Climax 36

1.3K 90 19
                                    

Climax 36

Buhat-buhat ni Arthur si Regine habang sila'y nasa loob nang elevator. Hindi pa rin ito tumitigil at patuloy pa rin sa pag-iyak. Nanginginig ang kamay nito habang nakahawak sa damit niya. Nang marating nila ang unit, mabilis niyang kinumutan ang babae at nais din niyang kumuha ng damit.

"Papalitan na kita ng damit," sambit ni Arthur at hindi niya alam kung paano sisimulan patahanin ang babae.

"Huwag mo akong iiwan," pakikiusap at hinatak siya.

Napansin niya ang pulso nitong namumula.

"I will kill your fucking husband, Regine!" Sigaw nito habang nakayuko ito. Nakita niya ang damit nitong sira-sira at si Arthur na mismo ang nagpalit sa damit niya.

"Hintayin mo ako rito, magpapalit lang din ako, " wika nito. Hinatak ni Regine ang damit niya. Tila ayaw niyang palayuin ang binata sa tabi niya.

"Please huwag mo akong iwan. Baka bumalik siya, sasaktan niya ako ulit, " paghagulgol nito.

"As long as I am with you, no one can hurt you. Stop crying. I can't bear to see you like that. Hindi kita napagtanggol, dapat hindi kita iniwan! Dapat pinaglaban kita," bakas sa boses ni Arthur ang pagkakagalit sa sarili.

"I love you Arthur. Mahal na mahal kita."

"Mahal kita Regine. Hindi na mauulit ito, hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag sinaktan ka pa ni Ric!"

Sa pagpasok niya ng banyo, hindi napigilan ni Arthur na muling suntukin ang pader. Galit na galit siya sa sarili dahil sa kaduwagan niyang ginawa.

"I'm so selfish. Hindi ko dapat hinayaan na saktan niya si Regine. Paano kung ni-rape niya si Regine? Paano kung binaboy niya ito? Fuck, Arthur Lavigne!" Minura niya ang sarili at umisa pa sa pagsuntok. "Matutuklasan ko lahat ng tinatago mo Ric. I will not let you win. I will slowly overthrow you, son of a gun."

Hindi mawala sa mga mata ni Regine ang patuloy na pagtutubig nito. Lalo na ang katawan niyang wala pa rin tigil sa panginginig. Wala rin humpay sa pagbahing ang babae. Panay singhot at tinalukbungan na niya ang sarili.

"Regine, kakasuhan ko ang asawa mo," seryosong sinabi nito.

"Huwag, huwag na Arthur," wika niya.

"Anong huwag? Sinaktan ka niya, alam ko pinilit ka niyang makipagtalik, tama ba? Kailangan niyang ma-disbar!"

"No, kakasuhan niya ako pabalik. He will file a case against me and you. Huwag ka nang makialam," sinabi ni Regine.

"Makialam?! Sinaktan ka niya! Babasagin ko ang bungo niya."

"Arthur, baka nakakalimutan mong Attorney mo siya. You still have a second hearing. Kapag nalaman niyang ikaw ang karelasyon ko, baka ilaglag ka niya. Kilala ko si Ric. Magaling siyang magpa-ikot ng batas," paglalahad ni Regine.

"Pa-ikot? Walang pwedeng magpa-ikot sa'kin. Hindi niya ako kilala, marami akong kayang gawin," pagbabanta ni Arthur.

"Arthur, please," hinawakan niya ang mukha nito.

"Mainit ka!" bulalas nito at hinawakan ang leeg ni Arthur.

"Ayos lang ako," aniya ni Regine.

"Hindi! May lagnat ka! You stay there! Kumain ka bago uminom ng gamot," muling sinabi ni Arthur. Aligaga ang binata at lalong sinusulyapan ni Regine ang mukha nitong halatang-halata ang pag-aalala sa kanya. Sinubukan niyang tumayo, at dahan-dahan na pumunta papalapit kay Arthur.

"Sinabing huwag kang tatayo!"

"Magto-toothbrush ako," sambit ni Regine.

"Huwag na! Hahalikan naman kita kahit mabaho ang hininga mo."

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon