Walang KJ ha!

2.4K 36 21
                                    


Ang Manliligaw Kong Bully Book VI

Chrien Ross Point of View

"Tara. Hatid na kita sa first subject mo" kasunod nun ay ang pag-akbay sakin ni Oah.

First year college na kami ni Oah kaso magkaiba kami ng school na pinapasukan. Dito ako sa dating eskwelahan ni Kuya Den. San Sebastian College Recoletos de Cavite.

Ilan taon na rin kami ni Oah. Mas naging sobrang lambing nga niya sakin simula nung nagpasya na kaming pasukin ang ganitong uri ng relasyon. Bestfriends to lovers. Lagi siyang nasa bahay namin at kulang nalang ay sa bahay na siya tumira dahil mas matagal ang ginugugol niyang oras samin. Napag-usapan na rin namin ni Oah yung tungkol kay Kuya Justin. Hindi naman niya ako pinagbabawalan makipaglapit o makipag-usap kay Kuya Justin basta alam ko lang daw ang limitasyon ko. Hindi rin kasi maiiwasan dahil minsan ay sinasama ako ni Kuya Den sa lakad ng pamilyang Gabriel.

"Huwag na. Kaya ko na ito. Lakad na pumasok ka na rin. Siguradong late ka nanaman" sagot ko sa kanya. Mag-aalas otso na kasi. Ang alam ko 7:30am ang start ng klase ni Oah.

"Huwag ka ng tumanggi. Malapit nanaman tayo sa room mo eh" sabi niya at inilapit niya ulo ko sa balikat niya sa pamamagitan ng pagkakakbay niya sakin. Mas tumangkad na nga si Oah ngayon eh. O baka naman ako lang ang literal na lumiliit? Hanggang balikat lang kasi ako ni Oah.

In-slide ko na ang sliding door ng room namin. Hindi nanaman ito ang first day kaya medyo may mga kakilala na ako sa mga bago kong kaklase. Aktong hahakbang na ako papasok nung biglang hinila ni Oah ang kamay ko.

"Parang may kulang yata?" pagtatakang tanong ni Oah habang nakatuon sakin ang atensyon niya.

"Ha?" takang patanong na sagot ko rin.

Maliksi siyang lumapit sakin at pinagdikit niya ang labi naming dalawa.

"Hindi dapat yun kinakalimutan. Labyu Ien" sabi niya at nagsimula na siyang tumakbo papalayo sakin.

Tinuloy ko na ang paghakbang ko papasok sa loob at hindi na ako tumingin sa sliding door. Basta ko nalang itong in-slide pasara.

"Ouch! Oyy Teka lang. Nahalikan ka lang naging brutal ka na" narinig ko mula sa likuran ko.

"Ayy sorry. Hindi kita nakita"

"Hindi mo talaga ako makikita. Nakatalikod ka ee" sagot niya pero ramdam ko ang pabirong tono sa pananalita niya.

"Oyy Jairus! Late ka nanaman!" sigaw na narinig ko mula sa likurang bahagi ng room namin.

(Jairus Cael Castillo "One More Chance" Kapatid ni Ashton Clarence)

"Hindi ako late. Sadya lang maaga kayong pumasok" sagot naman niya at dumiretso na siya ng lakad sa likuran.

"Oyy Chrien napakatalande mo talaga. Nakita ko iyong lampungan niyo ni Papa Noah mo sa pintuan" singit naman ni Jovi. Bago kong kaibigan at kaklase. Nasa ibang school kasi si Rizza kaya bihira na kami magpangita.

"Tumigil ka nga diyan. Nakakahiya. Baka marinig ka nila" suway ko sa kanya at hnila ko na ang kamay niya papunta sa upuan namin.

"Kahit ba marinig nila sinasabe ko, e nakita naman naming lahat ang laplapan niyo niyo ni Noah!" pambabara niya sakin dahilan para magtawanan ang iba pa naming kaklase.

Bumalik na sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko nung pumasok na dito sa loob ng room namin si Sir Mendoza. Nagsimula ng magdiscuss ni Sir Mendoza. General Psychology. Brain composition ang function. Lahat kami tahimik at nakapokus lang kay Sir Mendoza na paikot ikot sa paligid namin. Ganyan talaga ang prof na iyan. Nagdidiscuss habang naglalakad. Sinisigurado niya yatang lahat kami ay nakikinig.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon