Climax 43

1.1K 94 19
                                    

Climax 43

Galit at halos maubos na ni Regine ang dalawang litrong tubig. Lahat ng gamit sa kanilang negosyo ay nasa rent to own properties ni Gracia.

"Tang ina Gracia. Labanan na ito ng properties! Ginagago na ako ni Ric!" bulalas ni Regine.

"Paano ka lalaban kung pumirma ka pala doon," saad ni Gracia.

"Hindi ako pumirma! Never!" pabalang na sagot niya.

"Kailangan pa natin maghanap ng pwesto. Lalo na ang mga trabahador natin!" Nangalumbaba si Gracia at hindi alam ang gagawin.

"Isa pang problema ko ang project sa contest! Pagnanalo ako rito, lahat 'yon para sa negosyo," giit ni Regine.

"Gaga, para sa'yo 'yon!"

"No, para sa negosyo natin. Hindi na ako papayag na tapak-tapakan ni Ric. Hindi dahil Attorney siya ay gagaguhin niya ako. Hindi dahil wala akong alam sa pasikot-sikot sa batas ay lolokohin niya ako! I will not tolerate my fucking husband!" galit na sinabi ni Regine.

"Lalaban tayo. Kasama mo ako, kukuha ako ng magaling na abogado."

"Meroon na. Ang Attorney ni Arthur," sinabi ni Regine.

"Wow? Talagang pursigido na ma-annul kayo ha?"

"Wait! Speaking or Arthur! Magta-taxi na muna ako ha? Graduation Day niya ngayon," nabigla si Regine dahil naalala niyang kailangan siya ni Arthur. Napatingin siya sa kanyang relo at alas sais na pala ng gabi.

******

Inip na inip si Arthur dahil gusto na niyang umuwi. Nakuha na niya ang diploma at hindi pa tapos ang seremonyas sa eskwelahan.

"Tagal naman," bagot na tumingin ito sa kanyang cellphone. "Shit!" Tumayo siya at tumakbo papalabas ng Fords. Nakita niya ang text ni Regine na naghihintay ito sa labas ng paaralan.

"Hello? Where are you?" tinawagan niya ito.

"Nasa loob ng taxi! Malapit sa printing shop," tugon naman ni Regine.

Tumakbo si Arthur at bitbit ang kanyang diploma. Nang marating niya ang taxi, isang mainit na paghalik ang sinalubong niya kay Regine.

"Graduate na ako! Tatay na rin!" pagtawa ni Arthur at pinisil ang puwitan niya.

"Pst! Makikita ka ni Manong!" suway ni Regine dahil nahihiya siyang magkaroon ng PDA sila ni Arthur. "Gwapo naman ng Angry Bird ko!" Sinabitan niya ito ng sampaguita sa leeg.

"Santo ba ako? Luhuran mo ako mamaya," pilyong sinabi ni Arthur at kumindat sa kanya.

"Baliw! I love you! Congrats Mr. Chief of Executive Officer!" kinikilig na sinabi ni Regine at humalik muli.

"Teka, mag-out of town tayo!" saad ni Arthur.

"May kailangan akong asikasuhin. Sa bahay ko na sasabihin dahil alam mo naman, ayokong sirain ang araw mo," aniya ni Regine at hinawakan pa ang kuwelyo ng kanyang nobyo.

"Ano 'yon?"

"Hay basta! Hihintayin kita sa bahay."

"After ng family dinner lalayasan ko na sila," giit ni Arthur at patuloy ang PDA ng dalawa.

"Pinapak mo na ako dito! Daig mo pa ang lamok," wika ni Regine.

Sa patuloy na paghahanap ni Nica kay Arthur, sinundan niya ito at natagpuan sa labas. Hindi siya nagkakamali na may kahalikan itong babae. Hindi niya makita ang mukha nito bukod sa maliit lang ang babae na natatakpan ng sasakyan. Napangiti siya at nakita si Arthur na masaya.

"Ito pala ang masuwerteng babae na mahal mo," Napangiti siya at pinanood lamang kung gaano kasaya si Arthur. "Kailangan ko na ba talagang tanggapin?" Napatingin siya sa kanyang likuran at nakita si Mr. Smith papalapit kasama ang Tatay niya agad naman niya itong hinarang.

"Dad, balik na muna tayo sa loob," pagpigil ni Nica.

"Si Arthur nawala sa loob," aniya ni Smith.

"Nandoon po siya. Nagtext siya," pagdadahilan niya.

Tumango naman ang dalawa at muling bumalik sa pag-uusap. Kinuha ni Nica ang cellphone at nag iwan ng mensahe kay Arthur.

"Come here! Mahuhuli ka na ng Tatay mo."

Napatingin naman si Arthur at nakita ang text ni Nica. Napalingon ito sa paligid.

"Bakit, Arthur?"

"Babalik na ako, nakita tayo ni Nica," masayang sinabi ni Arthur.

"Masaya ka pa na makita! Sige na bumalik ka na r'on! Hihintayin kita sa bahay! I love you, my Angry Birdy!" tumingkayad si Regine at hinalikan ang pisngi ni Arthur.

"I love you too!"

"Manong sa Las Palmas de Casa lang po."

"This is real love Regine. Not only in books but in reality."

******

Tahimik lamang si Nica sa hapag kainan at hindi niya kinukulit si Arthur. Hinayaan lang niya ang magulang na magplano sa kanilang business topic. Hindi gaano kumain si Arthur at parang manok kung tumuka.

"Why don't you eat son? Hindi ba masarap?" tanong ni Smith.

"Busog pa ako Dad," ngumiti si Arthur at pinunasan ang kanyang bibig.

"Dad, Tito Smith. Okay lang po ba kung sa garden muna kami ni Arthur?" sambit ni Nica.

"Sure Nica! Para naman mag-bonding kayo ni Arthur," sagot ni Mr. Mijares. Tumango lang si Arthur at sumunod kay Nica.

"Finally!" Paghinga ni Arthur nang makalabas sila ng bahay. "Thank you Nica."

"Thank you rin Arthur. Marami akong na-realize sa mga sinabi mo sa'kin kanina. Nakita ko naman na masaya ka sa kanya katulad kanina."

"Nakita mo?"

"Oo, sayang hindi ko nakita ang babae! Dapat mas maganda 'yan sakin," pagbibiro ni Nica.

"Oo paa ka lang niya," Sagot ni Arthur.

"Wow! Ugali mo no?!" Sinigawan siya nito at natawa si Arthur. "Paano ang kasal?" dagdag ni Nica.

"I don't know? Or, pwede naman natin sabihin na ayaw natin ang isa't isa."

"Sabay na lang natin sabihin."

"Ayaw ko rin kasing pilitin ang isang tao na mahalin ako. Baka nga may mas better pa sa'yo," aniya ni Nica at inirapan ang binata.

"Thank you! We can be friends, utang na loob ang ginawa mo. You are gold, you deserve the best man! Pakatandaan mo lang ito, huwag kang magpakasal dahil sa pera or for convenience, marry the one you really love. That's the lesson I've learned from Kuya Austine noong bata-bata pa ako," aniya nito at binitiwan si Nica.

"Mabait ka naman pala. And I will take note of that!"

"Hindi lang halata. I'll go ahead Nica, may party pa kami ng mga kaibigan ko. Hindi na ako magpapaalam sa kanila."

"Sure. Ingat Arthur! Salamat din!" masaya niyang pagpapaalam.

******

Sobrang excitement ni Arthur at gustong-gusto na niyang mahagkan si Regine, nagmaneho siya ng napakabilis. Habang tinatahak niya ang kalsada, pumukaw sa kanyang atensyon ang cellphone na tumunog.

"Hello Detective?"

"Everything is authentic," sagot ni Detective Yap.

"What do you mean? Legit ang kasal ni Ric sa ibang bansa?" pagtatanong ni Arthur.

"Yes. Lahat ay lehitimo pati ang kasal niya sa Pilipinas. But we can use this." saad

Hindi alam ni Arthur kung papaliparin na ba niya ang sasakyan sa sobrang saya o galak dahil sa balitang hatid ni Detective.

"I will marry you Regine! Konti na lang."

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon