JOURNEY 21

18 3 65
                                    

Chapter 21

Real and Ideal

"Welcome teachers, students and guests! Are you now ready to see all our beautiful and handsome contestants?" Masiglang bati ng teacher na host sa pageant na ito ngayon.

Sigawan ng mga estudyante ang maririnig sa loob ng auditorium at iba't-ibang ingay mula sa mga props nilang dala. Ang iba ay tunog ng tambol, iba ay makalansing na tunog ng pompiyang at ang iba naman ay maingay na ihip ng torotot.

We are now here on the backstage malapit sa entrance ng stage at mga nakapila. Puro babae ang nandito habang ang mga lalaki ay nasa kabilang parte ng stage.

Masisilip din mula rito ang halos punong audience sa auditorium na may hawak na mga banner ng pambato nila.

Yes, ganoon lang kabilis. The pageant is now happening. Hindi man lang ako napunta sa scene na nag practice sila Narizz at naghanda.

Basta bigla nalang nabago ang scene at narito na ako sa stage at taas noong nakatingin sa harapan ko habang nakahawak ang isang kamay sa baywang.

My right foot is half stretch in front while my left foot remain standing straight. A position of every model or a binibini in a pageant.

We are wearing a casual attire, white t-shirt na may print na 50th Golden Anniversay of Sors Jean University. And fitted high waist jeans, color navy. Simple make up and straight hair. I am also contestant number 4.

Sa loob loob ko, kinakabahan na talaga ako pero hindi ko magawang huminga ng malalim.

Don't panic Narizzalyn. Inhale, exhale.... Narizz got your back.

"Here are all the contestants on different grade level. Let's give around of applause. They will have simple performance! And we will now get to know them!" After isigaw ng teacher iyon ay nagsimula nang maglakad ang nasa harap paakyat ng stage kaya naman taas noo na akong rumampa.

Kinabahan pa ako dahil baka pangit ang rampa ko pero mukhang maayos naman ito.

Yes, muntik ko nang makalimutan na nasa scene ako and Narizz has a confidence to stand in front of many people without feeling nervous.

Nagsimulang magpakilala ang mga naunang contestants sa akin, salitan ang babae at lalaki hanggang sa turn ko na.

"Narizz Sy, 17! From Humanities and Social Sciences!" May accent ang pagkakasabi ko noon at malakas na rining ng lahat. Malakas rin na sigawan ang narinig ko after kong sabihin iyon.

Rumampa ulit ako at biglang nagtama ang tingin namin ni Leila. Kaya napahinto ako saglit sa paglalakad.

Oh, kasama rin pala siya... at magkasunod lang sila ng number ni Narizz. Pang lima siya at nasa harap ko na siya ngayon.

She is smirking at me. At ang mga ganitong ngiti ay may masamang balak.

Hindi nga ako nagkamali, nang makapunta na ako sa tapat niya napansin kong nakastretch ang isa niyang paa. Akmang papatidin ako. But since Narizz saw it, binaliktad niya ang gustong mangyari ni Leila.

Nagsimula kaming rumampa pareho, tumaas ang gilid ng labi ko nang malihis ko ang paa ko sakanya kaya hindi niya nagawa ang balak niya at pagkarating sa likod niya mahina kong kinabig ng isang paa ko patalikod ang takong ng heels niya ng patago and boom! Leila slipped on the floor.

Tawanan ng mga students ang narinig ko after no'n.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginawa ni Narizz, sana ay hindi niya nalang pinatulan.

But oh well, this is Narizz. Palaban.

Pagkatapos ng lahat na magpakilala, rumampa ulit kaming lahat at nagbigay ng maiksing performance. Habang ginagawa ko iyon muntik pa akong magkamali nang makita si Vann na nakatitig sa akin. Nakapwesto siya malapit sa mga judge ng pageant na ito kaya nasa medyo harap siya.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon