JOURNEY 3

50 4 0
                                    

Chapter 3

Role

"Weird things are happening to you because you finally woke up."

Huh?

Parang wala yata akong naintindihan sa sinabi niya.

Kaya iyon nangyayari, ang mga weird na hindi ko maipaliwanag dahil nagising na ako? What? Eh gising na gising naman ako eh.

"Anong nagising? Ibig sabihin panaginip ko lang 'yung mga panahon na normal pa ang nangyayari sa paligid ko?" Litong lito kong tanong.

He sighed deeply at umiling. "No, you woke up. Narizzalyn already woke up kaya naghalo na kayong dalawa ni Narizz."

Napangiwi ako. Bakit wala man lang ang akong naintindihan.

"Alam mo Leon? Mas lalo lang akong mababaliw sa explanation mo eh. Can you please make it clear?" I said frustrated.

Tinitigan niya ako at saka siya bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

"Follow me."

Maigsi niyang sinabi bago naunang maglakad papasok ulit sa loob ng school.

Susundan ko ba siya? O hindi? Dapat ba akong magtiwala? O hindi?

Pero kailangang kailangan ko na talaga ng kasagutan. Tingin ko naman may alam talaga siya eh.

Pumasok siya sa library namin dahil iyon na lang ang naiwang bukas. Medyo dim na ang lights pagpasok namin. Hindi naman na kami tinanong pa ng librarian dahil nakita kong nakadukdok ito sa desk niya.

Mukhang malalim ang tulog ah? Hindi man lang kami napansin ni Leon na pumasok eh.

"Anong ginagawa natin dito?"

Mahina kong tanong habang nasa likod niya. Tahimik lang siya na naghanap ng libro sa shelf at hindi ako sinagot.

Huminto siya nang mapadpad na kami sa section na puro mga novel book ang nakalagay.

"Here." Kumuha siya ng isang libro at ipinakita iyon sa akin. "This novel book is like the the world we are currently living. Kung nasaan tayo ngayon, isa lamang itong libro."

Paliwanag niya na hindi ko kaagad naproseso sa utak ko.

Nang hindi ako nagsalita nilapitan niya ako at binuklat ang hawak niyang libro.

"'Diba sa isang story, may mga characters? Katulad nitong nasa libro. Bawat mga characters may role and ikaw ang role mo ay si Narizz Sy." Seryoso niyang dagdag paliwanag. Tinitigan ko siya, hinihintay na sabihin na nagbibiro lang siya pero nakipagsukatan lang siya ng tingin sa akin.  

Nagbibiro lang siya 'diba?

Tumawa ako at hinampas pa ang braso niya. "You're crazy! Nagbibiro ka lang 'diba?" Ani ko habang natatawa pa rin.

"I'm serious, we are inside the story, get that Narizzalyn?"

"Masyado na ang basa mo ng mga storya. Akala ko pa naman may makukuha akong sagot sa'yo."

"Ikaw ang bahala kung ayaw mo akong paniwalaan. But, we are not from here, galing tayo sa ibang mundo." Todo explain pa rin siya.

Hindi talaga siya nagbibiro? Seryoso ba talaga siya? O nasisiraan na siya ng bait?

"So, sinasabi mo na hindi tayo totoo?"

"No, they are the one who's not real." Tapos tinuro niya ang mga studyanteng nakaupo sa mga table doon habang may hawak na libro. Bakit parang hindi sila gumagalaw?

Pero wala akong panahon para problemahin sila ngayon.

"B-bakit? Pa'no? Saan mo nalaman ito?" tanong ko at binalingan ulit siya.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon