K 97 31
                                        

Climax 20

"Pakiramdam ko'y panaginip lang ito. Ang dream boy sa mga binabasa kong libro ay nagkakatotoo na. Making love, morning breakfast and sweet kisses. Kung panaginip ka man, ayoko nang magising at manatiling nakayakap sa bisig mo."

Napamulat si Regine dahil sa mabangong amoy. Bumangon siya at naramdaman ang pagkagutom. Nakatakip ang kanyang katawan ng kumot. Magulo ang buhok at nagkukusot pa siya ng mga mata. Napaatras siya dahil nakita niya si Arthur na nagluluto sa kusina. Narinig din niya na kumakanta ito. Napangiti siya at hindi mapigilan na mag-init ang mukha nang lumapit siya rito pagkatapos ay nakitang naka boxer shorts lang si Arthur.

"Damn, Angry Bird," napakamot siya ng ulo habang nakatingin kay Arthur.

"Good morning, Regine!"

"Bakit ka kumakanta na parang nanalo? Pati iyang kanta na pinakinggan natin kagabi?"

Ngumiti lang si Arthur at hinanda ang pagkain sa lamesa. "Kain na, ibabalik na kita sa bahay mo," maaliwalas ang aura ng binata at mukhang nanalo sa lotto. Nakaramdam ng lungkot si Regine at pinagmasdan lang ang pagkain sa lamesa. "Gusto mo na ba akong kasama?" aniya ni Arthur nang mapansin ang itsura ni Regine.

"Masarap 'ang tocino," malayong sagot ni Regine sa tanong ni Arthur.

"Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Umh, yeah. Babalik ka na rin ba? I mean hindi ka na rin ba mag-stay dito?"

"Dito na ako, gusto mo bang sunduin kita araw-araw? Para makapag libot tayo," aniya ng binata habang umiinom ng kape.

"Ah-eh," pautal na tugon niya kay Arthur.

"It's okay, hindi naman kita pinipilit. Just tell me when or kung gusto mo. Willing akong hintayin ka."

Sa pagkasabi ni Arthur kay Regine, halos malaglag ang puso niya. "Seryoso siya? Hindi ko alam kung bakit dalang-dala ako sa mga sinasabi niya. Niloloko ba ako nito? Parang totoo, parang kami talaga. Parang totoong asawa ko siya. Hindi ko ito naramdaman at naranasan kay Ric. Lahat na lang sasabihin niya, busy siya. Pagod, kesyo maraming ginagawa. Damn it! I'm hooked."

Napansin ni Regine na hindi gaano dumidikit ang binata sa kanya, lalong hindi rin ito katulad dati na bigla siyang hahatakin para halikan. Mabilis nakaramdam si Regine kung may mali sa isang tao.

"Regine, wear this," inabot sa kanya ang paper bag. Sa pagsilip ni Regine damit ito pambabae.

"Nakabili ka agad? Babayaran ko na lang."

"No, it's a gift. Pinagtiyagaan mo ako kagabi kahit ayaw mong sumama," wika niya. "You should wear jeans, huwag revealing. Lalong wala

"Eh ano? Hindi mo naman ako kailangang bantayan. Matanda na ako, lalong alam mo namang nakabakod na ako."

"Seriously? Nakabakod ka ba? Kung nakabakod ka Regine, wala ka ngayon dito. If your husband really loves you, he will not take you for granted like an old barbie doll. You are gold, a diamond. You should be treasured. He is not a great gate keeper. Maligo ka na, I'll wait you here," muli siyang hinalikan sa noo at iniwan sa loob ng kwarto.

Habang sakay siya ng kotse, ihiniga ni Regine ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan. Naririnig niya lang ang himig ni Arthur, kung ano ang kinakanta niya kagabi, 'yun din ang kinakanta nito.

"Favorite ko 'yan huwag mong agawin," taas kilay niyang Regine.

"You are my favorite Regine, kaya nga inaagaw kita," sagot nito at napalingon si Regine. Ngiti lang ang sinalubong nito sa kanya. Hindi alam ni Regine kung tama ba ang ginawa niya. Basta na lamang niyang ihiniga ang ulo sa braso ni Arthur habang nagmamaneho.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon