Climax 39

1.2K 93 21
                                    

Climax 39

Habang hinihigop ni Arthur ang mainit na kape, napatingin siya sa kanyang cellphone at nakita ang mensaheng iniwan ni Regine.

"Arthur, huwag ka naman angry bird. I'm sorry, sana mag-usap man lang tayo. Hindi 'yung ganito na hindi ka nagpaparamdam. Please? Puntahan mo naman ako sa rent to own property ni Gracia, hinahanap ka ni baby."

Hindi niya maiwasan na mapangiti at kinagat ang ibabang labi. Muling umilaw ang cellphone niya at nakita mensahe na iniwan ni Regine ungkol sa lugar kung nasaan siya ngayon.

"I can't imagine. Tatay na ako, lalong sa taong mahal ko pa. The right person in the wrong situation."

Niligpit niya ang mga dokumentong inaaral at kinuha ang jacket. Gusto niyang makita ang nobya, hindi rin niya matiis na magalit dito. Lalong ayaw niyang sumama ang loob ng kanyang nobya. Bahagya niyang binuksan ang kanyang pintuan sa kwarto at dali-daling lumabas ng bahay. Sakay ng kotseng kulay puti at ito'y pagmamay-ari ng Kuya niyang si Austine. Bago siya tuluyang lumabas ng gate. Nag-iwan siya ng mensahe kay Regine.

Tumatalbog na parang bola ang puso ni Regine habang papalapit sa pintuan. Bumaling ang atensyon niya sa umilaw na cellphone. Lumapit siya muli sa kama at halos masubsob pa siya dahil sa sobrang dilim ng paligid.

"Papunta na ako, hintayin mo ako."

Napalingon si Regine sa nakikita niyang shadow sa bintana at naging dalawang tao ito. Halos manigas ang kanyang katawan at nanginginig na tinawagan si Arthur.

"Hello baby," sagot ni Arthur.

"Help me, please! May dalawang lalaki sa labas ng bahay," pabulong at takot na takot si Regine. Hindi siya makapag-isip kung ano ang dapat gawin.

"Don't open the door! Wait for me!" Bulalas ni Arthur.

Halos naging express way ang kalsada dahil sa sobra niyang pagmamadali. Alam niya kung sino ang pwedeng ituro sa ganitong pangyayari.

"Dirty job mother fucking Ric," galit na pinahurot niya ang sasakyan.

Nagulat si Regine nang marinig niya ang doorknob na tila'y kinakalas. Nawala ang boses at tapang niya sa sobrang takot. Yakap niya ang unan at hawak ang sinapupunan.

"Please, Arthur dumating ka na," umiiyak at nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa nangyayari. Ilang sandali, muling kinakalas ang kanyang pintuan. Napadilat si Regine at tumayo upang itulak ang lamesa. "

"Help!" Sigaw niya.

Hindi tumigil ang dalawang lalaki at mas sinira pa ang doorknob niya.

"Tulong! Somebody help me!" Patuloy ang sigaw ni Regine ngunit hindi nagpatinag ang dalawang lalaki sa labas ng kanyang bahay.

"Tama na!" Pagsigaw niya dahil nabuksan ang kanyang pintuan. Halos maubos ang lakas ni Regine dahil sa walang tigil na pagtulak ng dalawang lalaki sa pintuan niya. Nakaramdam ng kirot si Regine sa kanyang puson at dumagdag pa ang teynga na tumunog ng napakalakas. Nabitiwan niya ang lamesa at napaupo sa sahig. Pumasok ang dalawang lalaki at hitak siya na parang basahan.

"Tulong!" Sigaw niya.

"Hanapin mo ang pakay natin!" Utos ng isang lalaki.

"Bitiwan mo sabi!" Paglaban ni Regine at pinagsasampal ang lalaking may hawak sa leeg niya.

"Ayaw mong tumigil ha!" Akmang susuntukin siya nito sa sikmura pero ito'y napigilan ni Arthur. Sa laki ng katawan at tangkad ng binata, halos malampaso ang dalawa sa sahig. Hindi binuksan ni Arthur ang ilaw at nanatiling madilim ang paligid. Nakuha niyang mapatumba ang dalawa at pinosas ang isang lalaki. Habang ang isa ay kanyang inupuan.

"Tell me, who the hell is your boss?!" Napatigigil sa pagluha si Regine nang marinig ang boses ni Arthur.

"Wala! Huwag kang makialam!" Sigaw nito at pilit kumakawala.

"Magkano ang binayad sa'yo! Sasagot ka ba o papatayin kita!" Natakot si Regine dahil parang kulog na dumagundong ang boses ni Arthur.

