Climax 11

1.8K 105 14
                                    


Climax 11

Walang kibo si Regine dahil sa sobrang init ng ulo niya. Ayaw niyang makapatay dahil sa dalawang kasama niya. Ngayon na pareho silang tatlo na may lagkit sa uniporme. Nakuhang lagyan ni Regine nang ice cream si Archer. Terno-terno silang may kulay ube sa damit.

             "Seryoso ka? Papasok tayo sa mall na ganito ang itsura?" Singhal ni Regine kay Arthur. 

  "Nasaan ang coat ko? Hindi ba't sinama mo after the night we--" Tinapakan ni Regine ang paa ni Arthur para hindi matuloy ang sasabihin nito. 

"Uuwi na ako!" Giit niya kay Arthur at binitiwan ang kamay ni Archer. "Archer, uuwi na ako. May trabaho pa ako," maamo niyang pagpapaalam sa bata.

"How about your clothes? Ibibili ka pa ng damit ni Tito," malambing na sinabi ng bata. 

"Kaya ko namang bumili, sige na. Bye! Nice to meet you again."

Lumebel siya sa bata at hinagkan. Nagulat si Regine dahil hinalikan siya ng bata sa pisngi. 

"Goodbye! We'll see each other again okay?! Remember my name!" Masayang sinabi ni Archer.

"Oh sure. Bye!" Pagngiti niya sa bata at inirapan ang binata na nakatingin lang sa kanya.

"Hindi na ako magpapakita sa inyo. Never!"

Nagmadaling mag-para ng taxi si Regine. Uwing-uwi at lagkit na lagkit na siya sa sarili. Ilang sandali, narating niya ang kanyang bahay at dali-daling naligo. Nakita niya ulit ang kiss marks sa katawan niya.

  "Masisiraan na yata ako ng ulo! Kahit blur ang vision ko noong araw na 'yon. Mula sa malapitan, namumukhaan naman kita. Shit naman, 'yon bang malaking taong lalaking 'yon  ang may gawa nito?" Sinabunutan niya ang sarili dahil sa mga nangyayari sa buhay niya. 

***

"Anak bakit ang dumi mo?" Pagtatanong ni Austine sa kanyang anak.

  "Ah si Regine po kasi naglaro kami ng ice cream," sambit ng bata. Nagkatinginan ang magkapatid at nakita rin niya ang ice cream sa damit ng kapatid. 

"Oh, anong ice cream 'yan at nag-enjoy kayo?" Who's Regine Son? pretty ba?" 

"Kuya, huwag mo na siyang itanong. Archer magpalit ka na, lalanggamin ka niyan," aniya ni Arthur sa kanyang pamangkin. 

"O baka ikaw ang lalanggamin? Masyado yatang sweet," pang-aasar ng Kuya niya. "New girlfriend?" Muling pangungulit nito. 

"No, Alam mong si Camaia lang ang girlfriend and soon to be wife ko." 

  "Huwag ako, you can't call her 'soon to be wife' kung wala sa kanya ang loyalty mo," seryosong sinabi ng Kuya niya.

  "May alam ka pala sa 'loyalty' kuya?" pagbibiro ni Arthur. 

"Of course dude, although hindi halata." 

"She's my girlfriend at by next year. Ikakasal na kami," paglalahad ni Arthur. 

"Eh bakit nambababae ka pa? Ako, bilang Kuya mo. Hindi ko man magawa sa sarili ko ito, pero sana huwag ka nang mambabae. Focus in one girl," payo nito. 

Napangisi si Arthur at binato ng maduming polo ang Kuya niya. 

"Stop acting like a clean ass shit, Bro! Ginagawa ko lang ito para mapansin niya, since mag-aral siya sa ibang bansa. Nawala na lahat ng pangako niya. Pangako na magiging mas matatag kami kahit na malayo siya," saad nito.

"Hindi lahat ng pangako ay natutupad. Hindi lahat ng sinabi ng isang tao ay gagawin niya. Kadalasan laway lang ang lahat. Trust the action, than stupid promises. So tell me who is she? The Regine ice cream."

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon