Climax 9
Sa pagbiling ni Regine, sahig ang kanyang hinarap. Napahawak siya sa kanyang sintido dahil sa sobrang sakit ng ulo niya. Magulo ang buong kama, lalo na ang buhok niyang mukhang sinabunutan. Tila mukhang na kuryente ang babae. Pagdilat ng mga mata niya. “Wah!" Isang lakas na tili ang ang umalingawngaw sa buong unit.
Napatayo siya at hinatak ang kumot na bumabalot sa hubad niyang katawan. Napalingon siya sa sahig at nakita ang damit niyang soot kagabi.
"What did I do?! Asaan ako?!"
Paikot-ikot siya sa paligid at mukhang masisiraan na ng bait si Regine. Wala siyang makita na kahit anong impormasyon na pwedeng malaman tungkol sa may-ari ng unit na ito. Napadako siya sa glass window ng unit at nakita niya ang naglalakihang gusali.
"Anong ginawa ko? Kanino ako nakipags--- fuck! No, my virginity!"
Halos mangiyak-ngiyak siya habang sumasagi sa isip niya ang mukha ng kanyang asawang si Ric. Tumakbo siya at kinuha ang damit na nagkalat sa sahig, hinablot din niya ang coat na nakadikit sa dress niya. Walang paghihilamos at lumabas siya ng unit.
Nagtatakbo si Regine kahit na wala siyang suot na sapatos. Napatingin siya sa salamin ng elevator at nakita niya ang dalawang kiss mark sa leeg.
"Bastos! Bakit may chikinini ako! Sinong lalaki 'yon? Paano kung dirty old man? No!" Pinagtatampal niya ang kanyang sarili. Nakuha niyang makalabas ng condo at habang nasa loob siya ng taxi. Hindi siya mapakali at nararamdaman niya ang hapdi sa ibabang parte ng katawan.
"Sore as fuck, Regine. Anong ginagawa mo?" Halos maluha-luha na ang mga mata niya kakaisip. Tanging sumasagi lang sa isip niya kung paano siya halikan ng lalaking kasama kagabe. Napapikit siya at inaalala ang mukha ng lalaki.
"A guy with, big-big, huge. Oh, Regine David!" Kinusot niya ang mata at muling kumalat ang eyeliner.
Nang marating na niya ang bahay nila ni Ric, tumakbo agad siya papasok sa kuwarto niya. Nagulat siya sa sarili at nakita ang mata niyang nangingitim. Hinilamusan niya ang sarili at pilit kinuskos ang nagkalat na make-up sa mata. Sa pag-alis niya ng kanyang damit, nakita niya ang ilang marka sa dibdib niya.
"Not just one, but four, five, six?!" Halos malaglag ang panga niya at mamula ang buong pisngi dahil pinagtatampal niya ang sarili.
"Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?! Paano kung umuwi si Ric? What if he ask me for sex? How? Paano kung makita niya ang mga ito? Hindi naman 'to mukhang kagat ng lamok? Mukhang kagat ng kalandian!" Sigaw niya. Kung ano-anong sabon ang pinahid niya sa katawan, lalo na ang feminine wash.
"What if he has STD? Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?" Patuloy ang pangangamba na kanyang nararamdaman pagkatapos sinabunutan ang sarili.
Makalipas ang isang oras, narating ni Regine ang Pottery at halos lahat ng trabaho ay inako niya. Gusto niyang maging busy, ayaw na ayaw niyang sumagi ni isang porsyento ang pagkakamali niya kagabi.
"Wow, nasa Baguio ka ba? Bakit lamig na lamig ka yata?"pang-aasar ni Gracia at tinabihan siya ng kaibigan na may bitbit na halaman. Hindi kumibo si Regine at napayuko. "May lagnat ka ba? Bakit balot na balot ka Regine?" pangungulit ni Gracia ngunit umiwas si Regine.
Suot lamang niya ay turtle neck long sleeves at parachute pants. "Wala, malamok," pagdadahlan niya kay Gracia.
"Sus, nga pala! May nakilala akong boylet kagabi! Hindi naman siya dirty old man. Pero may edad na!"
"Pwede ba? Huwag mong iparinig 'yan sa'kin!
"Huy, okay ka lang? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak Regine?"
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo," pagluha niya at hindi mapalagay.
"Ano nga! Kinakabahan sako sa'yo!"
"May kagagahan akong ginawa. One night stand with someone, someone I don't fucking know!” Giit ni Regine. Natigilan si Gracia at tila kinakalkula ni Regine ang reaksyon ng kaibigan.
"Pinaliguan niya ako ng chikinini sa katawan!" Pagtatapat ni Regime.
"Hindi ko alam kung masaya ba or matatakot? Masaya ako kasi nag-enjoy ka kagabi. Pero, paano kung magsiping kayo ni Ric? Mula noon alam niyang birhen ka pa! Attorney pa naman din ang asawa mo," pangangamba ni Gracia. Mas lalong umiyak si Regine at hindi na niya napigilan ang sobrang kaba sa kanyang dibdib.
"Hindi ko alam kung paano, ayoko nang uminom Gracia! Paano kung nabuntis ako doon?"
"Saan ka ba niya dinala? Sa palagay mo dirty old man ba? Dugyot o payatot lang? Malaki ba? Pinunit niya ba ang tulog mong katawang lupa?" nakakalokang sinabi ng kaibigan.
"Natatandaan ko lang," pumikit si Regine at biglang dumilat. "Kasing laki niya 'yang pintuan. Kanina sa taxi, natandaan ko na hindi siya dirty old man. Gwapo ang boses, malaki ang katawan. Malaki pa kay Ric," pagkukuwento niya.
"Wow! Ang tangkad! Warak ka nga girl! Lakas! Dream boy!"
"Tigilan mo ako! Natatakot ako! Paano kung malaman ni Ric? Paano kung kasuhan niya ako? Mahal ko ang asawa ko," para bang kakainin na siya ng konsensya dahil sa kasalanang ginawa.
"Alam ko lang mahal mo si Ric. Pero hindi pa rin ako nakakasiguro na mahal ka niya ng buong buo, Regine. Kapag umuwi siya, kausapin mo siya. Ayusin niyo ang relasyon niyong dalawa. Kung kaya pa, kung gusto naman niya. Magmasid ka kung ano ang pinagkakaabalahan niya," pagpayo niya habang hinahaplos ang likuran nito
"Ni isang text at call, wala siyang iniwam.”
"Aba matindi! Ano ba ang problema ni Ric? Tumatanda na siya bakit hindi pa siya magtino! Kahit pinapakitaan ka niya ng concern, 'yang pa-show off niya na parang huwarang asawa, iba pa rin kapag nasa malayo siya. Doon mo makikita kung namimiss ka ba niya, 'yung bang lagi siyang nag-uupdate kung kumusta ka," halos nanggagalaiti si Gracia sa kalokohan na ginagawa ni Ric. Napayuko nalang si Regine at kinuha ang cellphone
"Basta pag-uwi ni---" Hindi natuloy ang sasabihin ni Gracia nang biglang tumunog ang cellphone ni Regine.
"Sino?" Pabulong na pagtatanong ni ni Gracia.
"Hindi ko kilala?" Sagot niya at walang ideya kung kaninong numero ang tumatawag sa kanya. Lumayo siya ng kaunti at sinagot ang tawag.
"Hello po," pagsagot niya
"Babe!" Boses ni Ric.
“Ric! I miss you! Bakit ngayon ka lang tumawag!" Kumulay ang madilim na mukha ni Regine nang marinig ang boses ng asawa sa kabilang linya.
"Sorry, I've been so busy. Wala pa akong pahinga, nakikiusap sana ako. May examination ang mga estudyante ko bukas. Nasa flash drive sa cabinet ko ang exams nila. Ipapasuyo ko sana sa'yo," utos ni Ric.
"Really? Oh sige, ako na lang ang bahala. Detailed ba ang file? Para mahanap ko agad," pilit niyang siniyahan ang boses upang hindi mahalata ang kalungkutan niya.
"Yeah, nandoon na lahat at detailed. Thank you Regine," sagot ni Ric mula sa kabilang linya.
"Kailan ka uuwi?" Biglang pagsingit ni Regine.
"I'll just update you. Huwag mong kakalimutang kuma---Gotta Go! May aasikasuhin na ako," Mabilis na sinabi ni Ric.
"I lov--" Hindi na natuloy ni Regine ang sasabihin dahil sa biglang naputol ang linya.
"What?" Gracia uttered.
Umiyak lang si Regine at hinagkan ang kaibigan. "Nararamdaman kong may iba siya. Iba ang pananalita niya, iba ang tono ng boses niya. Hindi siya gaanon kapag matagal kaming hindi nag-usap."

BINABASA MO ANG
Reaching her Climax
RomansaRegine dreamt of becoming a mother and wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regi...