"You can't pay us!"

"Tell me, who is your boss? I'll give you two hundred thousand or a million kapalit ng pagkanta mo!"

Sa kahit anong pagpupumilit ni Arthur. Wala siyang nakuhang sagot. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang kaibigan.

"Regine, pick-up your things, most especially the documents," utos ni Arthur sa kanya. Isang malakas na suntok ang natanggap ng dalawang lalaki upang ito'y mawalan ng malay. Binuksan ni Arthur ang ilaw at nakita si Regine na nakayuko habang nakaupo sa sahig. Tinakpan ni Arthur ang mukha at pinulot ang gamit ni Regine. Sinigurado niyang walang naiwan na importanteng dokumento laban kay Ric sa apartment na ito.

Ilang minuto lamang ang hinintay nila at dumating na ang tatlong tao mula sa kaibigan na tinawagan ni Arthur.

Kayo na ang bahala. Text me the details," utos niya rito. Binuhat niya si Regine at mahigpit itong humawak sa kanya. "Let's go home Regine, I will not let anyone hurt you again. Never again," mariin nitong sinabi at isinakay si Regine sa saskayan nito.

Dumiretso ng Tagaytay si Arthur at Regine. Ito lang ang kanyang option na mapagtataguan nilang dalawa. Buhat-buhat niya pa rin ito hanggang sa mailapag sa kama.

"Huwag mo akong iiwan," halata sa boses ni Regine ang panginginig at takot.

"Yes, I will not leave you." Hinalikan niya ito at kinumutan. Tumayo si Arthur upang kunin ang maleta ni Regine sa kotse. Sa kanyang nakita, napansin niya na nalukot ang mga dokumento nito.

"Pakiramdam ko, ito ang pakay nila sa'yo. Hindi kalaunan, matutuklasan ko rin ang baho mo Ricardo," bulong ni Arthur.

Sa kanyang pagbalik, nakita niya si Regine na natutulog na ng payapa.

Lumabas siya ng kwarto at diretso sa library. Pinirmahan niya lahat ng dokumento na kinakailangan.

"This is the best thing that I can do as a Father," pagngiti niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na isa na siyang Tatay. "Magiging mabuti akong Ama. Gusto kong maging healthy ang anak namin. Lalo na si Regine, busog ka lagi sa hotdog," pagtawa niya.

******

Napansin niya ang mensahe mula sa mga taong kanyang binayaran.

Halos mabali ang hawak niyang pluma dahil sa sobrang nanggagalaiti.

"Bobo!" Sigaw ni Ric. "Wala na bang matalino na pwede mong utusan Jinx?!" Dagdag ni Ric sa kanyang kalaguyo. Tiningnan din ni Jinx ang cellphone ni Ric at binasa ang mensahe na iniwan sa kanila ng boss na kanilang binayaran upang magpadala ng tao sa apartment kung nasaan si Regine.

"Sila na ang pinakamahusay na kilala ko! Hindi ko halos akalain na mauuwi sila sa kulungan!" Kabadong sagot nito.

"Kumanta ba?" tanong nito. Tumango si Jinx at nagulat siya dahil binato ni Ric ang Whisky.

"Ric ano ba!" Galit na pagsigaw niya.

"Jinx?! Can't you imagine? Kumanta ang mga tao niya! Kilala nila ako diba? Paano kung tinuro nila ako kapag ginipit pa sila ng taong tumulong kay Regine?! Masisira ang pangalan ko! Masisira ako ng tuluyan! Mawawalan ako ng lisensya! Pwede rin akong makulong!" Sinabunutan ni Ric ang kanyang sarili at sinuntok ang pader. "Who's that fucking guy! Alam kong related siya kay Regine! Alam kong iyon ang kalaguyo niya! Hindi ako basta pwedeng maisahan ng tulad niya! Mas matalino ako kay Regine! Kailangan ko siyang maunahan!" dagdag niya.

"I'll help you Ric! Attorney ka! Bawat sulok ng batas alam mo! Hindi ka basta maiisihan ng tulad ni Regine. Wala ngang alam 'yon, masipag lang siya mag-aral pero napaka boba niya. Labindalawang taon na napaka tanga," pagtawa ni Jinx.

Hindi kumibo si Ric at muling uminom ng ibang alak. "I need all my documents, Jinx! Baka may nasingit na dokumento doon! Kaya natatakot ako! It can ruin my plans! Our plans, babe! "

"Anong dokumento 'yan?"

"Our contract."

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon