Climax 55
Pinagluto lamang ni Regine si Arthur at hanggang sa pangalang araw magmula lumipas ang pagkikita ni Efinia at Arthur, wala pa rin itong kibo. Hindi rin nagku-kwento ang nobyo niya. Gustuhin man niyang itanong pero nananatili pa rin ang respeto niya at hinihintay na mismong si Arthur ang magsabi.
Habang hinahapag niya ang plato, nabigla siya dahil sa paghatak nito sabay ang mahigpit na hagkan mula kay Arthur. Tumaas ang kaliwang kamay ni Regine at hinaplos ang buhok nito. Taas baba at dumako ito sa kanyang likuran. Ilang sandali at narinig niya ang hikbi nito.
"Arthur," hinarap niya ang mukha nito at pinagmasdan.
"I'm happy. I'm fucking happy," saad nito at biglang ngumiti habang may luha sa mga mata. Yumuko si Regine at hinalikan ang kaliwang pisngi ni Arthur at pati na ang kanan.
"Umiiyak ang angry bird kong Hubby."
"Alam kong narinig niyo ni Gracia ang lahat. Sa lakas at laki ng boses ako, narinig mo lahat."
"I'm happy for you, Arthur! Kumpleto ka na, may Mommy at may Wifey. Kailan mo ako pakakasalan?" mataray na giit ni Regine.
"Secret kung kailan. I wanna make love with you tonight, but natatakot ako for kay baby," pilyong sinabi ni Arthur.
"Me too, I want you Arthur. Init na init na ako," pagbibiro ni Regine pero sineryoso ni Arthur.
"Halika, dahan-dahan lang. May pinanood ako sa internet, he safest way for making love while pregnant."
"Hoy, biro lang. Maaga pa tayo bukas! Remember, contest na!" Tinapik niya ang kamay ni Arthur na patuloy sa paglilibot sa kanyang katawan.
"Grabe nakakatemp naman itong lalaking 'to! Nag-iinit na talaga ako! Kung hindi lang ako buntis Arthur hanggang round twelve tayo," bulong ni Regine sa kanyang sarili.
The International Ceramic Festival
Dumating ang araw at pinakahihintay ni Regine at Gracia. Ang patimpalak at tutupad sa pangarap ni Regine. Pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob ng event center dahil nakahawak sa baywang niya si Arthur. Alam ng lahat na hindi na tagapagmana si Arthur ng isa sa Lavigne Group of Companies, lalong mukha lang itong ordinaryo.
"Bakit hindi ka nagsuot ng formal Arthur?" bulong ni Regine sa kanya.
"Ayoko, komportable ako sa ganitong istura," tugon ni Arthur kay Regine.
Ayaw niyang bitiwan ang kamay nito dahil ramdam niya ang kaba at tensyon sa patimpalak. Nasilayan niya lahat ng mga proyektong gawa ng ibang artist, pati na rin ang ibang international contestant na namamalagi na sa Pilipinas.
"Brother!"
Nagulat si Arthur dahil nakita niya ang dalawang Kuya. Aiden, wearing a white close neck polo habang si Austine na naka v-neck shirt at mukhang napadaan lang, habang si Arthur at mukhang rakista. Napangiti si Regine dahil sinalubong siya ng halik ni Archer.
"Ang gwapo-gwapo naman ng baby Archer namin!" Halos papakin na ng halik ni Regine si Archer.
"Ang ganda niyo po talaga Tita Mommy! And Tito! You are not wearing a suit! Hindi bali at terno kayo ni Dad, except Father Aiden!" Masayang sambit ni Archer.
"You look happy Brother huh?" aniya ni Austine kay Arthur. Napatingin lang sila kay Aiden at bitbit si Archer.
"I'm complete, fucking complete. Pumunta ka sa kasal ko," pag-iimbita nito.
"Mauuna ka pang ikasal sa'min?!"Halos lumabas na ang ngala-ngala ni Austine sa sobrang galak.
"Ikaw din naman diba?" Pabatong pagtatanong ni Arthur kay Austine.

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomansaRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...