Climax 16
"Regine!"
Nagulantang si Regine dahil sa biglang pagyakap ni Ric sa kanya.
"Are you okay? Saan ka nag stay? Nabalitaan ko kay Jopet, parang nilooban ang Pottery. They found two bottles of liquor! Pati ang mga paso ay nabasag sa stock room. Magpapa-install na ako ng CCTV do'n," saad ni Ric.
"Wala namang ninakaw. Sasabihin ko rin kay Gracia. Hindi na kailangan ng CCTV dahil malapit sa Police Station ang shop," sagot ni Regine at bumitaw sa asawa.
"Hindi ka pa rin ba naniniwala sa'kin?"
Hindi kumibo si Regine at iniwasan ang ang presensya ni Regine. Nagtatak rin siya dahil umuuwi ito sa bahay nila.
"Regine, wala nga! Bakit hindi ka maniwala?!"
Nagulat si Regine dahil sa biglang pagtaas ng boses nito.
"It seems like you're guilty," aniya ni Regine.
"Kailan ka naging Judge para husgahan ako? It's just a fucking lipstick from a whore!" Bulalas ni Ric.
"Then who's Jinkx? May ibang babae ka na inuuwian!? Tell me!"
Hindi nakakibo si Ric at yumuko. "Ano, ginigisa na ba kita sa sarili mong mantika? Who is she?!" Para bang hinahamon ni Regine ng away si Ric at ito lamang ang paraan niya upang umamin ito.
"Nakitext lang si Baron sa'kin," mahinahon na sinabi ni Ric.
"Who's Baron?" Nagpameywang si Regine at tinaas ang kilay.
"My secretary Regine! That was Baron's wife!" Bulalas nito, para bang umamo ang mga mata ni Regine..
"S-so, you didn't cheat?"
"Wala ka lang tiwala sa'kin. I will never do that Regine," napabuntong-hininga si Ric at umiling.
"I'm sorry!" Bulalas ni Regine at hinagkan ang asawa.
"A-ako pala ang nanloloko sa'yo," mga salitang nasa isip ni Regine.
Natatakot siya dahil ayaw niyang matuklasan ito ng kanyang asawa.
Makalipas ang ilang linggo, ngayon lamang nagkita si Regine at Gracia. Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Regine sa kanyang kaibigan.
"Wow! Akala ko naman may magbabago sa'yo! Bakit sabukot ka pa rin?"
"Hindi ako niloloko ni Ric. Mali lahat ng pagbibintang ko Gracia. Na gu-guilty ako sa nangyayari! Ako ang nanloko sa kanya. I gave my virginity to Arthur," seryosong paglalahad nito.
"Arthur, the twenty-one year old hunk! Teka nga? You mean kinompronta mo na ang butihin mong asawa?"
"Oo, tinawanan lang niya ako. He said, secretary niya raw ang nakitext sa kanya at hindi siya. Nagbasa kasi ako ng inbox niya," wika ni Regine.
"Boba! Bakit mo agad sinabi! Hindi pa rin ako naniniwala na makikitext ang secretary niya sa kanya! My gosh! Ang dali mo naman paikutin! Kung ako ang asawa ni Ric. Hindi ako basta-bastang maniniwala," galit na sinabi ni Gracia.
"Ay! Bahala ka Gracia! Basta okay kami ni Ric. Ako lang ang gumawa ng mali at hindi ko na uulitin 'yon!"
Sa kabilang dako, umingay bigla ang pangalan ni Arthur sa media gawa ng kasong ikinalat ni Camaia.
"I hate this woman! Pagkatapos ko siyang mahalin ganito ang gagawin niya!" Sigaw ni Arthur at binato ang remote control. Napailag ang pamangkin niya dahil kamuntik na itong tamaan.

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomanceRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...