Pagkapasok ko sa Milestone ay agad akong dumiretso sa Cafeteria. Hindi pa kasi ako nag aalmusal at mamaya pa ang klase ko. Ayoko rin namang umakyat agad roon dahil wala akong ibang gagawin kung hindi tumunganga at maghintay ng prof dahil wala naman akong pwedeng samahan na kaibigan.
Si Elle lang talaga ang naging kaibigan ko rito sa Milestone simula ng lumipat ako rito pero dahil sa iisang lalaki nasira ang pagkakaibigan namin.
Agad akong pumasok sa Cafeteria at naghanap ng mauupuan. Doon ako pumwesto sa gilid at medyo tagong pwesto para hindi naman ako kapansin pansin.
Nasa kalagitaan ako ng pagkain ko ng makita ko sina Pia sa harapan ko kasama ang apat nyang mga kaibigan.
"You're alone" aniya. Diba obvious? Baka may nakikita pa siyang iba kong kasama. "Can we sit here din?"
"Yah... Matatapos na rin naman ako." sabi ko saka tumungo at muling kumain.
Patayo na ako ng pigilan ako ni Ria at muling paupuin sa tabi niya.
"Stay here..."
"Hindi may klase pa kasi ako eh" naiilang na sagot ko. Ano naman kasi sa kanila kung umalis na ako?
"Ang boring mo naman Janica... Stay here and let's play truth or dare" ani Mica saka tumingin kay Pia. "What do you think Pia?"
"Nice, may roulette app ako rito... Wait iadd ko lang yung name mo" aniya saka nag pipindot sa phone niya. "Okay, let's start!"
Iniharap niya sa amin ang phone habang umiikot ang roleta. Tumingin ako sa malayo dahil wala rin naman ako sa mood makipag laro sa kanila.
"Janica! Lucky!" ani Ria saka tumingin sa akin.
"Truth or dare?" tanong ni Pia. Alam ko na ang itatanong nila sa akin kaya hindi ko pipiliin ang Truth.
"Dare"
"Matapang!" sabi ni Aila. "Pia ako na ah!"
"Oh sure girl" sagot ni Pia.
Lumingon lingon pa si Aila sa loob ng Cafeteria na para bang nag hahanap ng pag didiskitahan.
"Gotcha! Nakikita mo yun?" aniya sabay turo sa isang lalaking nakaputing polo at nag lalakad pa pasok ng Cafeteria. "Puntahan mo tas kunin mo yung number... Pogi eh..."
"P-pero" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay itinulak na nila ako patayo kaya wala akong nagawa kundi puntahan ang lalaking nakaupo sa may unahan.
Binagalan ko talaga ang hakbang ko dahil hindi ko pa alam ang sasabihin at gagawin kapag nasa harapan na siya.
Hindi ko siya napapansin dito sa Milestone kaya iniisip kong transfer siya. Kahit nasa malayo ay kitang kita ko na ang magagandang features niya.
Matangkad siya, mukha hindi gaanong nalalayo ang edad sa akin, matangos ang ilong, medyo maputi, nakasalamin at maamo ang mukha... Masasabi kong perpekto.
"Excuse me?" para akong binuhusan ng tubig ng marinig ko ang snap niya. Nagulat ako ng mapansin na nasa harapan ko na siya. "What do you need?"
"Ahem, Ah- ano kase... Uhm, may girlfriend ka ba?" pautal utal kong tanong. Agad na nag salubong ang kilay niya, bahagya niyang itinabingi ang ulo at ipinag krus ang braso.
"Wala"
Nilinis ko ang lalamunan atsaka huminga ng malalim... Babanat na ko.
"Kung hindi mo natatanong mahilig ako sa numbers" alam kong walang kwenta to pero ano pang magagawa ko eh nasabi ko na?
"So?"
"I collect them... Can I get yours too?" sabi ko. Nakita ko ang pag ngisi niya. Kinikilig ba siya o naaasiwa sa sinabi ko? Mukha namang maganda ah
"I'm sorry pero hindi" aniya saka tumayo at naglakad papalayo.
Ang suplado naman nun?
"Suplado!" sigaw ko sa kaniya. Napalunok ako kaagad ng bigla siyang lumingon sa akin.
Ang pogi kaso suplado! Kainis! Ang ganda ng banat ko eh... Kahit sino kikiligin dun!
Di niya siguro gets.
------------------------
Hey guys! Kung sino man po ang nag babasa nito o mag babasa nito. Humihingi na po agad ako ng pasensya sa mga errors na mababasa niyo. (Grammar, Typo, etc)
kung nabasa niyo na ang una kong story (The Game) kilala niyo na siguro si Janica Marisen Yap at may pahapyaw roon na mababasa niyo rin naman dito.
Lastly, special thanks to Angela Manapsal. Sa kaniya ko nakuha yung Idea. Thank you, thank you.
Elleoveyah All! <3
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...