Chapter 29
Court
"Ano pong gagawin ko rito ma'am?" Binalingan ko ulit si ma'am na pinagmamasdan lang ako.
Nang binuklat ko kanina ang book, blankong mga pahina lang ang nakita ko doon. Pero may pen na nakalagay din sa loob.
Dahan dahan siyang naglakad papunta sa akin pagkatapos ay sinalubong ang mga mata ko. "Do you believe in majic, Narizz?"
Mas lalong kumunot ang noo ko pero tumango. Yes, I believe in majic pero bakit bigla niyang naitanong iyon?
Kinuha niya ulit sa akin ang libro at binuklat buklat iyon. "What if I say that this book has a majic? Together with the pen? For example, if someone will write a story in here, he or she can go inside the story they created... maniniwala ka ba?"
Napakurap ako doon. "Po? Uhmm...." nagkamot ako ng ulo at nakagat ko pa ang labi ko. I don't know kung kapani-paniwala ba ang sinasabi ni ma'am ngayon. Pero what is the reason para magsinungaling siya?
"Hindi ko po alam ma'am," umiling ako. Gusto kong maniwala pero imposible naman yata iyon?
"I've watched you for years now, Narizz. Mula noong pagtapak mo palang dito sa school na ito. And mula noon, alam ko na gustong gusto mong tumaas ang self-confidence mo. Minsan ba hiniling mo sa sarili mo na maging ibang tao? Na sana... naging siya ka nalang?"
I slowly nodded. "Yes po..."
"Then this book suits for you. You love writing right? Then create your own story, your desired story. Malaya kang gawin kung sino ang gusto mong characters, plot or settings ng story mo. At kapag natapos mo itong story, you can go there and be your created character."
"Pero p-papaano po iyon ma'am? Is that even possible po?"
"Yes, in this book. Everything is possible."
"Pero po... kung sakaling pumasok po ako, pano po ako makakalabas ulit? Baka naman po makulong ako doon sa story?"
This is tempting you know? Hindi ko alam kung maniniwala ba talaga ako kay ma'am pero mukhang totoo naman eh. Kaya kailangan ko munang alamin kung hindi ako mapapahamak. Then kung wala namang mawawala sa akin.... why not try 'diba?
"There's a rule inside. First, all your memories in real world will be gone. Pero babalik naman iyon kapag natapos mo na ang story sa loob. Second, in order for you to not get trapped inside, your role in the story should be gone in the end. So the story must be a tragic ending. In that way makakalabas ka."
Napakurap ulit ako... Napaawang pa ang labi ko. It is really interesting.
"Ano? Are you going to try it?" Tanong ni ma'am at muling inabot sa akin ang libro.
"Pero ma'am kung ang story po na gagawin ko, may lilipas na taon or buwan, ganoon din po ba ang itatagal ko na wala dito sa mundong ito?"
Kasi siyempre 'diba sa mga story, kailangan lumipas ang mga taon para maging maganda ang takbo ng story.
"Oh, so you're planning to write a novel. No, isang araw ka lang mawawala. Kahit ilang taon pa ang lumipas doon. If you are the one who created the story, isang araw ka lang mawawala dito," paliwanag niya naman kaya napatango ako kasi na gets ko naman.
"Are you convinced now, Narizz? It will be a great help to achieve and become your desired or ideal self."
Kinagat ko ang labi ko at pinag isipan ng mabuti ang lahat. Wala namang mawawala... I will try, maybe this is really the way to develop myself.
Inangat ko ang kamay ko at dahan dahang tinanggap ang libro. "I will do it ma'am," I said determined.
She smiled a bit but fade away again. "But Narizz, walang dapat makaalam nito, okay? This should only be shared between us. Wala kang sasabihan nito. And you are the only one who can write in there and who can go in there. Wala ng iba," she warned seriously.
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...