JOURNEY 5

40 4 11
                                    

Chapter 5

Regret

"How did you know your role Leon? Kasi ako nalilito na kung sino talaga ako."

"I told you, you are Narizzalyn. Nalilito ka pa ngayon kasi hindi mo pa nahahanap ng buo ang memories mo, but you need to accept that Narizz was not real. She's only a fictional character, even Leon. My character, matagal ko nang tinanggap na hindi siya totoo." Paliwanag niya na parang ayoko pa ring sang-ayunan.

"Bu,t why do I feel that I am her? Na ako pa rin si Narizz?"

"What you're feeling right is a mixture of two person in one body. Ganyan talaga sa simula, pero unti unti matatanggap mo na. Did you tried to see yourself in front of the mirror?" Saglit akong natigilan sa tanong niya.

Kalaunan ay tumango ako. Pa'no niyang nalaman? "Yes," mahina kong sinabi.

"And hindi ang mukha ni Narizz ang nakita mo, right?" Dahan dahan niyang tanong at tinagilid pa ang ulo para mas pagmasdan ako.

"Yes, another girl... iyon ba ang mukha ni Narizzalyn?" Nag-aalinlangan ko pang sinabi.

Nakagat ko naman ang labi ko nang tumango siya. "Explain more our situations, I need more explanation."

"Ano pa ba ang nagpapalito sa iyo?"

Lahat! Lahat ng nangyayari!

"When I am not with you. Napansin ko, minsan hindi ko nasasabi 'yung gusto kong sabihin. Kapag kasama lang kita saka ko nasasabi lahat ng gusto ko."

Honestly, iyon ang napansin ko mula pa noong mga nakaraang araw. At saka matagal bago ako mapunta sa ibang lugar.

Sumandal siya sa inuupuan niya pagkatapos ay diretso muli ang tingin sa akin. Yumuko ako saglit. Nahihiya na naman ako sa titig niya.

"I will give another example again. Para tayong nasa set or filming site ng mga pelikula or movies. We are the actors and actresses on that. Kapag hindi mo nasasabi iyong nasa isip mo o gusto mo talagang sabihin that's called on-camera because your only role is to deliver Narizz's lines, pero katulad ngayon na nasasabi mo lahat lahat ng gusto mo, thoughts mo as Narizz or Narizzalyn that's called off-camera. Gets?"

Tumango tango ako dahil kahit papaano ay naintindihan ko naman na iyon.

"And maybe kaya nangyayari lang ang off cam nang matagal kapag kasama mo ako because I'm special?" After he said that he chuckled. Mabilis naman akong lumingon sakanya.

"Kapal mo naman po!" Hindi ko mapigilan na hindi rin matawa pero sandali lang din iyon.

"Maybe because, isa ka rin sa mga hindi galing dito sa mundong ito?" Hindi siya sumagot dahil tumatawa pa rin siya pero baka nga iyon ang dahilan.

Minsan rin nasasabi ko ang nasa isip ko kapag kasama ko si Vann so ibig sabihin galing din kaya siya sa ibang mundo?

I keep calling him Vans so maybe... he is Vans?

"Vans..." I murmured his names. Ikinatigil iyon nang pagtawa ni Leon.

"What did you say?" He seriously asked wala na ang bakas nang tawa niya kanina.

"Huh?"

"You said a brand name of a shoes. Iyon ba iyon?"

Brand nga lang ba iyon ng sapatos? No... he is a person.

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang my nag flash na memory sa utak ko.

"Hey nerdy girl, can you do my assignments again? May party kasi kaming pupuntahan mamaya eh."

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon