Climax 10
Pag-uwi ni Regine, inayos niya ang mga files para sa final exam ng mga estudyante ni Ric.
"Paano ako makakahanap ng ebidensya kung niloloko mo ako. Napaka linis mong magtago. Ni isang laman sa flash drive mo, walang laman sa mga sagot na gusto ko," hinilamos niya ang kanyang mukha gamit ang palad. Nang ipi-print na niya ang mga test papers nito, ni isang letra ay walang lumitaw.
"Ano ba 'yan! Ngayon ka pa mawawalan ng ink?!"
Basta na lamang niyang hinugot ang flash drive at lumabas ng bahay. Naghanap ng printing shop si Regine. Hanggang sa mapadpad siya sa Fords University.
"My Alma Mater," inabot niya ang flash drive pagkatapos ay ipinaprint ng fifty copies ang exam.
Pinagmamasdan lang niya ang kanyang relo habang siya'y naghihintay. "Unang regalo mo sa'kin 'to, pero ni minsan wala kang oras sabihin ang totoo. Saan ba ako magsisimula? Paano ko ba malalaman ang itinatago mo?"
***
"What happened to you son?!"
"Dad, ayoko na munang ikasal. Masaya na ako sa ganitong buhay. Single Dad," sambit ni Austine.
Sa pagbaba ng binata, dumadagundong ang ingay ng boses ng kanyang Ama. Natatakot ang mga katulong dahil iba kung magalit si Mr. Smith Lavigne.
"What's the problem?"
"Eh, sinisermonan niya po yata ang Kuya mo, Sir," bakas sa mukha ng kanilang katulong ang pangangamba.
"Really? Kuya Aiden?" aniya ni Arthur. Umiling ang katulong kung kaya't napangisi ang binata.
"Austine?"
Dali-daling tumakbo ang binata papaakyat sa opisina ng kanyang Ama sa kanilang bahay.
"Kuya!" Bulalas nito at napatingin si Austine sa kanya.
"Bro! long time no see kumag!"
"Ikaw lang ang masaya na nandito ang Kuya mo, Arthur! Bumalik ka ng Los Angeles! Kung hindi ka isang kilong gago, ilang babae na ang na-cancel upang maging asawa mo!" Sigaw ni Smith.
"Dad! Kailangan ko si Kuya rito! Tsaka namiss ko ang pamangkin kong gwapo! Where's Archer, brother?" giit ni Arthur at lumapit sa kapatid.
"Kasama ng so called 'Fiance' ko," pag-irap nito sa kanilang Ama.
"Dad, dapat maging masaya ka at nandito ako. Ipipinta ko ang pinaka masaya mong mukha," pagbibiro ni Austine at hinagkan ang Ama.
"I am the most good boy son!" Wika ni Arthur at tumawa.
"I know, ikaw lang ang masunurin sa inyong tatlo! Pero alam kong hayok ka rin sa babae!" Singhal ni Smith. "Anyways, how's your exam anak?" gagdag ni Smith sa kanyang anak.
"Bukas pa ang exam sa Law. Last and final exam!" Masayang sagot ni Arthur.
"Okay, mag review ka nang maigi. Kilala kong magpa-exam si Attorney. Mahirap at makukuha mong magulo sa mga katanungan niya," pagbabala ni Smith.
"Halika, mag-review ka sa bar!" Nakakalokang sinabi ni Austine sa kanyang kapatid.
"Oh, come on! Austine, tigilan mo ang kapatid mo! Huwag mong itulad sa'yong bulakbol," pagsesermon ng Tatay nila.
"Dad! Kakauwi ko lang, gusto kong matikman ang bar ng Pilipinas! I'm so done with western women," sagot niya sa Ama. Nilingon naman ni Austine ang kapatid pagkatapos ay sumenyas na sumama sa kanya sa bar.

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...